Ai-Ai delas Alas’s wish on her 50th birthday: “Good health.”

Bilang bahagi ng kanyang ika-50 kaarawan, nagdaos si Ai-Ai delas Alas ng kanyang kauna-unahang Badminton Cup ngayong araw, November 8. Magiging taun-taon na raw ang event na ito tuwing kanyang kaarawan.


Sa Lunes, November 10, ang ika-50 kaarawan ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Pero ngayong araw, November 8, ay nagdaos si Ai-Ai ng kanyang kauna-unahang Ai-Ai Badminton Cup na ginanap sa Asuncion Badminton Center, San Juan City.

Bakit niya naisipang magpasimuno ng isang celebrity Badminton Cup?

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “E, ’di ba kasi noon, si Boy [Abunda], meron din siyang ganito, Badminton Cup.

“E, alam naman nating lahat na marunong ako... hindi naman magaling, marunong akong mag-badminton.

“’Tapos sabi ko, wala naman akong masyadong ganap ngayong birthday ko… so, sabi ko, para meron naman tayong ano, chill-chill lang na event sa birthday ko, so nag-Badminton Cup ako."

Magiging annual event na raw ito tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

Saad niya, “Ngayon, hindi pa siya masyadong okay na okay.

"Pero next year, super-gagandahan ko na talaga yung Badminton Cup.”

Kabilang sa mga artistang lumahok sa 1st Ai-Ai Badminton Cup ay ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Dennis Padilla, at Neil Coleta.

(In photo from left to right: Gerald Sibayan, Sancho delas Alas, Ai-Ai, Dennis Padilla, Glydel Mercado, Neil Coleta, and Tonton Gutierrez. Photo by Noel Orsal.)

Kabilang din sa mga sumuporta kay Ai-Ai ay ang panganay niyang anak na si Sancho delas Alas, ang boyfriend niyang si Gerald Sibayan, at ang dating teammates ni Gerald sa La Salle badminton team.



AI-AI AT 50. Maituturing na naabot na lahat ni Ai-Ai ang kanyang mga pangarap sa buhay. Masaya na siya sa naging takbo ng kanyang karera, pamilya, at pag-ibig.

May hiling pa ba siyang makamit ngayong kaarawan niya?

Saad ng komedyana, “Good health and marami namang blessings si God na ibinigay sa akin, so yun.

"So yun, super good health na lang sa mga bata, sa akin, at sana maging super blockbuster yung Past Tense.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Past Tense ay ang pelikulang malapit nang ipalabas na pinagbibidahan niya at nina Kim Chiu at Xian Lim.

Sa mismong araw ng kanyang kaarawan sa Lunes, a-attend lang daw si Ai-Ai ng isang charity mass na inorganisa ni Vice President Jejomar Binay, na nagkataong ka-birthday din niya.

Pagkatapos nito ay magkakaroon ng isang munting salu-salo sa kanilang bahay kasama ang ilang kaibigan.

Speaking of Vice President Binay, na kasalukuyang sangkot sa kontrobersiya, partikular na ang kinukuwestiyong pondo sa Makati City Hall parking building at ang diumano’y pagmamay-ari nitong lupain sa Rosario, Cavite, nakapag-usap na ba sila tungkol dito?

Saad ni Ai-Ai, “Si God na naman ang bahala na dun.

"Siyempre nangyari lang naman ‘to nung lumabas sa diyaryo na 40 percent siya sa survey.

"I think kaya na niya ‘yan.

"Ayokong mag-comment, unang-una, wala naman talaga akong alam sa politics.

“At noon pa man, alam niyo namang siya talaga ang sinusuportahan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN