Alden Richards on his wholesome image: “Meron din naman bad qualities, pero I just don’t let it show.”

Kapuso actor Alden Richards on keeping a good image: “Hindi siya difficult kasi parang inborn po siya sa akin. ’Pag talagang meron kang bad attitude, lalabas at lalabas ‘yan, e.”


“Sobrang laki. Ang laki ng confidence na naiambag sa akin.”

Ito ang sagot ni Alden Richards nang matanong kung ano ang malaking kontribusyon ng kanyang role bilang si Jose Rizal, ang Pambansang Bayani, sa ongoing primetime teleserye ng GMA Network na Ilustrado.

Sa susunod na linggo ay magtatapos na ang nasabing soap opera.

Itinuturing na achievement ni Alden na mapunta sa kanya ang coveted role, lalo pa’t maraming aktor ang ikinunsidera bago ito naibigay sa kanya.

“I’m sure bago ibinigay ng GMA sa akin ito, madugo-dugong decision-making kung kanino ibibigay kung kaninong role,” aniya sa pocket press conference na ginanap nitong Biyernes, November 7, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Quezon City.

“Marami naman pong kinonsider bago po ako.

“Si Kuya Dong [Dingdong Dantes], si Tom [Rodriguez], Dennis [Trillo], Sid Lucero nga po, kaya lang ginawa na po niya yung Katipunan.”

Ang Katipunan ay ang historical drama na ipinalabas sa GMA News TV noong nakaraang taon, kung saan ginampanan ni Sid ang papel ni Andres Bonifacio.

Dagdag pa ni Alden, ang role ni Rizal ay “added feathers to my wings.”

Paliwanag niya, “Kasi three years and 10 months na ako dito sa showbiz, ’tapos madami na pong naganap.”


WHOLESOME IMAGE. Na-enjoy nga raw niya ang pag-portray ng national hero at bagay sa kanya dahil mayroon si Alden ng wholesome image.

“As much as possible, good shot lang palagi,” sabi niya.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba siya nahihirapang panindigan ang kanyang good image.

Sagot niya, “Hindi siya difficult kasi parang inborn po siya sa akin.

“’Pag talagang meron kang bad attitude, lalabas at lalabas ‘yan, e.

“Three years na rin po ako sa showbiz… not that long, pero mabilis na rin.

"Meron din naman bad qualities, pero I just don’t let it show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinu-contain ko po talaga as much as possible, especially sa public."

Inamin ni Alden na isa sa pet peeves niya ay ang pangingialam sa kanyang mga gamit.

Nagkaroon na ba ng pagkakataong pinakialaman ang kanyang gamit sa set?

Aniya, “Hindi naman po, kasi we respect each other sa set.

“Minsan po yung PA [personal assistant] ko makulit, ayos nang ayos. ‘Ako na’ng bahala diyan. Huwag mo nang galawin.’

"Pero yung ganun pong galit, never to the point [na sisigawan].

“Kaya yung kuwarto ko sa bahay, laging naka-lock, e.”

Paano siya kapag na-badtrip siya?

“Tahimik na lang po minsan.”

Ikinuwento rin niya kung ano ang nagti-trigger sa kanyang galit.

“Minsan po kapag nali-late ako, nagagalit sa sarili.

“Minsan kapag hindi ka naa-appreciate; you’re doing your best and then under-appreciated ka ng tao.”

Paglilinaw niya, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong nawalan siya ng control sa sarili dahil sa galit.

“Ay, wala pong ganun. Never pa po nangyari ‘yan at iniiwasan ko po ‘yan, at saka mahaba po pasensiya ko,” sabi ng Kapuso Primetime Prince.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN