Ken Anderson on joining brother Gerald in showbiz: “Showbiz is a risk. And I’m willing to take the risk naman.”

Handa raw si Ken Anderson sa pagkukumpara sa kanya sa kuya niyang si Gerald. Alam din daw niya ang kanyang papasuking karera sakaling hindi siya palarin sa showbiz.


Aware ang baguhang artista na si Ken Anderson na hindi maiiwasang ikumpara siya sa nakakatandang kapatid na si Gerald Anderson, isa sa top young male stars ng ABS-CBN, ngayong pumasok na rin siya sa showbiz.

Saad ni Ken sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yeah, there’s always pressure naman, kasi being the younger brother of my brother.

"Pero it comes along with the job.

“Si Kuya naman ang nag-open ng door, pero right now, I feel that I’m walking through it.”

Kasabihan sa industriya na kapag may dalawang magkapatid sa showbiz, malamang na hindi sisikat ang isa. Ano ang opinyon ni Ken dito?

Tugon niya, “Ganun talaga. Showbiz is a risk. And I’m willing to take the risk naman.”

Nakausap ng PEP si Ken sa pocket presscon ng Wattpad Presents: Ang Diary ng Hindi Malandi (Slight Lang) kaninang tanghali, November 6, sa TV5 Media Center, Reliance, Mandaluyong City.

FALLBACK. Sa patuloy na pakikipag-usap ng PEP kay Ken , nabanggit nitong kasalukuyan siyang nag-aaral para maging piloto.

Nasa dugo raw kasi nila ang pagpipiloto dahil ang lolo at daddy niya ay kapwa military pilot.

Dagdag pa niya, “The course that I just finished was a six-month course.

"I already have my PPL [Private Pilot License], so I can fly now.

"And now I continue my CPL [Commercial Pilot License] and that takes another two years pa.”

Nakapagpalipad na rin daw siya ng eroplano, pero mga two-seater plane pa lang.

Sabi pa ng 23-year-old newbie actor, “Right now, I have 72 hours.”

Ibig bang sabihin nito, handa siyang iwanan ang showbiz sakaling hindi siya palaring maging kasing-sikat o makilala man lang katulad ng kanyang kuya?

Pag-amin ni Ken, “Right now, my mindset is, if it happens, it happens.

"If not, I thank everyone who helped me and move on."



PRINCE LEROY. Unang proyekto ni Ken sa telebisyon ang Wattpad Presents: Ang Diary ng Hindi Malandi (Slight Lang), kasama sina Isabelle de Leon at Edgar Allan Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gagampanan niya rito ang role ni Prince Leroy. Kahit comedy ang istorya, seryoso raw ang kanyang karakter dito.

Aniya, “The role that I did, he wasn’t really… wala masyadong maraming comedy, he was really serious.

"He’s a serious person ’coz he was the star basketball player.

"So, yun, there wasn’t much comedy."

May isang eksena raw na topless si Ken, pero parang hindi siya handa nang kunan ito.

Bagamat naging bahagi si Ken ng Cosmo Bachelor Bash dalawang taon na ang nakakaraan at ng Bench underwear fashion show noong September, medyo nahiya na siyang ipakita ang kanyang katawan dahil kain lang daw siya nang kain nitong mga huling araw.

Pero babalik na raw siya sa gym ngayong buwan.

Sa Lunes, November 10, na mapapanood ang Wattpad Presents: Ang Diary ng Hindi Malandi (Slight Lang) sa TV5, 9:30 P.M.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN