Alex Gonzaga: “I think my heart has mended.”

“Ewan ko, kasi parang pinapakita niya hindi ko alam kung may meaning kasi nga mabait talaga siyang tao, mabuti siyang tao.”,” says Alex Gonzaga when asked if Pure Love co-star Arjo Atayde is courting her.


Bagamat patapos na ang early primetime series na Pure Love, hindi pa rin daw nawawala ang crush ni Arjo Atayde sa kanyang leading lady na si Alex Gonzaga.

Sa press conference para sa finale ng ABS-CBN adaptation ng Koreanovela na may parehong title kagabi, November 4, sinorpresa ng staff ng Pure Love si Arjo dahil ipagdiriwang niya ang kanyang birthday ngayong araw, November 5.

Matapos bigyan ng cake, tinanong si Arjo ng host na si MJ Felipe kung wish din niyang mapasagot si Alex.

Ang simpleng sagot naman ng binatang anak ni Sylvia Sanchez: “Can be.”

Kaya naman sa hiwalay na panayam kay Alex, tinanong ng entertainment reporters kung nanliligaw sa kanya ang onscreen partner.

Sagot niya, “Hindi ko kasi alam kung nanliligaw, pero ito kasi, habang ginagawa namin [ang Pure Love], parang hindi naman.

“Ewan ko, kasi parang ipinapakita niya hindi ko alam kung may meaning, kasi nga mabait talaga siyang tao, mabuti siyang tao.”

Sabi pa niya tungkol sa sagot ni Arjo sa tanong ni MJ, “Can be lang ang wish niya.

"Hayaan na lang muna natin na mag-wish siya nang ganun.

“Kasi mamaya hindi naman pala niya talaga ako nililigawan, mag-feeling naman pala ako. Hayaan na muna natin.”

Gayunman, sinabi ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na palagi naman siyang flattered sa mga magagandang sinasabi ni Arjo tungkol sa kanya.

Aniya, “Arjo kasi he’s very nice talaga.

“Pero napansin ko kasi sa lahat ng tao, same lang kasi ang trato niya.

“So, Arjo as a person, he’s really genuine and he’s really sweet, gugustuhin mo talaga siyang maging kaibigan.

“Pero siyempre, kung sasabihin ’yon, we’ll always be flattered.”



NOT YET READY. Sa ngayon, hindi pa rin sigurado si Alex kung handa na siyang pumasok sa isang romantic relationship.

Sabi niya, “Alam mo, ayaw kong magsalita nang tapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But right now, compared to the last press conference for Pure Love, I think my heart has mended."

Gayunman, ayaw raw niyang madaliin ang pagkakaroon muli ng lovelife.

“Ayaw kong puwersahin, I don’t want to force things,” natatawang sabi niya.

“Hayaan ko na lang muna na whatever happens, kung ano ang will ni Lord, ’yon na lang muna.

“Ayaw kong i-push kasi kakagaling pa lang [ng puso ko] sa heartbreak.”

Huling na-link si Alex sa It’s Showtime host na si Ryan Bang, subalit parehong nilinaw ng dalawa na magkaibigan lamang sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN