Mark Neumann overwhelmed by success of his Wattpad-starrer Mr. Popular Meets Miss Nobody

Dahil daw sa tagumpay ng Wattpad Presents: Mr. Popular Meets Miss Nobody, magkakaroon ng part 2 ang weekly series ng TV5 kung saan makakasama na nina Mark Neumann at Shaira Mae ang Kapuso actress na si Yassi Pressman.


Dahil sa sobrang successful ng unang Wattpad episode nina Mark Neumann at Shaira Mae, at dahil na rin sa request ng followers nila, naisip ng TV5 na muling ibalik ang tambalan ng dalawa via Wattpad Presents: Mr. Popular Meets Miss Nobody (Part 2).

This time, magbabalik ang ex-girlfriend ni Mark sa story na gagampanan naman ni Yassi Pressman.

Ikinatuwa ni Mark ang magandang pagtanggap ng mga manonood sa episode nila ni Shaira Mae.

Masayang saad ng 20-year-old actor, “Of course, sobrang masaya and sobrang nagpapasalamat, kasi nga successful yung una.

“Hindi namin nagawa yun without the help of sa mga supporters and the people behind the cameras.”

Ayon sa isang taga-TV5 Corporate Communications, ang Wattpad Presents: Mr. Popular Meets Miss Nobody ang highest-rated episode, so far, sa mga istoryang naere na nila.

Dahil sa episode nilang yun ni Shaira, sobrang dumami pa raw ang fans ni Mark.

Pagkumpirma ng binata, “Opo, sobra po, kaya nga nagulat po ako.

"Nagulat ang lahat kasi po nag-trending po siya, mataas po yung ratings.

“Kaya sobrang blessed lang kami and nagpapasalamat lang kami.”

Kaya naman, magkakaroon daw ng replay ang naturang episode sa mga susunod na araw bago umere ang Part 2 nito.

Kuwento pa ng Fil-Croatian actor, “Sa book 2, medyo malalim na, ’tapos nag-mature na po yung characters and medyo may agawan na.

“May pumasok na bagong character, yung dating girlfriend ko.

"And may arranged marriage na mangyayari kasi ayaw ng father nung girlfriend ko [Shaira Mae], so there’s gonna be conflict."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa story conference ng bagong Wattpad episodes ng TV5 kaninang tanghali, November 7, sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.

ON MEETING YASSI. Makaka-love triangle nina Mark at Shaira sa Wattpad episode na ito ang Kapuso actress-dancer na si Yassi Pressman.

Hindi na bago kay Yassi ang Wattpad stories dahil dalawang pelikula mula sa popular online sharing community ang nagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang Diary ng Panget at Talk Balk and You’re Dead.

Kanina lang sa storycon nagkita at nagkakilala sina Mark at Yassi. Madali naman daw silang nagkapalagayang loob ng aktres.

Sabi pa ni Mark, “Really nice, she’s a really nice person.

“Mabilis maging close to her, talk to her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN