(UPDATED) Dennis Trillo’s son hurt in school bus accident

Dalawa school bus service ang nagsalpukan sa may Quezon City kaninang umaga, November 4. Kabilang sa mga nasaktan ang seven-year-old son ng aktor na si Dennis Trillo sa dati nitong girlfriend na si Carlene Aguilar.


Kabilang ang seven-year-old son ni Dennis Trillo na si Calix Andreas sa sampung katao na dinala sa ospital pagkatapos magsalpukan ang dalawang school bus, sa may Quezon City, kaninang bandang alas-otso ng umaga, November 4.

Si Calix ay anak ni Dennis sa dati niyang girlfriend na si Carlene Aguilar.

Ayon sa ulat ng GMA News TV program na Balitanghali, isa si Calix sa pasahero ng school bus service na bumabaybay sa intersection ng Speaker Perez at N. Rojas Streets, sa Quezon City, nang biglang maganap ang hindi inaasahang salpukan sa isa pang school bus service.

Nai-tweet ng reporter na si Sam Nielsen ng DZBB ang mga larawan ng naturang aksidente.

Ito ang kanyang caption: “Photos: Banggaan ng 2 school bus service sa N.Rojas at Speaker Perez St., Q.C., nag-iwan ng 10 sugatan @dzbb

Ayon pa sa report, malakas ang impact ng salpukan ng dalawang school bus.

Base sa mga larawan, heavily damaged ang isang school bus, samantalang ang isa ay tumama naman sa isang poste.

Agad namang dinala ang mga bata, kabilang ang anak nina Dennis at Carlene, sa Chinese General Hospital upang gamutin ang mga natamo nilang sugat.

Ayon sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagtamo ng galos at bukol sa ulo si Calix.

Kalalabas lamang ngayong hapon nina Carlene at Calix sa hospital dahil pina-X-ray at MRI (magnetic resonance imaging).

Negative naman daw ang resulta at safe ang bata.

Pinag-iisipan daw nina Dennis at Carlene na maghain ng reklamo laban sa may-ari at driver ng school bus.

Accredited daw ng eskuwelahang pinapasukan ni Calix ang naturang school bus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN