Maja Salvador and Gerald Anderson work together for the first time

Gerald Anderson on working with girlfriend Maja Salvador: "This one is for Christmas, ang ganda pa ng kuwento, ’tapos first time pa naming magsasama. Parang lahat nandun na.”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal ang magkasintahang Maja Salvador at Gerald Anderson sa isang proyekto.

Ito ay para sa isang episode ng pamaskong serye ng ABS-CBN, ang Give Love On Christmas Presents, na magsisimula sa December 1.

“Gift of Life” ang titulo ng episode nina Maja at Gerald.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang real-life couple sa pictorial ng nasabing Christmas serye, sa Studio 4 ng ABS-CBN, kahapon, November 4.

Paano sila napapayag na magsama sa isang proyekto gayong dati ay consistent sila sa pagsasabing ayaw nilang magsama sa teleserye?

Sinasabi kasi nila noon na gusto nilang ihiwalay ang kanilang personal na buhay sa kanilang trabaho.

Sabi ni Maja, “Isang napakagandang kuwento na nung in-offer sa amin, hindi rin namin matanggihan.

"Ang ganda, ang gandang regalo rin para sa lahat, para makapagbigay ng isang magandang kuwento ngayong Pasko."

Dagdag ni Gerald, “Masaya, masaya kami kasi siyempre first time din naming magsasama.

"Ito yung Christmas special ng Dreamscape at ABS para sa Kapaskuhan.”

Kumusta naman ang working relationship nila?

Sabi ng Kapamilya actor, "Hindi ko alam kasi ’di pa kami nag-i-start, e.

"It’s something very exciting para sa mga fans, siyempre.

"’Tapos, para sa Pasko pa, that’s my favorite season.

"Ang hirap talagang tanggihan, ang ganda ng kuwento.

"I’m excited for the story ’tapos, yun nga, first time kaming magsasama."

GERALD’S FAN. Ayon kay Maja, dati pa ay fan na siya ng kasintahan.

“Dati pa naman, kahit wala pa kami, gusto ko siyang makatrabaho.

"Kasi naging fan din naman ako ng mga ginawa niyang trabaho, especially Budoy.

"Nung kinuwento ito, excited ako na parang, ’Ano nga ba ang pakiramdam ’pag nagkatrabaho kaming dalawa?’

"Parang nakaka-excite yung pakiramdam na co-actor ko siya.”

Pahayag naman ni Gerald, hindi nila binabago ang desisyong magkaroon ng kani-kanilang trabaho.

“Hindi talaga, kumbaga, oo nga, ilang beses ko ring nasabi sa mga interviews.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero para sa Pasko at saka ang ganda ng kuwento.

"This one is for Christmas, ang ganda pa ng kuwento, ’tapos first time pa naming magsasama.

"Parang lahat nandun na."

Paliwanag pa ni Maja, “Title pa lang kasi, ’Gift of Life.’

"Para bigyan kami ng management ng isang proyekto, parang ibig sabihin, talagang ipinagkakatiwala sa amin.

"Masaya, masarap sa pakiramdam na pagkatiwalaan ka ng management at bigyan ka ng isang magandang kuwento.

"And it’s for Christmas pa kaya bakit ’di namin gagawin? So, yun.”

Nangangahulugan ba na posibleng magsama at magkapareha rin sila kung sakaling may offer ulit ang Kapamilya network?

Pahayag ni Gerald, “Siguro nasa mga Kapamilya natin ’yan kung susuportahan kami dito.

"Pero siyempre, depende pa rin sa kuwento.

"Kaya kami pumayag sa serye na ito ay dahil ang ganda ng kuwento.”

Pakli naman ni Maja, “Tingnan natin, paisa-isa muna."



HOLIDAY PLANS. May plano na ba sila sa darating na Kapaskuhan?

Ayoin kay Gerald, “Siguro nagte-taping kami nito [’Gift of Life’], yun ang celebration namin.

"The best way to celebrate something is working kasi blessing naman yun.

"Second Christmas na [with Maja]. This time, mas special, kasi magkatrabaho pa kami.”

Ayon naman sa aktres, malabo silang makalabas ng bansa ni Gerald dahil bukod sa Christmas serye ay nagsimula na rin kasi ang taping nila ng kani-kanilang teleserye.

"Pareho na baka ipalabas first quarter next year, 2015," banggit pa niya.

Masasabing matibay ang relasyon ng dalawa dahil napanatili nila itong tahimik at maayos.

Ayon sa magkasintahan, ang pagiging inspirasyon sa isa’t isa ang susi sa pagiging matatag nila sa kabila ng mga intrigang napagdanan nila.

Saad ni Gewrald, “Hindi namin alam kasi, day by day, ayaw naming lagyan ng maraming sikreto, pressure na ganun.

"Basta i-enjoy na lang namin and just be an inspiration to each other siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Be a gift of life to each other."

Pahayag naman ni Maja, “Every day is isang magandang regalo.

"Maganda na, every day, nakikita ko siya o nagpaparamdam siya.

"Isang magandang regalo yun para sa akin.

"Every day nagpapasalamat ako na dumating siya sa buhay ko."



NEW PROJECTS. Hiningan naman namin ng reaksiyon si Maja sa balitang dapat ay kasama si John Lloyd Cruz sa gagawin nilang teleserye ni Jericho Rosales, pero tumanggi raw ito dahil nakita nitong wala silang chemistry ni Maja.

Ayon sa Kapamilya actress, “Wala pa ako sa posisyon para sagutin ’yan.

"Siguro management na lang or yung EP [executive producer] ko na lang ang sasagot."

Nilinaw naman ni John Lloyd sa panayam ng PEP na kaya hindi niya tinanggap ang proyekto ay dahil hindi pa sila nakakapirma muli ng kontrata sa ABS-CBN.

Si Xian Lim ang napili ng network na pumalit kay John Lloyd sa teleserye.

Samantala, excited si Gerald sa pagbibidaha niyang teleserye, ang Nathaniel, kung saan makakapareha niya si Shaina Magdayao.

Sabi niya, “Abangan na lang nila... under Dreamscape din.

"I’m very excited also for this project kasi kakaiba din ang role ko dun.

"Very heartwarming and napakaganda ng kuwento din.

"Ayokong magkuwento masyado. Basta napakaganda ng kuwento sana abangan nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN