Megan Young admits having separation anxiety about relinquishing Miss World crown

Miss World 2013 Megan Young confesses, “I’ve gotten so attached to the crown kaya it’s kinda hard for me to really let go of it. Kasi nga, naging parang security blanket ko na ang koronang ito. Naging part na siya ng buhay ko for one year.”


Sa December 14 na gaganapin ang Miss World 2014 pageant sa London.

Sa araw na iyon ay ipapasa na ni Miss World 2013 Megan Young ang korona at titulo sa bagong hihiranging Miss World.

Pero kasabay ng tuwa ni Megan dahil may iba nang aangkin ng korona, nalulungkot din siya dahil parang nahihirapan daw niyang tanggapin na mapupunta na sa iba ang korona ng Miss World.

“Nagkakaroon ako ng separation anxiety kapag naiisip ko ang araw na ’yon.

“I’ve gotten so attached to the crown kaya it’s kinda hard for me to really let go of it.

“Kasi nga, naging parang security blanket ko na ang koronang ito. Naging part na siya ng buhay ko for one year.

“The fact na ipapasa ko na siya sa bagong mananalo, parang nakakalungkot—heartbreaking para sa akin,” pahayag ni Megan nang ma-interview siya sa 24 Oras noong November 6.

Pero gusto rin naman ni Megan na maranasan ng bagong Miss World ang kakaibang experience na nangyari sa buhay niya sa loob ng nakaraang taon.

“I had a great share of experience with the crown and title, and it’s about time na ibang girl naman ang makaranas nito.

“The experience really changed my life and I want the new Miss World to experience that as well.

“I know that after I put that crown on the new Miss World, nasa kanya na ang spotlight. Ako, nasa tabi na lang.

“But I know that the new Miss World will have a great time just like I did.

“My advice to her, whoever she may be, just have fun and enjoy every minute of every day being Miss World.

“And always put in mind the reason why they chose you to be Miss World.

"There is a purpose why you have that title."

BACK-TO-BACK WIN? Wish daw ni Megan na mag-back-to-back win ang Philippines, at dasal niyang mapanalunan ni Miss World Philippines 2014 Valerie Weigmann ang korona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sa Pinay tayo.

“It will be great kung back-to-back win ang panalo ng Pilipinas.

“Kaya we are all supporting Valerie all the way sa Miss World.

“Like what Ms. Cory Quirino said, Valerie is the total package. May laban tayo ulit sa Miss World,” sabi niya.

CONTINUED INVOLVEMENT WITH MS. WORLD. Kinumpirma ni Megan na hanggang 2016 pa ang kanyang involvement sa Miss World Organization.

Sobrang na-impress daw ang mga taga-Miss World Organization kay Megan dahil sa ipinakita nitong sipag sa kanilang charity works and events sa iba’t ibang bansa.

Sabi naman ni Megan, “I am thankful that they gave me that opportunity.

“Kahit hindi na ako ang title holder, may involvement pa rin ako sa mga charity events nila around the world.

“Yun naman ang gusto ko talaga. To be of help sa maraming tao, lalo na sa ating mga kababayan.

“And the Miss World Organization is true with their slogan na ’Beauty with a Purpose.’

"The organization is there where help is needed," pagmamalaki niya.

Kailan lang ay nagkaroon ng charity work si Megan sa Philippine General Hospital, kasama si Miss World President Julia Morley at Miss World Philippines chairman Cory Quirino.

Nagbigay sila ng mga gamot, damit, pagkain, at monetary donation sa children’s ward ng PGH.

SHOWBIZ COMEBACK? Tungkol naman sa pagbabalik niya sa sa showbiz, hindi pa masagot ni Megan kung may gagawin na ba siyang pelikula o teleserye pagkatapos ng kanyang reign.

“There’s nothing definite yet.

“I would love to be busy again sa showbiz. Na-miss ko na ang gumawa ng teleserye at pelikula.

“I guess it all depends sa magiging work ko with Miss World Organization. They remain my priority until 2016.

"Pero kung makakasingit naman tayo ng showbiz work every now and then, okay din ’yon.

“As long as showbiz does not get in the way of my work with Miss World.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN