Bea Binene hopes GMA will put more effort in building up her loveteam with Jake Vargas

Bea Binene celebrates 17th birthday with children with cancer: “Every birthday ko, gusto ko silang makita and I wanna make sure na nakikita silang okey. Gusto ko rin na ilu-look forward nila yung birthday ko every year."


May usap-usapang tila napapabayaan na ng GMA Network ang real loveteam na sina Bea Binene at Jake Vargas dahil naka-focus daw ang istasyon ngayon sa real loveteam din na Janine Gutierrez-Elmo Magalona.

Sina Janine at Elmo ang bida sa upcoming early primetime series ng GMA na More Than Words, habang sina Bea at Jake ay dalawa sa mga bida sa primetime series na Strawberry Lane.

Hindi ba napu-frustrate si Bea dahil unang sumikat ang team-up nila ni Jake?

Tugon niya, “Unang-una, nung nakita ko yung teaser at synopsis ng More Than Words, nagandahan talaga ako.

"It takes a perfect show, perfect character, perfect acting para mapaganda at makilala ka.

“Happy naman po ako sa ginagawa ng network.

"Wala naman akong masasabi kung napu-push sila kaysa sa amin kasi it’s up to the network."

Ano naman ang masasabi niya sa sinasabi ng ilan na mas sila ni Jake ang dapat i-push ng network para pantapat kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN?

Ayon kay Bea, “Nagpapasalamat ako sa mga nagsasabi nun dahil nakikita nila yung team-up namin.

“Happy ako na napapansin nila ako. Thank you.

"Salamat at hindi lang sila ang nakakapansin kundi marami na.”

Umaasa pa rin daw si Bea na ma-build up ng GMA ang loveteam nila ni Jake.

“Sana po, sana po. Magiging maganda ito para sa loveteam namin ni Jake.

"Siguro naghahanap lang ng magandang story, character or project para match sa amin ni Jake.

"Para makilala kami ng mas maraming tao."



RELATIONSHIP WITH JAKE. Kumusta naman silang dalawa ni Jake?

Sagot ni Bea, “Going strong naman.

"Siguro sa mga nangyari sa relationship before, alam na namin kung ano ang hindi dapat at dapat.

"Saka alam na namin ang isa’t isa.”

Ibig sabihin, konti na lang ang tampuhan nila?

“Opo, siguro mas naging understanding siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutunan niya na hindi naman lahat ng mga taong nakapaligid sa amin ay magugustuhan ng lahat.

"Actually, natutunan ko na hindi naman lahat ng nasa side ko, gusto siya.

"Hindi rin naman lahat ng nasa side niya, gusto ako.

“Pero hindi naman kailangang pansinin yun dahil we are not here naman to please them, ’di ba?

“Ako naman, siyempre yung effort nandiyan.

"Simple things lang po."

Hindi ba niya minu-monitor si Jake para alamin kung nasaan siya?

Sabi ni Bea, “Actually, hindi lang naman ako, siya rin naman.

"Kunwari lagi niyang tinatanong kung nasaan ako, sino ang kasama ko.

"Basta, alam naming kung ano ang dapat at hindi dapat.”

OLD ISSUE. Gumigimik pa rin ba si Jake kasama ng mga
barkada niya?

Matinding problema kasi ito sa relasyon nila kaya sila nag-break dati.

“Huwag na nating pag-usapan yun!” sabay tawa ni Bea.

Giit pa niya, “Ang masasabi ko na lang doon, I trust him, but not the people na kasama niya kapag nagpupunta siya sa mga ganong lugar.”

May kaba o duda pa ba siya kapag nagba-bar si Jake?

“Sa kanya, wala akong kaba or duda.

"Kasi ako, kilala ko naman kasi yung personality niya at yung mga kasama niya.

"I don’t know them personally and I’ve seen and heard some things.

“Basta, I trust Jake. Alam ko na alam niya kung ano ang limits niya.

“Nag-e-effort naman siya at saka hindi naman siya gaya ng dati.

"Sobrang minsan na lang ngayon, sobrang bibihira.”

Puwede naman siyang sumama kung sakaling may gimmick si Jake, ’di ba?

Pero ani Bea, “Hindi ko environment yun, e.

"Saka ayaw rin ni Mama.

"Kahit isipin ko na pupunta ako, hindi ko talaga maisip.

“Huwag na nating pag-usapan yun. Basta, ako tina-trust ko siya.

"Alam ko na may natutunan siya sa mga nangyari sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know he has learned from it and he knows now what to do.”

Ano na lang ang pinagkakatampuhan nila?

“Mga mababaw lang po. Sobrang after five minutes, wala na.

"Minsan lang nagtatalo kami kapag may nababasa sa Twitter.

"Kasi ako ang tipo ng taong iniisip ko yung masasabi ng side ko, ng side niya.

“So, ipinapaliwanag ko yun. Ewan ko, minsan nagtatalo kami minsan doon.

"Hindi naman po big deal.”

Mas marami naman daw ang happy moments nila.

“Marami, marami... he makes sure na mapapasaya niya ako.

"Gumagawa siya ng effort.”

BIRTHDAY CHARITY. Samantala, nag-celebrate ng kanyang 17th birthday si Bea kapiling ang ilang cancer patient kids kahapon, November 4, na ginanap sa kabubukas pa lang na McDonald’s EDSA malapit sa Centris.

Sa exclusive interview na ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Strawberry Lane actress, sinabi nitong apat o limang taon na niya itong ginagawa sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

Saad niya, “Kasi po I grew up with Kapuso Foundation, doon sa mga events nila lagi akong sumasama, sa mga Give A Gift: Alay Sa Mga Batang Pinoy, mga cancer kids, cancer survivors na mga bata, yung cancer champions.

“Alam ko yung mga story nila. Like, yung cancer patient kids, hindi mo naman masasabi kung ano ang mangyayari sa kanila, e.

“So, every birthday ko, gusto ko silang makita and I wanna make sure na nakikita silang okey.

"Gusto ko rin na ilu-look forward nila yung birthday ko every year.

"Regular din po akong sumasama sa mga feeding program ng Kapuso Foundation."

May plano ba siyang magkaroon ng sarili niyang foundation?

“Hindi pa naman po napu-push, meron na yung Bea Binene Cares. Pero hindi pa siya ayos.”

Ano ang birthday wish niya?

Tumawa muna si Bea at saka sinabing, “Siguro ano po... happiness for me and the people around me and the people who love me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang na masaya lahat. Masaya naman po ako.”

Isang Valentino bag ang regalo ni Bea sa sarili na binili raw niya ilang araw bago sumapit ang kanyang birthday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN