Kylie Padilla admires Paolo Ballesteros’s makeup transformations

Kylie Padilla on Ilustrado leading man Alden Richards: "Kami kasi ni Alden, ang mga utak namin, nag-click. We can talk about anything, like sa pag-arte, siya lang yung nakakausap kong gustung-gusto ko. Yung mga technique niya, talagang ginagamit niya dito, hinuhugot niya sa mga eksena namin. Lahat ng mga sinasabi niya, agree ako."


Natutuwa at labis na humahanga ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa ginagawang makeup transformations ni Paolo Ballesteros.

Si Kylie ay kina-career din ang pagiging isang make-up artist pero, ayon na rin sa kanya, hindi niya alam kung kaya niyang pantayan ang ginagawa ng Eat Bulaga! co-host.

Kalat na kalat na sa social media ang mahigit dalawampung mukha ni Paolo, kung saan ginaya niya ang international celebrities gaya nina Angelina Jolie, Anne Hathaway, Mariah Carey, Katy Perry, Rihanna, at Nicki Minaj.

Ang pinakahuli ay si Ellen DeGeneres, kung saan pangarap ni Paolo na mapansin siya at mai-guest sa show nito.

Read: Paolo Ballesteros did it! He’s Ellen! Wait... What?!

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie ay ipinaabot niya ang kanyang paghanga kay Paolo.

“Sobrang galing niya at ang gaganda niya!

"Para sa akin, mahirap yung ginawa niya kasi dapat talaga ay magaling ang kamay mo.

"Kung kaya ko? Tingnan natin, kung may time at ’pag na-practice ko.

“Sa ngayon kasi, yung mukha ko pa lang ang nami-makeup-an ko, e.

"Noong naka-Marilyn Monroe nga siya, nakita ko na siya in person. Kasi, nag-Eat Bulaga! ako noon.

"E, I love Marilyn Monroe... tuwang-tuwa ako kasi kamukhang-kamukha niya."

Kung siya ang gagawa ng make-up transformation kay Paolo, sino ang gagayahin niya?

Ani Kylie, "Nag-Angeline Jolie na siya, e.

"Lahat na ng gusto ko ay nagawa na niya, e. So, parang wala na, e."

Kung ang gagawin niyang makeup ay superhero, ano ang gagayahin niya para kay Paolo o maging sa sarili niya?

Natatawang sabi ni Kylie, “Batman! Kasi, mask lang yun at itim sa mata.

"Ayaw ko si Superman kasi yung broken chin niya, ’di ba?"



MARTIAL ARTS. Samantala, bukod sa pagiging makeup artist ay marami pang alam na skills si Kylie, ’tulad ng martial arts.

Nag-aral siya ng Muay Thai sa Thailand at eksperto rin siya sa wushu at ilang self-defense routines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba niya ay matatakot na sa kanya ang mga susunod niyang manliligaw?

Natatawang tugon ni Kylie, "I’m not dangerous naman!

"Kung matakot sila, e, ’di mabuti.

"Makikita natin kung sino ang totoo sa akin, ’di ba?

"Okey lang naman kung wala akog guy ngayon, wala yun sa priorities ko ngayon.

"Maraming nagpaparamdam, pero deadma muna ako. Basta, wala na muna."



SINGER-SONGWRITER. Pagkatapos nito ay nilihis na ni Kylie ang usapan tungkol sa kanyang pagiging singer-songwriter.

Sabi niya, "I think I need to push it pa, e.

"I do write songs, and yung sa album ko ngang Seasons, ang carrier single ko na ‘Gitara’, ako ang nag-compose.

“’Pag wala akong magawa, yun, strum ng guitar, then pa-hum-hum, until makagawa ako ng lyrics and melody.

"Para makatulong ako sa pag-promote, nagiging YouTuber na rin ako.

"Happy nga ako dahil ang laki na ng likes sa post ko."



ALDEN RICHARDS. Ayaw raw munang pag-usapan ni Kylie ang tungkol sa kanyang personal life, dahil gusto raw niyang i-present sa publiko ang kanyang “other side.”

Gayumpaman ay hindi niya maiwasang magkuwento tungkol sa leading man niya sa GMA teleserye na Ilustrado—si Alden Richards.

Natatawang saad niya, "Kami kasi ni Alden, ang mga utak namin, nag-click.

"We can talk about anything, like sa pag-arte, siya lang yung nakakausap kong gustung-gusto ko.

"Yung mga technique niya, talagang ginagamit niya dito, hinuhugot niya sa mga eksena namin.

"Lahat ng mga sinasabi niya, agree ako."

Mabuti nga raw ay hindi siya nililigawan ni Alden considering na lagi silang magkasama sa taping at hindi malayong ma-develop sila sa isa’t isa.

Aniya, "Actually, gustung-gusto ko si Alden, kasi nga, strictly professional lang kami.

"At saka, kung pisikal ang gusto niya, alam kong hindi niya ako liligawan, kasi nag-click na kami sa utak, e."



KYLIE’S PARENTS. Tungkol naman sa kanyang mga magulang na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco, inalam ng PEP kay Kylie kung ano ang ugaling namana niya sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki ni Kylie, "Kay Papa, siguro yung sobrang passionate niya sa trabaho.

"Naka-focus talaga siya at mahal na mahal niya ang pagiging isang aktor.

"Kay Mama? Ano siguro yung ano... pareho kaming baliw sa pag-ibig!

"Inamin ko naman ’yan noon pa, pero lesson learned na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN