Andrea Torres sets aside lovelife to focus on career: “Na-experience ko naman lahat before; lahat ng date, ligaw…”

Andrea Torres explains that her previous relationship with a non-showbiz guy got complicated because the latter didn’t fully understand the demands of her work as an actress.


Walang relasyon sa totoong buhay sina Andrea Torres at Mikael Daez, pero paano nila napapanatili ang kanilang onscreen chemistry?

Sagot ni Andrea, “Dapat open talaga kayo sa isa’t isa.

"Kasi kami ni Mikael, inayos muna namin ang friendship namin.

"Nagsabi muna siya ng secrets niya, mga past niya, mga gusto niya sa girls, mga experiences. ’Tapos ako din.

"So, parang best friends na kami bago kami nag-work nang matagal talaga.

“’Tapos siyempre, habang tumatagal, marami kayong nasi-share, ’tapos may teamwork talaga kung paano gagawin lahat ng trabahong ibinibigay, pinag-uusapan [namin].”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa Raniag Twilight Festival sa Vigan, Ilocos Sur, noong October 28.



THIRD PAIRING. Magkatambal ngayon sina Andrea at Mikael sa GMA afternoon fantasy series na Ang Lihim ni Annasandra, na ikatlong proyekto nila.

Nagtambal din sila sa Sana Ay Ikaw Na Nga (2012-2013) at With A Smile (2013).

Paglalarawan niya sa kanyang leading man na si Mikael, “Always easier [working] with Mikael.

"Kasi sanay na sanay na talaga kasi leading man ko siya.

"First kissing scene ko siya rin, first everything.

“Akala namin lately, parang wala nang time na maiilang kami sa isa’t isa.

"Pero nag-first love scene kami, parang, ‘Okay, makakaramdam pa pala tayo ng ganito.’

“Siguro parang ten minutes, nakatayo lang kami dun, nakahawak lang kami, nagkatitigan lang kami.

“Sabi ni Direk, ‘Kayo na bahalang magsabi kung kailan mag-i-start.’ ’Di kami maka-start!

"‘Hay, Mikael, ano’ng gagawin natin?’

"Nag-last daw ang eksena parang 15-20 minutes ang love scene.

“Grabe kaming dalawa ni Mikael, sobra ang kaba namin.”

Naitawid naman daw nila ang eksena.

Dagdag pa ng aktres, “Sabi ni Mikael, siya na lang magga-guide kasi siya nga ang lalaki.

"’Tapos yung role ko pa, medyo inosente, so nag-guide naman siya nang tama.

“’Di naman siya nagmukhang bastos.

"’Di ko naman naramdaman na nahihiya ako after dahil parang masyadong sensual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sakto lang. Love scene siya pero sweet lang."

FROM REEL TO REAL? Tinukso ng PEP si Andrea kung hindi kaya mauwi sa totohanan ang kanilang pagtatambal ni Mikael, lalo pa’t ilang proyekto na rin ang kanilang pinagsamahan.

Tugon niya, “Minsan din lang ako magkaroon ng guy friend na sobrang close na ganun, na meron kami ni Mikael.

“Siyempre ’di lang siya basta friend, parang iba pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Naiiba yung level niya sa mga guy friends ko, pero hindi pa kami.

"’Di naman kami mag-boyfriend-girlfriend.

“Kasi gusto talaga naming mag-focus sa work kasi sayang naman. Mahirap kapag nag-LQ [lovers’ quarrel] kayo.

“Nagwo-work naman siya ngayon, so maintain na lang muna.”

Matagal nang nali-link si Mikael kay Miss World 2013 Megan Young, subalit walang napapabalitang boyfriend si Andrea.

Ayaw ba ng aktres na magkaroon ng relasyon sa katrabaho niya?

Sabi niya, “Kung kakayanin.

"Although may mga iba talaga na sabi nila nade-develop talaga, ’di mo kayang i-control.

"Pero kung kaya kong ibigay muna ang atensiyon sa work, yun ang mas gusto ko sanang gawin.”

Mas gusto ba niya ang non-showbiz?

“’Di naman. Basta depende sa ugali kasi may pros and cons, e.

“’Pag non-showbiz, may iba kang life, may iba kang work outside of work.

“Pero ’pag showbiz, parang mas naiintindihan ka niya—schedule, lahat-lahat.

“Kasi dati, nagkaroon din ako ng non-showbiz [boyfriend], mahirap i-explain yung time na meron ka, kung bakit kailangan mong gawin ang mga bagay-bagay, at kung bakit biglaang magka-cancel ng mga plano.

"Pero ’pag showbiz, alam na nila yon.”

Nilinaw ni Andrea na hindi lang ang pagiging artista niya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“One of the reasons. Hindi naman ’yon ang pinaka-reason,” aniya.

So, tahimik ang lovelife niya sa kasalukuyan?

“Quiet talaga.

"Sabi ko nga, na-experience ko naman lahat before, lahat ng date, ligaw, mga ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, nabigyan ako ng chance na nabibigyan tayo ng lead role.

“Feeling ko, darating din yung love at the right time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN