Alden Richards on falling in love: “All the way lahat, kaya medyo mahirap akong ma-in love kasi baka madamay ang work.”

Alden Richards sets aside his lovelife to help in supporting his family.


Isang bagong bahay ang regalo ni Alden Richards para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ngayong darating na Pasko.

“Sana nga matuloy yung pag-purchase ko dun sa bagong bahay para makalipat na kami.

“’Pag nagkasundo po sa asking price, before Christmas o before the year ends, baka makalipat na po ako,” banggit ng Kapuso actor sa pocket press conference ng kanyang primetime series, Ilustrado, na ginanap sa GMA Network Center, nitong Biyernes, November 7.

Sa Laguna ang lokasyon ng sinisipat na bahay ni Alden.

Tanong ng ilang press, bakit hindi na lang siya pumili ng bahay na malapit sa GMA Network para hindi siya mahirapan tuwing pupunta sa trabaho?

Paliwanag niya, “Nagtatrabaho pa po yung dad ko, yung sister ko graduating sa college, ’tapos yung brother ko, malapit din po dun yung work.”

Halos apat na taon na ang nakalilipas nang pasukin ni Alden ang showbiz at noon pa man ay nagtatrabaho na siya para sa kanyang pamilya.

Hindi ba siya nalulungkot na maaga siyang nagtrabaho para suportahan ang pamilya?

“Hindi naman po. Gusto ko naman kasi.

"Masaya naman po ako sa trabaho ko. ’Tsaka, at least, nasusuportahan ko ang family."

Dahil sa kanyang trabaho, kailangang isantabi ni Alden ang kanyang buhay pag-ibig.

Nang tanungin kung gaano na siya katagal walang lovelife, nangiting sagot ng binata, “For a long while now.”

Laging natatanong si Alden kung bakit hindi pa siya pumapasok sa isang relasyon.

Ang kanyang dahilan: “Sobrang na-trigger, nag-iba yung mindset after nga po ng death ng mom ko. Sobrang nag-iba ang focus ko.

“Nang bigyan ng opportunity sa showbiz, heto na ang chance namin for a better life.”

Anim na taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang ina ni Alden dahil sa sakit na pneumonia.

Nagbunga naman ang pagsisikap ni Alden sa kanyang showbiz career.

Bukod sa pagtulong sa pamilya, siya ngayon ang binansagang "Kapuso Primetime Prince."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Unlike before, sobrang different po ng buhay namin ngayon.

"’Di na namumroblema sa baon ng kapatid sa school, ’di na namumroblema sa kakainin.”

Ibig bang sabihin ay umiiwas siya sa tuwing may nagugustuhan siyang babae?

“Hindi naman po avoid, kumbaga, hindi ko naman ini-entertain yung ganung feeling.

“Least of my priority [ang lovelife].

"Ang dami nga pong nagtatanong every time, wala pa daw ba. Wala pa po, e," pahayag niya.

Biro kay Alden, maging masuwerte kaya ang babaeng iibigin niya?

“Naku, sobra!” sagot niya.

“Kasi, all the way din akong magmahal, medyo all the way lahat.

"Kaya medyo mahirap akong ma-in love kasi baka madamay ang work."

Follow-up na tanong ng PEP, siya ba ang tipong mas mahal ang karelasyon kesa siya ang mas minamahal?

Tugon niya, “I’m sure naman po kapag ibinigay ko ang love ko, mamahalin din niya ako based dun sa ibinigay kong love.

“Mutual understanding at magmahalan lang kami, solve na ’yon, solve na kami dun.”

Dahil nga trabaho ang inaatupag ni Alden, nakabubuti naman daw sa kanyang career ang pagiging single.

“For me, medyo advantage ko ang pagiging single ngayon, kasi I’m more available.

“Kumbaga, iisipin ng tao when they see me on TV, ‘O, wala pang girlfriend ‘yan, ’di pa taken…’

"Kung kanino man ako mai-partner, at least they see some chemistry.

"Para di sabihin, ‘Ay, taken na ‘yan. Wala na kasi kay ganito na ‘yan.’

"I use it to my advantage yung pagiging single," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN