Isabelle de Leon on being NBSB (no boyfriend since birth): “Choice ko na naman yun.”

Isabelle de Leon on being NBSB (no boyfriend since birth): “Magbu-boyfriend ako sa tingin ko in God’s time. Mararamdaman mo naman ’yan if you’re emotionally prepared for a relationship and yung career mo rin, sa tingin mo na okay.”


Bata pa lang ay kinakitaan na ng husay sa pag-arte si Isabelle de Leon.

Pinahanga niya ang mga manonood nang mahusay niyang gampanan ang kanyang role bilang nakababatang kapatid ni Jiro Manio sa Magnifico (2003), pero pinatawa naman niya tayo sa sitcom na Daddy Di Do Du (starring Vic Sotto) kung saan nakilala naman siya bilang si Duday.

Sa ngayon ay regular na napapanood si Isabelle sa seryeng Trenderas ng TV5 at mapapanood sa darating na Lunes, November 10, sa Wattpad Presents: Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang).

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Isabelle noong Huwebes, November 6, sa studio ng TV5 sa Reliance St., sa Mandaluyong City, ay tinanong namin siya kung saang genre ba talaga niya mas gustong makilala?

Sagot niya, “Mahirap, kasi magkaiba yung hirap and challenge ng comedy at iba rin yung hirap and challenge ng drama.

"So, mahirap yung isa lang na genre.

“Kasi ako, gusto kong maipakita yung versatility ko bilang isang aktres.

“Masaya kasi sa Daddy Di Do Du, nag-comedy ako, pero bago ako nag-comedy, nag-start muna ako sa mga soap operas.

“Dito sa Diary ng Hindi Malandi, yung pagiging dramatic actress ko at comedy napagsama, so very challenging siya para sa akin.”

ISABELLE AS PIPAY. Dahil ang titulo ng pinagbibidahang episode sa Wattpad ay Diary ng Hindi Malandi (Slight Lang), masasabi ba niyang may ganito siyang katangian gaya ng role na ginagampanan niya bilang Pipay?

“Slight lang naman yung landi ko.

“Slight na malandi kasi patay na patay siya kay Prince Leroy [Ken Anderson], na lahat willing siyang gawin na umabot sa puntong nagpakita siya ng underwear niya.

“Yun ang kanyang kalandian pero ginawa naman niya yun sa ngalan ng pag-ibig.

"Pero I pray na sana huwag naman umabot ang ibang teenagers na sa ngalan ng pag-ibig ay magpakita ng panty!” natatawa niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, “Ang dami kong ginawa dito, nasira talaga ang buhay ni Pipay dahil kay Prince Leroy.

“Talagang nag-enjoy ako sa pagpu-portray kay Pipay, napamahal talaga sa akin yung character, nakakabitin yung five episodes.

“May ginawa pa akong dance dito na talagang nakakawala ng dignidad, yung sayaw para lang makuha yung puso ni Prince Leroy.

“Talagang desperate na siya to get Prince Leroy’s attention.

"Inosente kasi siya pagdating sa ganung bagay, so kung ano lang ang base sa kanyang analysis, gagawin niya yun na para sa ibang tao, nakakahiya.

“Hindi talaga, kaya nga sabi ko, ito ang isa sa pinaka-challenging role na ginawa ko.

“Nakapag-role na ako ng aswang, may cerebral palsy, ng bulag, ng pilay, lahat na... okay naman sa akin yun.

"Pero ito, naku, sobrang landi pala ng Pipay na ito!

“Na-challenge ako, tinanggap ko, pero grateful ako sa buong team ng Wattpad dahil nag-enjoy ako sa role ni Pipay.

“Talagang masasabi ko na panoorin ninyo, ’wag ninyong palampasin yung five episodes, kasi sobrang nakakatawa yung bawat eksena.

“In real life, pagka may crush ako, kung sino ang ’di ko pinapansin, pinaka iniisnab ko, yung ’di ko pinapansin, yun ang crush ko.

"Ganun ako, sobrang mahiyain ako sa boys."

Ano sa tingin niya ang pagkakapareho nila ni Pipay sa totoong buhay?

Sagot ni Isabelle, “Siguro yung pagmamahal niya sa family niya, kay Papay niya, dun ako nakaka-relate, kung paano siya magmahal.

"Yun ang tingin kong mamahalin din ninyo kay Pipay, sobra siyang magmahal sa family niya."

CO-STARS. Love triangle ang tema ng Wattpad Presents: Diary ng Hindi Malandi (Slight Lang), kung saan love interests ni Isabelle sina Edgar Allan Guzman at Ken Anderson—ang nakababatang kapatid ni Gerald Anderson.

Pinuri naman ni Isabelle si Ken na kahit baguhan lang ito ay may nakikita siyang malaking potensiyal sa kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Okay naman, ang galing ni Ken.

"Sa lahat naman, sa pagramdam ng linya, makikita mo yung sincerity niya sa pagbitaw ng lines.

“Mahalaga yun sa co-actor, e, kasi dun pa lang, makikita mo na, ’Ay, ’di sila nagpi-pretend, in character na yung makikita ninyo sa kanila.’

“Si Edgar naman ang talaga nagpu-pursue sa akin, pero may twist yun kung bakit siya nagpu-pursue sa akin kahit ang baho-baho kong nilalang.

“Yun ang dapat nilang abangan kung bakit, bakit napakaguwapo ni Edgar Allan, e, pinupursige ako.”

LOVELIFE. Nalaman din naming NBSS (No Boyfriend Since Birth) pala si Isabelle.

Ayon sa actress-singer ay may mga nanliligaw naman sa kanya, pero kahit ’di siya nagsasara ng pinto sa mga ito, ang career muna ang kanyang prayoridad sa ngayon.

Paliwanag niya, “Mayroon naman, kaya lang inisip ko lang na yung mga opportunities na ganito, kailangan yung focus mo, 100 percent ibigay mo sa job.

"Kasi, ’di lagi na yung mga opportunities na ganito, dadating sa inyo.

“You have to take every opportunity and ibigay mo ang best mo. Choice ko na naman yun.

“Magbu-boyfriend ako sa tingin ko in God’s time.

"Mararamdaman mo naman ’yan if you’re emotionally prepared for a relationship.

"And yung career mo din, sa tingin mo na okay, handa ka na rin naman na mayroon kang panibagong karakter na tatanggapin sa buhay mo.”

SHOWBIZ CRUSHES. Hindi naman itinago ni Isabelle na ilan sa mga showbiz crushes niya ay sina Bamboo at Daniel Matsunaga, na gusto rin pala ni Isabelle na makapareha kung mabibigyan ng pagkakataon.

Deskripsiyon ni Isabelle sa mga crush niya, “Si Bamboo kasi parehas kaming musician.

"Under din siya ng Polyeast Records, parehas kami ng record company.

“I really admire his songwriting skills and the way he performs, grabe, talagang pasok sa puso mo kung paano siya kumunekta sa audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko yung buong personality ni Bamboo, e.

"Siguro kung may mas bata-bata na lumabas din na kaedad ko na ganun din kalalim gaya niya.

“Si Daniel Matsunaga kasi, hindi lang siya guwapo, yung puso niya makikita mo na ang bait nitong taong ito.

"Saka yung faith niya with God, sobrang bold niya sa faith niya.

“’Di pa nga kami nagkakakilala ’tapos malalaman niya, so nakakahiya, pero wala na akong magagawa.”

NO JEALOUSY BETWEEN TRENDERAS CO-STARS. Isa pa sa regular shows sa TV5 na kinabibilangan ni Isabelle ay ang Trenderas, isang weekly musical drama.

Hindi kaya pagsimulan ng isyu na mas naunang nabigyan ng big break si Isabelle at nagbida sa Wattpad kaysa sa dalawang kasama niyang sina Lara Maigue at Katrina Velarde?

Sabi ni Isabelle, “Ay, hindi naman.

“Baka nagkataon lang na nauna lang ako na mabigyan ng ganitong Wattpad project.

"Baka sa susunod na batch sila naman ang bibigyan ng Wattpad.

“Saka sa aming tatlo, ’di namin hinahayaan na mag-get in the way sa aming friendship yung ganun.

"Ang mahalaga sa amin, sobrang artists, napakagagaling na singers and performers nila Lara at Katrina.

“I know that they will shine din talaga.

"Kumbaga, ibinibigay lang namin yung best namin sa mga opportunities na ibinibigay sa amin ng TV5."

WANTS TO WORK WITH KATHNIEL TANDEM. Sa edad na 21 ay makukunsidera nang isang datihang artista si Isabelle dahil naging child star ito.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makasama sa isang proyekto, ang tambalang KathNiel ang binanggit niya.

“Wala akong maisip, siguro sila Daniel Padilla, sila Kathryn [Bernardo].

"Yung mga young stars ngayon, kung paano sila umatake sa pag-arte, kasi iba rin ang atake ng mga baguhan,” pagpuri niya sa mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN