Jolina Magdangal, Marvin Agustin give contradicting answers when asked if they became a couple

Jolina Magdangal on Marvin Agustin’s success as a restaurateur: “Ayoko nang isipin ang pagkayaman, pero yung pagka-successful, aware na aware ako. Kasi, may book na nagbigay sa akin na nandoon si Marvin. Kaya sabi ko, ‘Iba na ‘to. Ibang level na ‘to.’ Kasi, alam ko ang pinagdaanan niya dati kaya masayang-masaya ako para sa kanya tuwing may bubuksan siyang bagong restaurant.”


Binigyan ng magandang welcome ng ABS-CBN ang nagbabalik nilang talents na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa pamamagitan ng isang pocket presscon, kasama ang direktor ng bago nilang teleseryeng Flordeliza, kahapon, November 3, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

May inihanda ring video clips para sa dalawa na nagpapakita ng mga programa at pelikulang pinagsamahan nila noon sa bakuran ng Kapamilya network.

Ano ang naramdaman ni Jolina habang pinapanood ang mga pinagsamahan nilang shows at movies ni Marvin?

“May kilabot!” natawang sagot niya.

Gaano kasaya ang pagbabalik-tambalan nila ni Marvin kahit na may mga kanya-kanya na rin silang buhay?

“Ako, yung pagbabalik-tambalan namin, sobrang ano yung feeling, walang takot.

“Kasi, yung makakatrabaho mo, kabisado mo na.

“Na-excite na nga ako na may project, mas lalo pa akong na-excite na si Marvin ang kasama ko.

“Sinabi ko na yun kay Tita Linggit [Tan, ABS-CBN executive] noong tinawagan ako, e.


“’Okey ba sa ‘yo to work with Marvin?’

“’Oo naman!’ Ganoon agad! Wala talagang seconds, sumagot ako agad.”



THEY’RE BACK! Nakagawa rin naman ng ilang teleserye sina Jolina at Marvin nang magkasama sila sa Kapuso network—ang I Love NY (2006), Adik Sa ‘Yo (2009), at Iglot (2011).

Kaya hindi masasabing sa pag-alis nila sa Kapamilya network ay nagtapos na rin ang loveteam nila.

Pero ngayon ba ay may kaibahan na?

Sabi ni Jolina, “Iba, iba ang istorya.

“’Tapos, nakakatuwa nga, minsan kapag may gagawin kaming eksena, minsan may mga throwback pa rin kaming kuwentuhan.

“Kaya yun ang isa sa mga gusto ko kapag makakatrabaho ko si Marvin.”

Dugtong pa niya, “Ang sarap ng feeling kasi ramdam na ramdam ko, ang daming nabuhay.

“Nabuhay, ibig kong sabihin, yung mga fans, ha.

“Biglang sa Instagram ko, ang daming nagko-comment na dati pala silang Marvin-Jolina fans.

“Ang daming sa Twitter… nanahimik lang kayo for a while, ‘tapos ngayon, buhay na ulit kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HE SAID, SHE SAID. Inusisa naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa magkaiba nilang sagot ni Marvin kung naging sila ba o hindi noon.

Ayon kay Marvin ay naging sila, pero si Jolina naman ay sinabing hindi.

Paliwanag ni Jolina, “Okey, kasi ganito, ha, na-in love ako sa kanya.

“Pero kasi, kaya sinasabi kong hindi, nag-a-‘I love you’ ako sa kanya, pero hindi siya sumasagot.”

Kung nagkataon at naging sila talaga, posible kayang hiwalay na rin sila ngayon?

Ayon kay Jolina, “Yung naging kami na official, yung alam ng tao talaga, siguro isang secret din ng Marvin-Jolina tandem.

“Kaya yung mga tao, kinikiliti sila na, ‘Ano ba talaga? Bakit oo, bakit hindi?’

“Siguro yung mga tao, meron silang mga question na ganoon at forever naming kikilitiin sa kanila.”

Sa presscon kahapon ay sinamahan si Jolina ng mister niyang si Mark Escueta at anak na si Pele.

Ibig sabihin, suportado siyang talaga ng asawa sa balik-tambalan nila ni Marvin?

Sabi ni Jolina, “Fan nga, fan si Mark.

“Siya yung noong makita niya kami, piniktyuran niya kami.

“Siya yung naglabas ng picture agad. Hindi pa nga ako puwedeng maglabas ng picture, siya, nailabas na niya.”



MAR-JO LOVETEAM. May bansag na rin ang tambalan nina Marvin at Jolina—MarJo.

Kaya biro ng press, parang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel padilla) o JaDine (James Reid at Nadine Lustre) lang sila.

Lume-level ba ang MarJo sa young loveteams na ito ng Kapamilya network?

Sabi ni Jolina, “Lume-level?! Tingin ko, ang nadagdag lang sa amin ni Marvin ngayon, yung hashtag, kasi wala namang ganun dati, ‘di ba?

“’Hey Babes’ lang ang tawag sa amin noon.

“Pero hindi ko alam kung dapat pa kaming makiano sa kanila.

“Iba ang market nila sa market namin ni Marvin.

“Lahat ng fans namin ni Marvin, may pamilya na rin ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ibang klase raw ang mapapanood sa tambalan nila ngayon sa Flordeliza.

“Sobrang drama siya.

“Hindi kami nagganun ever, ha. Palagi kaming rom-com, palaging may patawa.

“Pero ito, iba ito.

“At saka, siyempre, yung mga fans namin, tumanda na rin, kaedad namin.

“So, I’m sure, maiintindihan nila ito ng bonggang-bongga.”

Ang Labs Kita, Okey Ka Lang? (1998) daw ang pinakapaborito ni Jolina na pelikulang pinagtambalan nila ni Marvin.

Kung sakaling i-remake ito ngayon, sino ang gusto nilang maging bida rito?

Sagot ni Jolina,“Gusto ko kasing mapanood muna sila kung paano sila magpakilig nang bongga.

"Kasi, sa ginawa namin, choosy ako pagdating sa ganun.”



JOLINA’S TAMPO. Sa kabilang banda, inamin ni Jolina na nagtampo siya noon kay Marvin dahil inimbitahan niya ito nang ikinasal siya ngunit hindi ito nagpunta.

Paano nawala yung tampo?

Sabi ni Jolina, “Nagkita kami sa Tiktik premiere…

“Talagang nagtampo ako sa kanya. Siya ang unang-una kong binigyan ng ‘save the date.’

“Kaya nga may ‘save the date’ sa kasal, ise-save mo ang date.

“’Tapos, nagulat ako, nasa Cebu siya.”

Patuloy niya, “Hanggang ngayon, hindi ko naiintindihan ang reason niya.

“Kasi, parang ganito, feeling ko lang, yung moment na yun, magkaibigan naman kami kaya wala na ang moment-moment.

“Iilan lang ang in-invite ko nun. Walang TV, walang media.

“E, important ang mga taong nandoon at siyempre, important siya.”

Sa binyag ng anak niyang si Pele, kukunin niya bang ninong si Marvin?

“Why not? Siyempre, kukunin natin ‘yan. Dedication siya, sa first birthday niya, sa February pa,” banggit ni Jolina.

Nagkabiruan naman na isang franchise daw ng restaurant ni Marvin ang ireregalo nito sa aanaking anak ni Jolina.

Pero hirit ni Marvin, “Regalo at hindi pangkabahuhayan showcase!”

Aware ba si Jolina na mayaman na ang kanyang ka-loveteam?

Saad niya, “Ako, aware na aware ako.


“Ayoko nang isipin ang pagkayaman, pero yung pagka-successful, aware na aware ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Kasi, may book na nagbigay sa akin na nandoon si Marvin.

“Kaya sabi ko, ‘Iba na ‘to. Ibang level na ‘to.’

“Kasi, alam ko ang pinagdaanan niya dati kaya masayang-masaya ako para sa kanya tuwing may bubuksan siyang bagong restaurant.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN