RR Enriquez intent on keeping celibacy vow: "Mas priority ko i-please si God kaysa yung boyfriend ko."

Win or lost in The Amazing Race 2 Philippines, RR Enriquez has an offer waiting for her at TV5. Still, she’s not that keen about a showbiz comeback, "Kung meron, okey lang, why not? Kung wala naman, e, di walang problema.”


Nahihirapan daw si RR Enriquez na balensehin ang pagiging Christian niya sa challenges na pinagdaanan niya bilang kalahok sa The Amazing Race Philippines 2 na kasalukuyang umeere sa TV5.

Minsan daw ay hindi na sila nakakakain sa tamang oras sa kaiisip kung paano sila mananalo.

Sa sobrang pressure daw ay madalas nawawala ang pagiging Christian niya.

Sa isang episode nga ng show ay ipinakita ang pagtataray ni RR sa katuwang niya sa race na si Jeck Maierhofer dahil sa isang challenge na hindi sila nagkasundo.

Sinabi ni RR, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa presscon para sa contenders ng reality show, inakala niyang maisasantabi ang kanyang kamalditahan.

Hindi pa rin daw pala.

Pahayag ni RR, “Before I auditioned sa Amazing Race, I told everyone na I want to represent God.

"But ayokong mag-promise knowing my attitude from before.

"Bago ako nag-Christian, sobrang maldita ako noon.

“I thought nabago ko na yun.

"Nagyabang pa nga ako kay Lord, ’Masyado na akong mabait, hindi na ako nagmamaldita.’

“Kasi I was surrounded with positive people, even my best friend [Jeck], hindi naman kami talaga nag-aaway niyan.

"So, na-test yung faith ko yun, kasi nagtaray ako, nagmaldita talaga ako… medyo nahiya talaga ako sa sarili ko.

"As a Christian, dapat ipinakita ko yung slow in anger, but hindi ko nga naipakita.

"But still I faced God after na magalit ako, na-realize ko na parang tinatapik ako ni God.

“’You’re at peace with me, you have to humble yourself.’

"Ipinaparamdam niya sa akin, "Mali ka, you have to humble yourself, mag-sorry ka.’”

Nagmumura pa ba siya?

“Never naman akong nagmura sa show na ito.

"Dati, nung hindi pa ako Christian, ang lakas kong magmura, pero three years na akong hindi nagmumura.

“So, may mga nababasa akong comment na, ’Christian ka ba? Bakit ganyan ang attitude mo?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, doon sa mga taong hindi nila ako kilala, porke’t Christian ako, sobrang nagbago ka na, ’di ba?

“Hindi kasi nila ako kilala. Kung alam lang nila kung gaano ako magmura dati.

“But I can’t blame them, kasi dahil sa ipinakita kong attitude ko doon sa last episode, talaga namang medyo kahit ako, hindi ko nagustuhan.”

WAITING FOR SIGN. Nasa marrying age na si RR, 31, na at five years na sila ng Ginebra player na si Jayjay Helterbrand.

Pero ayon sa dating Kapamilya talent, ipinauubaya raw niya ang kapalaran kay Lord.

“Si God yung magbibigay sa akin na perfect man for that, although I have a boyfriend now.

"Perfect naman siya, he’s a Christian, e.

"Siya ang nagpakilala sa akin sa pagiging Christian kaya malaking advantage yun.

“Five years na kami, pero three years na yung seryosohan.”

Hindi pa ba sapat yung tagal ng relasyon para magpakasal na?

“For me, hindi doon nasusukat kung gaano katagal o gaano kaiksi.

"Kami ngayon, bini-base namin yung relationship namin kay God, parang wala pang pagpaparamdam sa akin, e.”



SEX ISSUES. Bilang Christian ay ipinagbabawal ang pre-marital sex sa magkasintahan. Nasusunod ba nila ito ni Jayjay?

Tumahimik at nag-isip muna si RR saka nagpakita ng alinlangan kung sasagutin ba niya o hindi ang tanong.

Matapos ang ilang segundo, sinabi niya: “Oo.”

Ibig sabihin, sa tagal nilang magkasintahan, hindi sila naging physical ng boyfriend niya?

Nakangiting sagot ni RR, “Puwede bang hindi sagutin?”

Ayon sa kaibigan ni RR na si Jeck, na katabi niya sa interview, noong nakaraang taon lang daw naging Christian sina RR at Jayjay, kaya bagu-bago pa lang nilang sinusunod ang mga alintuntunin ng pagiging Christian.

Komento ni RR, “Sige, sasagutin ko na.

"Of course, we know naman talaga na bawal talaga, lalo na ngayon na marami na kaming alam from the Bible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even tumingin ka, lust na yun, e.

“But nag-start kami ni Jayjay mag-boyfriend, hindi pa kami Christian, of course, may nangyayari na talaga.

“But now, we’re trying, nine months na walang sex and we are so proud of that.”

Kahit kissing o smooching?

“Basta, wala talaga, na proud naman kami.

"Yun nga na proud, nagyayabang kay God. Plak! Nag-fail kami, may nangyari.

“But we don’t blame ourselves kasi tao ka lang kahit naman Christian ka.

“At least, we’re trying our best, nine months, hello!

“Kahit boyfriend ko siya, hindi ko siya puwedeng gawing excuse, e, na sasabihin mo na okey lang.

“Kailangan righteous ka at gawin mo kung ano ang makakapag-please kay God.

“Now, I’m sexless. Kaya mo yun?”

Kaya ni Jayjay?

“Siyempre, hindi. indi talaga.

"Pero kailangan kasing magtulungan kayo, e.

"Kailangang tulungan ninyo ang isa’t isa para hindi kayo magkasala.”

Paano kung maghanap ng iba ang boyfriend niya?

“To be honest, yung pagiging Christian niya, sobrang ano… babaero kasi siya dati, e.

“May nangyaring tragic sa life niya bago siya naging Christian.

"Nagkasakit yung anak niya, akala niya patay na… kaya siya naging Christian.

“Mula sa pagiging babaero, alam niya kung ano ang mga kasalanang ginagawa niya.

’"Pag nag-cheat siya sa akin at gumawa siya ng kasalanan, ide-deceive niya si God, so takot siya.

“I’m here to understand him and I’ll just pray na lang and leave it to God.”

Gaano naman kalakas ang kanyang faith?

Ayon kay RR, “Mas priority ko talaga na i-please si God kaysa yung boyfriend ko.

“And ganun din naman yung boyfriend ko, feeling ko ayaw rin niya.

"’Pag meron kaming urges, nagdadasal kami.

"’Pag matukso kami sa isa’t isa, pray agad at nagso-sorry kami kay God.”

Sa kabilang banda, naging maganda naman daw ang pagsali ni RR sa The Amazing Race Philippines 2 dahil may offer na sa kanya ang TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw pa lang nitong sabihin dahil inaayos pa ito.

“Gusto ko talagang maging talk show host. Pero kung wala, at eto lang ang ino-offer, why not?"

Kung saan merong offer ay tatanggapin niya, pero hindi naman daw nagmamadali si RR na makabalik uli sa showbiz.

“Hindi na talaga, kung meron, okey lang, why not?

"Kung wala naman, e, di walang problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN