Hajji Alejandro reveals being turned off by "Kilabot" tag

Hajji Alejandro (right) is proud to pass on the torch of musical fame to his children, singer Rachel Alejandro (middle) and drummer Ali Alejandro (left).


Pagkatapos nina Hajji Alejandro at Ariel Rivera, wala nang iba pang singer ang sumunod para matawag na "Kilabot ng mga Kolehiyala."

Ang titulong ito ay ibinigay kay Hajji noong late 1970s hanggang early 1980s dahil siya ang kinilalang heartthrob ng mga kolehiyala noong panahong yun.

Kay Ariel naman ipinasa ang titulong ito noong tumindi ang tilian ng mga kolehiyala sa kanyang concerts noong 1990s.

Napapangiting pagbabalik-tanaw ng original na Kilabot, "Alam mo, honestly, hindi ko… kahit si Ariel na matalik ko ring kaibigan, unsolicited yung bansag na yun, e.

"In fact, when I was much younger, hindi ko talaga gusto yun, e.

"Parang mami-misconstrue ka nung mga ina ng mga kolehiyala na parang, ’Masyadong ano, ’to. Yung anak ko, baka hindi makaano diyan.’

"But later on, hindi mo maiwasan kasi hindi ka naman ang nag-imbento nun para gumawa sa iyo, e.

"Kasi, yun ang pinik-ap ng DJs, lahat.

"So, dalawa lang yun, either you embrace it or talagang wala kang magagawa.

"That’s what you have to do instead na mainis ka, ’di ba?"

RELUCTANT WANNABE. Dugtong pa ni Hajji, "I think, yung nangyari kay Ariel, during my absence na limang taon ako sa Amerika, that was the time naman na sumikat siya.

"Parang sa kanya napunta yun, pero sa totoo lang, ang sabi sa akin ni Ariel, ayaw na ayaw niya yun.

"Kasi unang-una, may original na, e.

"Siyempre, you don’t want to be in the shadow of someone na nauna sa iyo.

"Kumbaga, nung araw, ayaw mong maging Frank Sinatra ng Pilipinas o Johnny Mathis ng ganito.

"You want to be on your own, you don’t necessarily do anything to earn a certain...

"Yung iba, actually, pinag-isipan talaga ng management nila o people behind them.

"’Yan ang itatawag natin sa artist natin at yun ang idi-dessiminate na writeups sa press, ’di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kaso raw niya, hindi nangyari na yung mismong recording company ang nagbigay ng titulo sa kanya.

Ayon sa 59-year-old balladeer, "In my case, hindi ganun, e.

"Wala kasing ganun, kung ano ang tawag sa iyo, yun, e.

"Definitely, nakatulong yun sa akin, kasi naiba ka."

NOSTALGIA. Paano nga ba nagsimulang tawagin siyang "Kilabot ng mga Kolehiyala"?

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nag-umpisa kasi yun, noong mag-i-start sila na i-launch yung album ko.

"Nag-decide yung recording company ko and my manager, ang brother ko na si Aex, sa mga campus at colleges [ang launch].

"Nung una, within Metro Manila lang, e. Pero ang kaibahan nito, yung sa exclusive schools ako.

"Hindi ako nag-umpisa sa kung saan-saang eskuwelahan lang, e.

"Nag-umpisa yun sa Assumption [College], sa Sta. Scholastica, sa St. Paul’s, talagang doon nag-umpisa.

"And then, pinik-ap na lang ng iba, eventually ay naging nationwide campus tour.

"Kaya, initially, mga kolehiyala talaga ang mga naunang fans ko."



GROWING WITH FANS. Itinuring nga raw niya na malaking blessing ito sa kanyang recording career ngayon.

Aniya, "It really paid off at blessing para sa akin na ang fans ko ay yung mga kaedad ko.

"Kasi kung may mga edad na, after they’ve gone, naiwan ka nga pero wala ka namang fans.

"Pero ’pag mga bata ang fans mo, since I really started really young, ang fans ko were my age or younger.

"To this day, sila pa rin ang nanonood ng concerts ko.

"Kaya feeling ko, kilabot pa rin ako ’pag kumakanta ako!" natatawang biro niya.

Lapitin ba talaga siya ng mga babae noong kapanahunan niya?

Muling natawang pakli niya, "Not for me to say."

PASSING THE TORCH. May namana ba ang anak niyang lalaki bilang kilabot rin ng kababaihan?

Itinuro niya si Ali, ang anak niya sa yumaong si Rio Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Heto, na-witness ko kasi in his gigs na napunta ako.

"’Pag ipinapakilala nung singer ang band members, ’pag siya na, ang sigawan ng mga babae, kung saan-saan nanggagaling, e.

"Sabi ko, ’Wow!’"

Si Ali ay ang drummer ng dating bandang Mojofly.

Nakausap ng PEP si Hajji sa pocket presscon para sa concert na In The Blood kamakailan.

Ang concert na ito ang magsisilbing concert ng anak ni Hajji na si Rachel Alejandro bilang pag-celebrate nito ng kanyang 25th year sa music industry.

Gaganapin ito sa Music Hall sa November 15 at 29, alas-otso sa gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN