Rey "PJ" Abellana says daughter Carla does not open up to him about her lovelife

Rey "PJ" Abellana on daughter Carla’s decisions regarding love matters: “Knowing my daughter, she could handle it on her own. So, kampante ako doon sa mga pagdedesisyon niya. Accurate magdesisyon naman yung anak ko. Kilala ko siya sa ganun. So, whatever she gets into, merong procedure siyang ginagawa before she gets into that situation.”


Bilang ama ni Carla Abellana, hindi maiwasang tanungin si Rey “PJ” Abellana kung kanino mas magaan ang kanyang pakiramdam sa dalawang lalaking naugnay sa kanyang anak—ang ex-boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann o ang nali-link ngayon sa aktres na si Tom Rodriguez.

Natatawang sabi ng ’80 matinee idol, “Honestly, si Geoff kasi is more of the silent type.

“So, mas mahirap silipin si Geoff dahil he’s more of the quiet type.

“Yun bang halos na kapag isinasama siya ni Carla sa bahay or some few times na may mga okasyon sa bahay, isinasama siya ni Carla, na yung halos na kapag hindi mo siya kakausapin, hindi siya magsasalita”

Nahirapan ba siyang mag-reach out kay Geoff sa mga ganung sitwasyon?

Sagot ni Rey, “Nahihirapan ako in the sense na I want a situation na mas relax sana.

“Yung mas free flow na kusang nagsasalita na hindi kailangan tanungin.

“Hindi yung de-susi.”

Hindi ba nag-reach out si Geoff sa kanya?

“Halos hindi.”

Dahil mahiyain?

“Siguro… he’s more of the quiet type.


“You know, I see somebody who’s out of show business. Yun ang dating niya.

“Parang hindi showbiz ang personality niya, off the camera, ha?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rey sa press conference ng GMA drama series na More Than Words last week.

CARLA’S DECISION-MAKING. Kanino siya mas pabor kina Geoff at Tom para kay Carla?

“Ang sa akin kasi, I could comment on that question kung mas nakaka-jamming ko pa nang mahaba-habang oras yung tao.

“Para mas kumportable ako na masasabi kong medyo kilala ko na yung tao.

“Kung yung medyo stranger pa rin sa akin ang tao, hindi ko masasabi yung point nay un e.”

Gaya sa mga naunang relasyon ni Carla, hindi naman daw direktang ipinapaalam ng anak sa kanya ang lovelife nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Rey, “Knowing my daughter, she could handle it on her own.

“So, kampante ako doon sa mga pagdedesisyon niya.

“Accurate magdesisyon naman yung anak ko. Kilala ko siya sa ganun.

“So, whatever she gets into, merong procedure siyang ginagawa before she gets into that situation.”

Aprubado ba sa kanya si Tom para kay Carla?

“Honestly, hindi ko sila napapanood together.

“Nasasagap ko na yung tsismis or issues from other people na, ‘Uy, click na click sila, ang ganda ng team-up nila, ang ganda ng chemistry, ang ganda ng pairing, ganda ng show… parang sila na.’

“Ako, mas gusto kong sila na ang magsabi.

“Basta ako, on the side lang ako. Bakit ako ang magsasabi?”

Nagagalit ba si Carla kapag pinangungunahan?

“Depende!” halakhak ni Rey.

CARLA-GEOFF SPLIT. May sinabi ba siya kay Carla nang maghiwalay sila nito ni Geoff?

Ayon kay Rey, “Wala akong sinabi.

“Ang sinabi ko lang, as I could remember, ‘Okey ka lang ba? Ikaw lang naman ang nakakaalam ng sitwasyon. Ikaw rin lang ang mag-aasikaso niyan.’”

Hindi niya ba sinubukang kausapin si Geoff at alamin ang rason ng hiwalayan nila ni Carla?

“I did not... Like I said, yung hindi ko kabisado ang detalye ayokong pasukan ‘yan.

“Yung hindi malinaw sa akin, ayaw kong pakialaman ‘yan.”

Nakarating na ba sa kanya ang sinasabing patutsadahan nina Carla at Geoff sa social media? Mga pahaging na mensahe tungkol sa naging estado ng relasyon nila noon?

Sabi ni Rey, “Baka naman tsismis lang ‘yan.

“Kasi ako, hindi ko pa… wala akong ganyan [social media].

“Kaya kita mo, relax ako.”

Kapag naging mainit na ang patutsadahan at nagbangayan na ang magkabilang partido, mamamagitan ba siya?

“Oh, siyempre, anak natin ‘yan. Hindi ko puwedeng… wala… kaya I was never away from them.

“Even after the separation between me and the mother, I was never away from them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bago mag-show business si Carla, I get to see them every week.

“I go to them, I pick them up, I bring them with me. Ganun yun.

Kung sakali, kakausapin niya ba yung side ni Geoff?

“Ay, depende sa sitwasyon kung kailangan sa level na kailangang kausapin.

“Depende sa sitwasyon kung ano ang bigat ng sitwasyon.

“Ako naman, nag-show business ako, sanay ako sa problema, matibay na tayo sa intriga. May kalyo na tayo sa ganyan.

“I suppose I’m stronger person.”

Ano ba ang posibleng gawin niya kapag nasaktan na nang husto ang damdamin ni Carla?

“Oy, siyempre, yung mga advice natin.

“Ako, I’m more of a type na I will let you learn on your own.

“I would just be there ‘pag tinawag mo na ako.”

Dagdag ni Rey, “Wala pa naman akong… wala pa naman kayong nababalitaan na lumapit ako, kinausap ko si Geoff. Or may kinausap tayong ganito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN