Matt Evans confirms altercation with Arron Villaflor on the set of Pure Love

Matt Evans on being a family man: “Sobrang adjusted na talaga, kung may barkada man, sobrang kaunti na lang. Hands-on talaga ako as a father. Every day, sobrang enjoyment ko sa buhay ko, yung fulfillment ko sa career, sobrang blessed ako, wala na akong mahihiling pa. Simula nang ikasal ako, lumagay sa tahimik, biglang bumuhos yung blessing, sobra-sobrang suwerte.”


Hindi itinanggi ni Matt Evans ang nabalitang tensiyon na nangyari sa pagitan nila ni Arron Villaflor sa taping ng ABS-CBN early primetime series na Pure Love.

Ayon sa mga ulat na lumabas, sinuntok daw ni Matt si Arron na nagdulot ng tensiyon sa set ng kanilang pinagsasamahang teleserye.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Matt sa finale presscon ng Pure Love, noong Martes, November 4, ay inamin niyang may insidente ngang naganap sa kanila ng co-star pero agad naman daw itong naayos at natuldukan.

“Oo, normal naman yun, nangyayari naman yun sa sitwasyon.

“Wala, sobrang good na kami ni Arron, kasi alam mo naman yung parang kapatid ko na yun.

“Kinabukasan nung taping, parang walang nangyari, na parang, ‘Tayo pa ba?’

“Simula nung [Pedro] Penduko nun, Book 1 and 2, magkasama na kami.

SCQ [Star Circle Quest] siya, ako PBB [Pinoy Big Brother], sabay-sabay kaming nag-grow dito sa industry.

“Nagtatawanan nga kami pagkatapos ng sitwasyon.

“Isipin mo, first out of the country, out of the country niya, magkasama kami sa Hong Kong.

“’Tapos Star Magic sa US, magkasama pa kami sa US, Singapore…

“After nung nangyari, magkasama pa kami sa Dubai… may Dubai pa kami nung weekend.”

ALL’S WELL THAT ENDS WELL. Ayon kay Matt, sa set din ng Pure Love sila nagkaayos ni Arron.

“Saan pa ba kami magkikita-kita? Sa set din kami magkikita.

“First scene pa lang, magkaeksena na kami.

“Sa tent pa lang, nung magkita kami, dun agad, nag-sorry-han na kami, nagyakapan na kami.

“Hindi na pumasok yung pride kasi alam naman namin na wala naman talagang dapat pagsimulan.”

Si Matt daw ang unang lumapit kay Arron para humingi ng paumanhin sa nangyari.

“Oo naman, ako na mismo nagbaba ng pride ko.

“Hindi naman kabawasan sa pagkakalaki ang paghingi ng sorry.”

Nang tanungin kung ano ba talaga ang tunay na nangyari, tumanggi si Matt na idetalye pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Huwag na nating i-elaborate, pangit talaga yung pinagmulan.

“Wala naman ang may gusto nung nangyari.

“Kumbaga, halo-halo na, init ng tensiyon ng taping, kasi nagmamadali kami, for airing na yung eksena.

“’Tapos yung tirik pa ng araw, kasi ala-una ng hapon yun, hindi pa kami nagla-lunch, gutom na ang lahat.

“Halo-halo na, kumbaga, kami pa lang, dun pa lang sa eksena, sa blocking pa lang, ‘di lang sa amin.

“Wala talagang tensiyon sa amin, wala talagang nangyayari, hindi namin alam kung bakit biglang ganung kabilis.

“Kahit nga sila Direk [Veronica Velasco], halos buong araw naming pinag-uusapan kung bakit ganun kabilis nangyari.

“Sabi ko nga, ’Di ko alam, Direk...’ basta biglang nag-flare up kaming dalawa.”

Itinanggi naman ni Matt ang usap-usapang matagal na raw silang may alitan ni Arron.

“Yung sinasabi nila na dati pa kami may isyu, bakit? Wala naman kaming dating isyu ni Arron.

“Sinasabi nila may dati raw kaming isyu, tanong ko nga, ’Anong dating isyu?’

“Wala kaming maisip. Si Arron, napakabait ng bata niyan.”

Nilinaw rin ng aktor na walang katotohanan ang kuwento na nag-iiwasan daw sila ni Arron sa mga show ng cast ng Pure Love.

“Ay, hindi, hindi!” bulalas niya.

“Bacolod magkakasama kami ‘tapos nag-Cebu pa kami.

“Dapat nga mayroon pa kaming isang na-cancel na show, dapat Palawan yata na magkakasama kami.


“Usually ‘pag nagsu-show kami, ang wala lang naman ay si Yam, kasi gumagawa siya ng movie.”

SUCCESSFUL SHOW. Sa pagtatapos ng Pure Love sa darating na November 14, labis-labis ang pasasalamat ni Matt sa patuloy na mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang show.

“Ang bilis, kahit sabihin namin na halos isang taon din naming ginawa ang Pure Love, wala, ang bilis, e.

“Nasanay kami na araw-araw magkakasama, so nandun yung lungkot, pero masaya kami kasi naging successful.

“No wonder naman, kasi yung story ng show, saka yung Korean na version pa lang, alam na naming nag-hit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, more on pressure ang naramdaman namin nung una.

“Siyempre adaptation, ang hirap pa naman na panindigan, lalo na kung ganun katindi yung pinanggalingan.

“Sobra-sobrang blessed talaga and sobrang saya ng naramdaman namin dahil sa naging resulta ng show, ‘tapos lahat ng characters namin, nagampanan namin nang maayos.”

MATT’S CHILD. Kumusta naman ang anak nila ng kanyang misis na si Katrina Fariñas?

Natutuwang kuwento ni Matt, “Sobrang kulit na, parang ako, smiling face.

“Excited na dahil patapos na rin ang Pure Love, magkakaroon ng maraming oras para sa family.

“Uuwi kami sa Ilocos, sa family ng wife ko, dun kami mag-i-spend ng holiday din.

“Sobrang adjusted na talaga, kung may barkada man, sobrang kaunti na lang. Hands-on talaga ako as a father.

“Every day, sobrang enjoyment ko sa buhay ko, yung fulfillment ko sa career, sobrang blessed ako, wala na akong mahihiling pa.

“Simula nang ikasal ako, lumagay sa tahimik, biglang bumuhos yung blessing, sobra-sobrang suwerte.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN