Andrea Torres cites two of her greatest achievements after five years in showbiz

Among her numerous showbiz stints, Andrea Torres cites her involvement in Sana ay Ikaw na Nga, and more recently, her guesting stints in Bubble Gang, as her best achievements so far. Of the former, she says, “Kasi siyempre first team-up namin ni Mikael, ’tapos naging successful siya.”


Inamin ni Andrea Torres na nailang siya sa love scene nila ni Mikael Daez sa isang eksena sa Ang Lihim ni Annasandra.

Pero para sa kanya at kay Mikael, ang pagka-ilang naman daw na ’yon ay walang halong malisya.

“Nakakahiya lang kasi parang sensitive yung eksena, parang, ’di ba?

“Usually naman, hindi ka naman usually nakakanood ng ganun, e. Yung pag magla-lovemaking yung mga tao. Parang nakakailang siyang gawin.

“Siyempre nakakahiya,” amin niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa taping ng naturang fantaserye ng GMA kahapon, November 7, sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.

“Basta sabi niya siya daw ang bahala,” pagtukoy ni Andrea sa kanyang leading man.

“Sabi niya, ’Ako ang bahala, ako ang bahala.’

“Iga-guide lang daw niya ako.”

FIRST LOVE SCENE. Pinakaunang love scene ni Andrea iyon sa kanyang buong showbiz career at malaki ang tiwala niya kay Mikael.

Dagdag pa niya, “Super tina-trust ko na nga siya pero bago yung eksena, mga 10 minutes pa rin kaming medyo…”

Ano ang natutunan niya sa paggawa ng ganoong eksena?

“It’s not so bad,” at natawa si Andrea.

“Meron na po kami dati [sa Sana ay Ikaw na Nga], pero kiss lang tapos humiga tapos nag-fade na—suggestive lang.”

ON MEGAN YOUNG. Hindi naman daw siya nag-alala na baka pagselosan siya ni Megan Young lalo pa at may love scene sila ni Mikael.

“Hindi naman, hindi naman. Worried lang ako sa kung magawa ko siya ng tama or mali,” at natawa si Andrea.

Na-meet na raw niya si Megan dati sa isang event pero hindi pa sila nakapag-usap.

“Parang once or twice ko pa lang po siya nakita,” sabi pa niya.

Hindi rin daw pumupunta si Megan sa taping ng Ang Lihim ni Annasandra.

Sa parte ba ni Andrea ay walang magseselos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit nito, “Wala po. Wala.”

Nali-link sina Andrea at Sef Cadayona pero walang pag-amin mula sa dalawa maliban sa pagiging magkaibigan lang daw nila.

“Wala po talaga kasi,” muli niyang diin.

LOSING WEIGHT. Halatang pumayat si Andrea nang husto.

“Medyo nagpapataba naman ngayon. Ang gulo ko nga, e.

“Nagpapapayat tapos ngayon nagpapataba naman,” at muling natawa si Andrea.

“Nagpapayat po ako kasi di ba sa SAS [Sunday All Stars] ’tsaka sa Bubble Gang pinapag-hanging [blouse] nila ako.

“So para lang ano...”

FIFTH ANNIVERSARY IN SHOWBIZ. Ikalimang anibersaryo na ni Andrea sa showbiz.

“Marami pang kailangang matutunan talaga. Sa lahat, sa lahat,” pagpapakumbaba niyang lahad.

Hindi pa raw siya kuntento sa lahat ng nagagawa niya sa showbiz.

“Hindi pa kasi siyempre parang feeling ko, may iba-ibang style ng acting,” banggit pa niya.

Marami pa raw siyang gustong matutunan.

Ani Andrea, “Parang iba-ibang atake lagi so feeling ko pag may nakakatrabaho ako parang meron akong matututunan lagi.”

GREATEST ACHIEVEMENTS SO FAR. Ano ang masasabi niyang dalawang greatest achievements niya sa showbiz?

“Yung Sana ay Ikaw na Nga yung isa,” pagtukoy ni Andrea sa drama series nila ni Mikael noong 2012 na remake ng seryeng unang pinagbidahan nina Tanya Garcia at Dingdong Dantes noong 2001.

“Kasi siyempre first team-up namin ni Mikael, ’tapos naging successful siya.

“’Tapos ngayon after two years parang may nakukuha pa rin kaming something from it kasi yung ibang bansa naman ang nakakapanood.”

Ipinapalabas abroad ang naturang serye sa Cambodia, Brunei at Malaysia. Inaayos na nga ang pagpunta nila ni Mikael sa Brunei at Malaysia para i-promote ang kanilang serye.

“So nakakatuwa, hindi ko ini-expect na magiging ganun siya.”

Isa pang pambihirang ginawa ni Andrea sa kanyang limang taong showbiz career ay ang pagkakasali niya sa Bubble Gang.

“Kasi fan ako ng Bubble Gang, matagal na po akong nanonood nun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko rin po naisip na magiging regular ako sa Bubble Gang kasi parang, comedy siya, ’tapos ang saya lang kasi nakakahalubilo mo sila Kuya Bitoy [Michael V], mga napapanood mo before.

“Tsaka ang sarap-sarap mag-Bubble Gang, nami-miss ko siya lagi ’pag walang taping,” pahabol pa ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN