Arron Villaflor denies falling out with Matt Evans: "We’re super close."

Arron Villaflor loves to sing and after Pure Love, he plans to continue with his voice lessons and pursue his dream of a musical career.


Pagkatapos kumpirmahin ni Matt Evans na nagkaroon nga ng tensiyon sa pagitan nila ni Arron Villaflor sa set ng Pure Love, ang panig naman ng huli ang kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News tungkol sa nangyari.

Sa presscon para sa finale ng teleserye noong Martes, November 4, sinabi ni Arron na natangay lang sila ni Matt sa sobrang intense ng mga panghuling eksena nila.

“It’s just part of the scene, it’s just gusto naming mapaganda ang eksena.

"’Di mawawala yun, lalo na super intense yung eksena and you wanna get deep pa.

"’Di maiiwasan yung mag-usap kayo, ’Matt, ano pa ba ang puwede nating gawin dito? Ano ba ang puwedeng mapaganda dito?’

"Kasi yung eksena na yun na feeling ni Matt, si Scheduler, nanliligaw si Ronald kay Ysabel [Yen Santos]."

Ayon pa kay Arron, pareho naman agad silang humingi ng tawad sa isa’t isa ni Matt at hindi na ito lumaki pa.

“Sabi niya, “Brod, gusto ko lang talaga mapaganda yung eskena.’

"Sabi ko, ’Oo naman, kahit ako.’

"It’s not wrong to give ideas and information about the scene."

Pinabulaanan din ni Arron ang lumabas na kuwentong umiwas daw silang magsama ni Matt sa mall shows ng cast ng Pure Love.

“Hindi, magkasama pa kami sa Dubai, nag-Bacolod pa kami.

"Grabe... wala, walang galit o sama ng loob.

"Sobrang OA lang ng mga tao talaga… siguro sa kapapanood ninyo ng Pure Love, ha!”

Tiniyak din ni Arron na hindi naapektuhan ang relasyon nila ni Matt bilang magkaibigan dahil sa nangyaring insidente.

“’Di naman, kasi si Matt, kilala ko na ‘yan. Pedro [Penduko] days, nagkatrabaho na kami kaya hindi, e.

"We’re super close lalo na naglalaro kami pareho sa mga basketball events.

"Nandun yung kapatid na turingan namin."



LAST TWO WEEKS. Sa pagtatapos naman ng Pure Love sa November 14, nagpasalamat si Arron sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang programa at pati na sa kanyang role bilang si Ronald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To tell you, honestly, I just want to say thank you to my Pure Love family dahil naging part nga ako ng family na ito.

"And for giving me the opportunity to address kung ano ang kakayahan ni Ronald sa mga eksena.

“Lahat kinakabahan, kasi kami yung gagawa uli, may pinagmulan kasi.

"Yung expectations ng tao, malaki, lalo na successful yung show sa Korea.

"Yung mga viewers, ’Dapat ganito, ganyan.’

"Limited lang yung dapat naming gawin dito, pero dahil kinakagat siya ng tao, yung mga writers namin, binigyan ng kaunting twists.

"Pero nandun pa rin yung thought ng story.

"Kahit short time lang ‘yung role ni Ronald dito, I wanna thank the writers dahil pinahaba nila.

"Ayun, natuwa sila sa result ni Ronald."



MUSICAL CAREER. Nang tanungin naman kung ano ang susunod na proyekto niya pagkatapos ng Pure Love, sinabi ni Arron na haharapin naman niya ngayon ang hilig sa musika.

“Hopefully next year, pero ngayon nagko-concentrate muna ako sa instrument ko, which is guitar, and voice lessons.

"Gusto kong kumanta. Alam ko marami sa mga viewers at tao ang magsasabi na ’di naman ako kumakanta.

"Gusto kong malaman nila na kumakanta ako at gusto kong i-share sa inyo ito."

Ibinalita rin ni Arron na hindi na naibalik ang na-carnap niyang sasakyan, pero nabayaran naman daw siya ng car insurance.

“Wala na, wala na yung kotse ko, pero nagpapasalamat ako sa Standard insurance dahil nabigay na nila yung claim ko na cash.

"Wala na rin akong iniisip. Siguro depreciated price yung ibinigay sa akin pero it’s not bad."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN