Mikael Daez narrates how he got "physical" with onscreen partner Andrea Torres

Mikael Daez on guiding onscreen partner Andrea Torres in their steamy love scenes: “So yung ginawa ko, siyempre bilang lalaki ako, I took the lead and I told Andrea, ‘O sige, ito yung gagawin ko. Close your eyes and then ako na yung magli-lead. And then let’s just take it from there.’”


Tinanong namin si Mikael Daez kung ano ang naramdaman niya nang makita niya ang Hanford billboards niya sa EDSA?

“Nakita ko pa lang yung sa NLEX ’tapos nakita ko yung T-shirt [billboard] ko sa EDSA.

“Yung dumaan ako sa EDSA, nandun ako sa pinaka-kanan, naka-chop-off yung mukha ko nung nakita ko siya,” at tumawa si Mikael habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 7, sa taping ng Ang Lihim ni Annasandra sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.

NEW ENDORSEMENT. Si Mikael ang bagong endorser ng naturang underwear brand. Dati ay si Dennis Trillo ang nakikita sa mga billboards ng Hanford.

Ano ang pakiramdam ni Mikael na pinalitan niya si Dennis?

“I think happy-happy naman lahat ng mga tao. I mean si Dennis yata may iba siya yatang mga endorsement.

“Ako natutuwa ako nakasama ko yung kumpanya, yung Hanford, ngayon. Napakabait na mga tao din, ibang klase.

“Actually, family-owned kasi yung Hanford, e. So kilala ko sila, and kung may free time lang ako siguro nagha-hang-out kami lagi.

“Ganun sila ka-cool.”

Sa kanyang EDSA billboard, naka T-shirt at briefs lang si Mikael. Kasama ba sa kontrata niya na magpi-pictorial siya na naka-skimpy underwear lamang?

Sabi pa ng Kapuso hunk, “Hindi naman, usually hindi naman nilalagay yun sa kontrata.

“Basta napapag-usapan ng manager ko at ng kliyente kung ano yung tingin nilang pinaka-pasok dun sa image.”

Hindi naman daw siya pinag-pictorial na skimpy underwear lamang ang suot.

“Ako may pants ako lagi or boxers,” diin niya.

LOVE SCENES WITH ANDREA. Naitanong naman namin kay Mikael kung paano nila ginampanan ni Andrea Torres ang papel na magkasintahan sa Ang Lihim ni Annasandra.

Bilang sina William at Annasandra ay makatotohanan ang romantic and intimate moments nila ni Andrea sa naturang GMA fantasy series.

Isa na rito ay ang love scene nila ni Andrea sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Mikael, “Alam mo yung love scene na yun, first time actually namin ni Andrea yun.

“Kasi sa Sana ay Ikaw na Nga, wala talaga.

“So medyo nailang kami ni Andrea. For the first time in a long time nailang kami.

“So that was a good thing. Kasi at least may mga bagay na natsa-challenge pa rin kami.

“So yung ginawa ko, siyempre bilang lalaki ako, I took the lead and I told Andrea, ‘O sige, ito yung gagawin ko. Close your eyes and then ako na yung magli-lead. And then let’s just take it from there.’

“So at least alam namin na physical lang. Kasi siyempre kailangan physical yung lumabas e, di ba?

“Kailangan parang you desire your partner, you desire your ka-loveteam.

“So para sa akin, when you close your eyes and nararamdaman mo lang siya physically, mas lumalabas yun. And yun naman yung lalabas sa amin. Kailangan talaga maipakita yung physical relationship.

“Iyon yung gusto naming ipakita kasi iyon naman yung eksena na yun, e.

“Very physical siya.”

Kaya para kay Mikael ay nakakatulong pa rin pa rin daw na may “ilang factor” sa kanila ni Andrea during their intimate scenes.

“Oo, oo!” bulalas ni Mikael.

“Para sa akin okay yun kasi parang, ‘Ah okay, may mga bagay pa rin na matsa-challenge tayo, na may mga bagay kung saan marami pa tayong matututunan.’

“So for me, okay yun. Natuwa nga kami. Pero natuwa kami after nung nakita namin na, ‘Ah okay, mukhang nagawa naman natin na okay.’

“Pero challenging yun, challenging yun.” at natawa si Mikael.

“Medyo nailang talaga ako na sabi ko, ‘Paano ko kaya gagawin ito?’”

Ang pagka-ilang ba niya sa kanilang love scene ay may halong malisya?

“Hindi, ilang na kung paano namin gagawin yung eksena at mapapaganda. Kasi hindi namin alam kasi first time nga, hindi ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na, ‘Okay, ano yung gagawin ko tapos ano yung magiging reaction ni Andrea dito?’

“So parang napaisip kami. So iyon nga sinabi ko, ‘Close your eyes and ako na yung bahala.’

“So iyon, interesting and natutuwa naman ako na ganun nga yung reaction, nakuha namin yung reaction na gusto namin sa mga tao.

“Na yun nga... very steamy, in a way. Na very passionate.”

Sa pelikula ay papayag ba si Mikael na mas grabeng love scene ang ipagawa sa kanya?

Nagawa na raw nila ito ni Solenn Heussaff sa Temptation Island.

“Grabe rin yun, parang nakatayo lang, wala lang kama,” at natawa si Mikael.

“Pero iyon, so I guess itong sa Ang Lihim ni Annasandra is a bit different kasi yun nga, there’s a bed and alam mong nagmamahalan talaga yung characters niyo.”

NO TIME TO DO MOVIES. Wala pang bagong pelikula si Mikael dahil na rin sa sobrang busy niya.

“Magdagdag ka ng araw sa isang linggo para sa akin,” at muling natawa si Mikael.

“Kailangan mga sampung araw sa isang linggo para sa akin.”

Bukod sa Ang Lihim ni Annasandra ay napapanood din si Mikael sa Ismol Family, Bubble Gang at sa Midnight Express food segment ng Saksi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN