Kris Aquino confirms PNoy will attend Dingdong-Marian wedding

Via Instagram, Kris Aquino confirms that her brother, President Benigno Aquino III, will attend the wedding of Kapuso stars Dingdong Dantes and Marian Rivera on December 30.

Photo shows PNoy congratulating Dingdong when he was designated as new commissioner-at-large of the National Youth Commission last September. Together with Dingdong is hisa fiancée Marian.


Dadalo si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa nakatakdang pag-iisang dibdib ng Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa December 30, 2014.

Ito ang kinumpirma ng bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino sa kanyang Instagram account (@_krisaquino) kahapon, November 3, Lunes.

Ayon sa post ni Kris: “From yesterday, my future inaanaks @dongdantes &@therealmarian, gave PNoy your invitation & I heard him give instructions to block off Dec 30, 2014 for both of you.”

(Photo from Kris Aquino’s Instagram)

Samantala, si Kris naman ay isa sa principal sponsors sa kasal ng Kapuso Primetime King and Queen.

Matatandaang binisita nina Dingdong at Marian si Kris sa set ng upcoming Metro Manila Film Festival movie nitong Feng Shui 2 noong October 31, Biyernes, upang personal na ipaalam na gagawin nilang ninang ang Queen of All Media sa kanilang kasal.

Ayon sa post ni Kris: “SUPER TOUCHED because of their personal effort to come to my FENG SHUI set to invite me to be their Ninang! Thank You @dongdantes & @therealmarian! See you December 30, 2014.”

Samantala, base sa Instagram post ni Dingdong, magiging ninong at ninang din sa kasal nila ni Marian si Senator Tito Sotto at asawa nitong si Helen Gamboa.

Sabi ni Dingdong sa kanyang post sa Instagram (@dongdantes): "Thank you to the Sotto family for the hospitality. We enjoyed the food, especially the company. Your story is truly inspiring. See you on our wedding day. #SponsorsVisit"

Nauna na nilang binisita ang kapatid ni Senator Tito na si Vic Sotto, na isa rin sa mga ninong.

Kabilang din ang fashion designer na Randy Ortiz sa mga magiging ninong at gagawa ng wedding suit ng Kapuso actor.

Ani Dingdong: "A fashion Icon. My very good friend. My soon to be ninong. The person who will suit me up for my big day. Bespoke...the Randy Ortiz way. @randy_e_ortiz #PinoyPride"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Photo from Dingdong Dantes’ Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN