Leni Santos reveals reasons why her marriage failed; admits she has a boyfriend now

Leni Santos on marrying again: “Hindi ko pinag-iisipan dahil ‘pag galing ka sa isang failed marriage, hindi mo na mapag-iisipang pumasok sa ganun.”


Ang bagong teleserye ng GMA Network na More Than Words ang comeback project ng aktres na si Leni Santos mula nang umalis siya sa Pilipinas para mag-migrate sa Amerika, partikular na sa Las Vegas, Nevada.

Bago ito, ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Sa Puso Ko Iingatan Ka, na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa ABS-CBN mula 2001 hanggang 2003.

Tumatakbo pa noon ang serye nang umalis si Leni para ihatid ang kanyang mga anak sa States.

Pero hindi na siya nakabalik kahit panay ang pakiusap sa kanya ng production na bumalik para ipagpatuloy ang commitment niya sa teleserye.

Hindi na raw pinayagan si Leni ng ex-husband niyang bumalik sa Pilipinas dahil maliliit pa ang mga anak nila noon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Leni sa pinakahuling presscon ng More Than Words, naniniwala siyang hindi galit sa kanya ang Kapamilya network, kahit may image ang istasyon na hindi na kinukuha uli ang sinumang artistang nagbigay sa kanila ng aberya.

Saad ng comebacking actress, “Hindi naman siguro, naiintindihan naman nila. Kasi nanay ako.

“Actually, hindi ko rin gusto [iwan ang project].

"I don’t think na mamimersonal ang Channel 2. Alam kong ginawan nila ng paraan.

“Nagkataon na when it comes to career at sa family, hindi ko gusto, siyempre naipit ako, e.

“Hindi ko puwedeng iwan ang mga bata.”

Maliwanag ba sa ABS-CBN ang rason niya?

“Siguro hindi… baka understood na siguro yun na hindi na ako makakabalik,” sabi ni Leni.

Sa palagay ba niya ay welcome pa rin siya sa Kapamilya network?

“Sa showbiz ba may personalan? I don’t think na meron.

“I don’t think na mamimersonal ang Channel 2.

“Wala akong nakita sa showbiz na permanente na mga tampuhan, mga away. Isang mundo lang ang iniikutan.

“Kung merong right project sa akin at willing silang kunin ako, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako pasaway sa kanila. Hindi ako naging problema sa kanila nung nagtatrabaho pa ako sa kanila.

“Lagi akong on time. So, wala akong bad record.

“Except yung hindi nga ako nakabalik dahil pinili kong mag-Amerika na.”

Isang pagpapatunay raw na puwede pa siyang bumalik sa Kapamilya network ay nang tanungin siya ng yumaong director na si Gilber Perez kung gusto niyang sumama uli sa isang TV project sa ABS-CBN.

Pero hindi na nga raw siya makontak ng mga ito dahil isinara ni Leni ang kanyang pintuan sa showbiz.

Saad niya, “Willing pa rin silang bigyan ako ng project.

“And Rey PJ [Abellana] told me that hinahanap pa rin ako ng Channel 2 every time na meron siyang project na gusto kami uling i-partner.

"Pero hindi na nga nangyari."

Ipinaliwanag ni Leni na mas naging masigasig ang GMA na bigyan siya ng project kaya nagdesisyon siyang bumalik at muling mag-artista dito sa Pinas.

Pero babalik pa rin daw siya sa Amerika kung saan nandoon pa rin ang kanyang dalawang anak, na ngayon ay 20 at 18 years old na.

Tatapusin lang daw niya ang kanyang commitment sa GMA.

Depende raw ang pananatili niya uli dito sa bansa sa offers na darating sa kanya.

Ayon kay Leni, nang mamatay ang kanyang ina noong 2013 ay umuwi siya ng Pilipinas. Hindi nga lang siya nagpakita sa lahat dahil wala pa siyang balak bumalik noon sa TV.

Pero nang alukin siya ng Kapuso network na magbalik-telebisyon, iniwan ni Leni ang trabaho niya bilang med-tech sa isang nursing home sa Las Vegas.



DIBORSIYADA. Pagdating naman sa kanyang personal life, diborsiyada na si Leni sa dati niyang asawa na si Jeffrey Salvador, kapatid ng dating aktres na si Jobelle Salvador.

Sa Pilipinas nagpakasal sina Leni ay Jeffrey, pero dahil matagal na silang naninirahan sa States, doon sila kumuha ng divorce noong 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumagal ng labinlimang taon ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Saad ni Leni, “Actually, hindi ko rin expected na ganun ang mangyayari.

“Hindi ko akalain na aabot sa puntong maghihiwalay kami.

“We’re under pressure sa Amerika.

“Actually, sabihin na nating dito sa Pilipinas, meron nang problema.

"But, in a way, nagawa mong i-save yung marriage dahil may mga anak kayo.

“Unang-una, ayaw ninyo ng broken marriage. Yun ang iniisip ko, at ganun din naman siya.

“Pero hindi nag-work out yung relationship.

“Dumating sa point na kung kailan pa kami dumating sa States, napatid ang pisi.

“Ang problema, incompatibilities.”

Nang tanungin kung nakaranas ba siya ng physical at verbal abuse mula sa dating asawa, nagpakita ng pagkailang si Leni.

Nakangit niyang sambit, “Naku, ano ba ‘yan?!”

Inulit namin ang tanong sa kanya.

Natahimik at nag-isip muna ng ilang segundo ang aktres at saka sinabing, “Yung totoo… my god!

“As much as possible, I don’t wanna talk about it, kasi yung mga anak ko, apektado doon.”

Dagdag niya, “Sabihin na lang natin, honestly… sabihin na nating maraming problema na may pinagdaanan na hindi mo na kayang i-take.

“Pero hindi ko naman masasabi na siya lang ang may problema, ako rin.”

Ano bang problema? Nagger ba siya? Selosa?

“I’m not, I’m not…”

So, ano ang naging problema sa kanila?

“Ang problema talaga ng mag-asawa kaya naghihiwalay is incompatibilities dahil hindi na kayo magkasundo, hindi na kayo pareho ng point of view.

“Ang mag-asawa kasi is a compromise, respect, and understanding. Wala kami nun.

“Siyempre, I don’t wanna say na ang ex-husband ko ang may problema.

“Siyempre, ‘pag may problema ang mag-asawa at naghiwalay, may problema rin ang babae.

“Yung paghihiwalay namin, pinag-usapan namin.

“Mas maganda yun kaysa naman sa lumaki ang mga bata na lagi tayong nag-away.”



SEPARATE LIVES. Are they working on their annulment para mapawalang-bisa rin ang kasal nila sa Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Leni, “Hindi. Hindi ako nagwu-work out ng annulment namin. Kasi hindi naman kailangan.

“We’re the best of friends.

“Kasi naghiwalay kami na tanggap na namin ang isa’t isa.

“Tanggap ko nang nagkaroon siya ng ibang girlfriend, nagkaroon ng ibang asawa.

“Nagkaroon na ako ng ibang boyfriend.

“So, meron akong boyfriend ngayon, isang Pinoy. One year and a half pa lang kami.”

Inamin din ni Leni na bago pa nitong current boyfriend niya ay nanggaling na rin siya sa isang romantic relationship. Hindi nga lang ito nagtagal.

“Pero mas seryoso ako ngayon dito.”

Magpapakasal pa ba siya uli?

Sagot niya, “Hindi ko pinag-iisipan dahil ‘pag galing ka sa isang failed marriage, hindi mo na mapag-iisipang pumasok sa ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN