Yen Santos nearly gave up showbiz for failing to cry on cue

Yen Santos admits difficulties with co-stars stemming from her ineptness in crying scenes: “Sobrang pinapagalitan ako. Naranasan ko po talaga na murahin nang ilang beses.”


Minsan na raw naisip ng dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Yen Santos ang mag-quit sa showbiz dahil hirap siyang umiyak sa mga eksena.

“Naisip ko na po ’yon. Naisip ko po na baka hindi para sa akin [ang showbiz] kung pag-iyak lang hindi ko magawa,” sabi ni Yen nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) at iba pang entertainment reporter sa press conference para sa finale ng Pure Love noong November 4.

Ayon sa kuwento ni Yen, naranasan niyang masigawan at mamura sa set noon dahil hindi niya magawa nang tama ang ipinapagawa sa kanya sa eksena.

“Noong nag-start pa lang po kasi may mga taong hindi naniniwala sa kakayahan ko.

“Parang noong umpisa pa lang, wala silang tiwala sa akin pagdating sa set. Dalawang oras nila akong hinihintay, hindi talaga ako maiyak.

“Siguro hanggang sa nag-pray nang nag-pray, sinabi ko sa sarili ko na gagaling din akong umiyak, na may paghuhugutan ako nang mabilis.”

Isa sa hindi niya makakalimutang karanasan ay nang masigawan siya ng comedian-talent manager na si Ogie Diaz, na nakasama niya sa dating fantaserye ng ABS-CBN na Mutya (2011).

Pag-alala niya, “Si Mama Ogie ang unang nakapagpaiyak sa akin sa showbiz, tandang-tanda ko ’yon, sinigawan niya ako.

"Sinadya raw po niya ’yon kasi dalawang oras na pero hindi raw po ako maiyak. Parang sabi ni Direk, ’Sige, ikaw na.’

"Sabi niya [Ogie], ’Ano ba naman ’yan, Yen.’ ’Tapos may original scoring pa sa background.

"Sabi niya, ’Yung bata sa radyo pagod na pagod nang kumanta, hindi ka pa rin umiiyak. Bakit ka pa nag-artista?’

“May mga ganun sila, so ako rin sa sarili ko, nahiya na ako.

“Lahat sila naghihintay sa akin kasi hindi ako maiyak.

“Nakaiyak na rin naman po ako, pero after nun, ang dami ko pang eksena na kapag iyakan, hindi talaga ako makaiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang pinapagalitan ako. Naranasan ko po talaga na murahin ng ilang beses.”

Bukod sa mga negatibong narinig tungkol sa kanya bilang artista, nakadagdag din daw sa pagbaba ng self-esteem ni Yen ang matagal na pagiging bakante sa trabaho.

“Actually, dapat mag-give up na po ako kasi ang tagal ko nang walang work.

“Nag-aaway na nga kami ng nanay ko, ’Ano ka ba, umuwi ka na lang ng Nueva Ecija. Wala ka namang ginagawa diyan.’

“’Tapos may nag-text po sa akin na may audition nga po para sa Pure Love, pinag-isipan ko po.

“Wala namang mawawala kung ita-try ko ulit kahit last na.”

Sa kabila ng mga negatibong salitang narinig niya noon, hindi raw naisip ni Yen na magalit sa mga taong nakapagbitaw ng masasakit na salita sa kanya.

Katuwiran niya, “Hindi naman po ’yon personal.”

NOT GIVING UP. Sa halip na sumuko, itinuring na lamang daw ni Yen na pagsubok ang mga nakaraang karanasan para mapabuti ang kanyang trabaho.

“Nakatulong po sila,” sabi ng 21-year-old Kapamilya actress.

“Noon, parang nakaramdam na ako ng pagbaba sa sarili, na baka hindi ito para sa akin.

“Yun pala, ’yon ang challenge, na kailangan kong maipakita sa kanila na hindi lang ako ganyan, na may ibubuga pa pala ako.”

Sabi pa niya, “Noong gusto ko nang gumive up, hindi ko itinuloy na mag-give up.

“Parang naging challenge po sa akin na galingan, na aralin ang bawat character, ang bawat trabahong ibibigay sa akin.

"Para hindi ko na maging problema ang pag-iyak na ’yan, mayroon na akong paghuhugutan.”

Sa mismong press conference, nabanggit ng direktor ng Pure Love na si Veronica Velasco na madali na ngayong mapaiyak si Yen sa eksena.

Ayon naman kay Yen, “Ngayon po, kaya madali na lang din po ako maiyak dahil sa character ko sa Pure Love.

“Parang kailangan po pala talaga aralin mo ang character mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kapag alam mo ang character mo sa puso mo, alam mo kung ano ang atake mo.”



MORE TO LEARN. Natutuwa rin daw si Yen dahil marami siyang natatanggap na magagandang puna sa ginagawa niya sa Pure Love.

“Nakakataba po ng puso na may mga taong ang ganda ng feedback sa ginagawa ko.

“Ako, ang alam ko lang po ay nagratrabaho ako nang mabuti para mabigyan ng justice ang role ko.

“Kasi ang daming fans nitong show.

“Itong Isabel, ang laking character niya na sobrang dito mo makikita ang range ng acting mo, e.

“So, masaya po ako na sa tulong ng workshops at sa tulong ng mga direktor ko, mukhang na-deliver ko naman nang maayos,” saad ni Yen.

Sa ngayon, ayon kay Yen, marami pa siyang dapat matutunan para mas mapabuti ang kanyang pag-arte.

“Marami pa po akong kailangang pag-aralan. Kasi ang acting di naman ’yan natatapos nang basta-basta, parang continuous learning ’yan.”

Pagkatapos ng Pure Love, muling mapapanood sa telebisyon si Yen sa pamamagitan ng teleseryeng pagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Maxene Magalona, at ng child star na si Janna Agoncillo, ang Dream Dad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN