Deniece Cornejo trying to put her life back together

Unti-unti na raw bumabangon si Deniece Cornejo mula sa kontrobersiyang idinulot ng kanyang reklamong panggagahasa laban kay Vhong Navarro. Nakiusap naman siya sa publiko na huwag siyang husgahan sa kanyang pagnanais na makakuha ng hustisya sa diumano’y sinapit niya sa mga kamay ni Vhong.


Dumalo si Deniece Cornejo sa 48th birthday celebration ng kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio, kagabi, November 7.

Ginanap ang intimate salu-salo sa poolside ng Skyway Twin Towers sa Pasig City.

Bago umalis sa party si Deniece, nagpaunlak siya ng eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad ng 22-year-old aspiring model nang kumustahin namin siya, “Im doing fine and getting back to the things that I’ve been doing before. Okay naman po ako.”

Bumalik na ba siya sa kanyang mga dating pinagkakaabalahan?

Aniya, “I have some sponsorships, and yung iba pa, I’m going to make things pa nga po.”

Sa kanyang mga pinagdadaanang pambabatikos at kritisismo, nakakalabas na ba siya ngayon nang walang takot?

Saad ni Deniece, “Andun pa rin yung medyo… iba yung life ko, e, before.

"Unlike now, parang napaka-public yung life ko ngayon.

"So, nandun pa rin yung parang hindi ako sanay sa ganung life, but things are getting okay naman."

Hindi ba siya nagpa-counselling para maibsan ang mga dinadala niyang sama ng loob?

Tugon niya, “I just take on what I want in life, especially my goals, so in that way, nagiging mas ano ako lalo.

“So, ini-involve ko yung sarili ko sa mga bagay na makakatulong sa akin.

"Kasi, I’m doing foundation events before, so I’m doing charities now.

“And then, I’m doing paintings and sooner or later, I will also involve myself in sculpting, and going back to designing and styling.

"So, I think, yun yung mga nakakatulong sa akin para bumalik sa ganung buhay."

Nasa birthday party rin ni Atty. Topacio ang isa pang nag-akusa kay Vhong Navarro ng panggagahasa na si Roxanne Cabañero.

Ayon kay Deniece, magkaibigan na sila ni Roxanne ngayon at "sister" ang tawagan nila.

(Photo by Arniel C. Serato)

ONLY GOD CAN JUDGE. Nabasura na ang pangalawang reklamong panggagahasa na inihain ni Deniece laban sa actor-dancer-TV host na si Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Deniece Cornejo’s second rape complaint against Vhong Navarro junked

Pansamantalang nakalaya si Deniece mula sa pagkaka-detain pagkatapos magpiyansa sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kanila ni Vhong.

Ano ang plano niya ngayon para malinis ang kanyang pangalan? At ano ang nais niyang iparating sa mga taong nahusgahan na ang kanyang pagkatao?

Saad ni Deniece, “Makilala lang po nila kung sino talaga ako and let’s respect everyone’s trial, ‘ika nga.

"So, hindi naman ito ang highlights ng buhay ko.

“So, there is this court naman to decide, and I think that we have to focus on not judging people.

“Kung kilala mo naman ang sarili mo, hindi mo kailangan i-defend nang paulit-ulit and only God can judge you naman yun lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN