Toni Gonzaga more comfortable doing romcom than teleseryes: "Hindi kasi ako dramatic actress."

Toni Gonzaga on her showbiz career: “Kuntento na. Ready na ako kung saan man ako dadalhin ng Diyos sa susunod. Kasi, plano ako nang plano, pero mas maganda naman ang plano ng Diyos sa akin.”


Kung noong nagsisimula pa lamang ang sitcom na pinagbibidahan nila ni John Lloyd Cruz sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home, ay madalas sabihin ni Toni Gonzaga na naiilang siya at hindi masanay sa intimate scenes nila ng aktor bilang mag-asawa.

Pero ngayong isang taon na rin ang itinatagal ng kanilang show, wala na raw ang pagkailang kay Toni.

Sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ay, wala na, masaya na! Nakagamayan na namin.

“Siyempre, kaka-taping, camaraderie sa set.


“Regular kasi at, siyempre, kapag regular mong nakakasama ang mga tao, nagkakaroon na ng familiarity sa set, mas kumportable ka na, okey na.”

Aminado naman si Toni na ibang usapan pa rin kapag kissing scene.

“Sa kissing scene, hindi pa rin ako sanay. Naiilang pa rin ako.

“Pero hindi naman siya yung kissing scene na parang maselan, wholesome naman.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay John Lloyd, dahil sa masaya siya sa sitcom nila ay payag daw siyang gawin ito kahit walang bayad.

Si Toni ba ay ganun din?

Saad niya, “Alam niyo, dapat talaga sa mga artista, hindi isyu ang pera.

“Kasi kapag pera ang tinitingnan mo, hindi niyo mae-enjoy ang trabaho.


“Kasi, parang ginagawa mo lang yun sa pera.

“Pero kung gusto mo ang ginagawa mo, hindi mahalaga ang pera.

“Iba ang passion, nag-e-enjoy ka sa trabaho, mas masaya yun.”

Dagdag niya, “Pero ako naman, kahit saang show, ganoon ang feeling ko.

“Wala akong attachment sa mismong show.

“Kasi, alam ko na ang sistema sa industriya na shows come and go, but your friendship with your co-stars remains.

“Mas yun ang importante sa akin.

“Like, nawala ako sa The Buzz, ‘tapos bumalik ako sa The Buzz.

“Hindi talaga permanente. Lalo na sa shows, seasonal.”



NOT A DRAMATIC ACTRESS. Nakagawa na rin siya ng soap opera dati, pero ang tagal na siyang hindi napapanood sa genre na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya ito nami-miss?

Paliwanag ni Toni, “Nagkasunod-sunod lang kasi ang reality shows ko noon, pero hindi naman talaga ako nagsu-soap.

“Mas ano ko sa Talk unit, reality shows, and then movies.

“Sa soap siguro, kung magandang-maganda talaga ang istorya, maganda ang script, iba sa mga nabasa ko na.”

Yung ibang artista, pagkakaroon talaga ng teleserye ang palaging hinahangad. Wala siyang ganun?

Saad ni Toni, “Hindi kasi ako dramatic actress.

“Hindi ba, ang soap, dapat dramatic actress ka?

“Parang may pagka-romcom akong talaga.

“E, ang soap, family drama, heavy drama.

“Siguro kapag meron talaga.”



MOVIES. Sila ng katambal niya sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz ay nagkasama na rin sa highly-successful na My Amnesia Girl noong 2010.

Wala bang plano na masundan ang pagtatambal nila ni John Lloyd sa pelikula?

Ayon kay Toni, “Ang alam ko nga, noong 2010, right after ng My Amnesia Girl, tinatanong kami ni John Lloyd kung ano ang gusto namin.

Amnesia Part 2, sequel or bagong istorya, kasi open-ending din yun.

“Yun, may mga script silang ginagawa, siguro wala pang nagma-materialize.”

Ang huling pelikulang ginawa ni Toni ay ang Starting Over Again nila ni Piolo Pascual noong February 2014.

Kanino siya mas excited gumawa ulit ng pelikula—kay John Lloyd o kay Piolo?

Sagot ni Toni, “Siyempre pareho, kung sino ang available sa kanila.

“Magkaiba ang level kasi hindi mo naman sila puwedeng i-compare.

“Of course, yung kay PJ [Piolo], iba ang impact sa akin noon.

“Kasi siya ang unang-unang artista na nakatrabaho ko, ever. Na nakaharapan ko sa commercial ng Sprite.

“Yun pa ang launching pad ng career ko.

“Si John Lloyd naman, pinakamahusay na actor na nakatrabaho ko.

“Kaya kung sinuman, siyempre, I feel really blessed na makatrabaho sila ulit.”

Sa estado ngayon ng kanyang showbiz career—mapa-aktres, host o singer—kuntento na ba siya o may kulang pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Toni, “Kuntento na.

“Ready na ako kung saan man ako dadalhin ng Diyos sa susunod.

“Kasi, plano ako nang plano, pero mas maganda naman ang plano ng Diyos sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN