Bianca King not ready to settle down: “Gusto ko muna i-enjoy yung young adulthood...”

Bukod sa kanyangTV shows, abala raw ngayong si Bianca King sa kanyang mga negosyo. Mas maganda raw na may sapat na ipon muna siya bago mag-asawa.


Matapos ang halos walong buwang hindi napanood sa telebisyon, muling magbabalik si Bianca King via TV5’s Wattpad Presents: His Secretary, katambal ang model-actor na si John James Uy.

Kahit hindi raw aktibo ang aktres sa telebisyon o pelikula, marami naman daw siyang pinagkakaabalahan ngayon, lalo na ang kanyang business ventures.

Saad ni Bianca, “Ang dami kong pinagkaabalahan simula noong pagkatapos nung Obsession [TV5], nag-travel ako ng dalawang buwan.

"’Tapos pag-uwi ko dito, bumalik ako sa school. Nag-aral ako ng Culinary Arts.

“Ang restaurant ko, with some of my friends, malapit nang mag-open in three weeks. Runners Kitchen yung pangalan. Fitness food siya.

“Kami ang unang restaurant na magsi-serve ng fitness food na ganito ka-creative.

"Hindi na siya yung tipong boring na diet delivery food service, restaurant talaga siya that serves premium quality food.

“And then, nag-open din ako ng yoga studio with another group of friends sa Rockwell.

"Beyond yung pangalan niya. So, may yoga kami dun, zumba, anti-gravity yoga, at hot yoga classes also na si Al Galang ang ka-partner ko.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa story conference ng TV5 Wattpad Presents, kung saan apat na bagong istorya mula sa popular online sharing community ang isasatelebisyon.

BUSINESS-MINDED BIANCA. Sa edad na 28, pakiramdam daw ni Bianca ay nasa tamang edad na siya para mag-focus, hindi lamang sa showbiz, kundi para sa kanyang sariling kapakanan.

Saad niya, “Oo, kasi nasa edad na ako na andami kong ideas, ’tapos andami ko na ding experience.

"So, parang nakakaisip ako ng mga bagay na paano ko kaya maisi-share yun sa mga tao, ‘di ba?

“Yung mga natutunanan ko sa buhay and career ko

"So, yun, nag-decide ako na maging entrepreneur through a restaurant and a yoga studio.

"And then, at the same time, may blog ako."

Sa kanyang blog naman na www.biancaking.com, may tips din siya kung paano mag-diet at alagaan ang kalusugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SOLID LOVELIFE. Magdadalawang taon na ang relasyon ni Bianca sa kanyang 22-year-old non-showbiz boyfriend.

Hindi man niya pinangalanan, sabi ng aktres, “Very solid pa rin. Still the same person.”

Hindi pa rin daw nila napag-uusapan ang pagpapakasal.

"Aniya, “No, wala pa naman, I’m still young pa.

“Sa ngayon, ang dream ko ay maging successful muna as an entrepreneur, paramihin yung ipon ko, before I even think of settling down.

"Kasi ’pag may asawa at anak ka na, medyo marami ka nang bitbit na responsibilities.

“Hindi ka na ganun ka-active sa business. Kailangang mag-focus ka na sa family hanggang sa lumaki na yung mga anak mo.

"Kaya hindi pa ako prepared for that.

“Gusto ko muna i-enjoy yung young adulthood, yung young adult pa rin.”

HIS SECRETARY. Freelance artist na raw ngayon si Bianca.

Masaya naman daw siya at pinagkakatiwalaan siya ng TV5 ng maraming proyekto.

Bago niya gawin ang isang malaking show sa Kapatid network, sa Wattpad daw muna siya mapapanood.

Saad ni Bianca, “Actually, nabanggit na rin sa akin ’to, kasi meron pa akong isang gagawin for TV5.

"So, habang nag-aantay kaming mag-start nun, sinabi nila na ilalagay muna ako sa Wattpad.

"Okay lang naman ako, basta work, fun, sige go."

Sa Wattpad Presents: His Secretary ay gaganap si Bianca bilang secretary ni John James na may dark twist and character.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN