Shaira Mae says boyfriend Edgar Allan Guzman is not jealous of Mark Neumann

Shaira Mae has no time for petty jealousies at work referring to her professional relationship with Mark Neumann, "‘Pag trabaho, trabaho. ‘Pag loveteam, loveteam.”


Abala man sila sa kanilang showbiz career, hindi isyu para sa magkasintahang sina Shaira Mae at Edgar Allan Guzman ang kawalan ng oras para sa isa’t isa.

Sabi ni Shaira, “Oo, humahanap kami ng quality time.

“Kapag maaga natatapos yung isa sa amin, pupuntahan niya ako sa set o kaya ako naman ang dadalaw sa kanya.

“’Tapos kapag may time, usually kakain kami ng lunch or dinner together.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaira sa story conference ng Wattpad Presents: Mr. Popular Meets Ms. Nobody 2 sa TV5 Reliance Center, kahapon, November 7.

Muling makakatambal ni Shaira si Mark Neumann na umaming nagka-crush sa aktres noon.

Ngunit siniguro ni Shaira na walang dahilan para magselos si Edgar, lalo pa’t pareho raw silang professional ni Mark pagdating sa trabaho.

Sa parte ni Shaira, wala rin umanong kaso sa kanya kung sino mang leading lady ang makasama ni Edgar.

“Ay, hindi [kami nahihirapan]. Okay lang sa amin yun.

"‘Pag trabaho, trabaho. ‘Pag loveteam, loveteam,” paglilinaw ng TV5 actress.

Pagkatapos ng halos dalawang taong relasyon, dumating na raw sila sa puntong sobra ang tiwala nila para sa isa’t isa.

“Masaya. Going strong [kami]. Wala namang problema,” nakangiting sabi ni Shaira.

Ayon pa sa dalaga, nakabuti na six years older sa kanya si Edgar kaya mas maganda ang takbo ng kanilang relasyon.

Twenty-five years old na si Edgar habang si Shaira naman ay 19.

Sabi ni Shaira tungkol sa kanilang age gap, “Actually, I prefer na older sa akin [ang boyfriend ko]. Mas gusto ko mature, hindi yung kung saan-saan lang.

“’Tsaka mabuti naman siyang lalaki, napakabait, thoughtful, lahat.”

Kung may mga pagkakataon mang nagkakaramdam ng selos ang isa sa kanila, madali raw nila itong napag-uusapan.

Ano kaya ang maipapayo niya sa kapwa niya kabataan pagdating sa pagbabalanse ng lovelife at trabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng TV5 actress, “Yung lovelife, dapat hindi siya maging rason para maging hadlang sa trabaho.

“Focus lang din sa work. Yung lovelife, makakapaghintay ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN