Karla Estrada praised for charity efforts for Yolanda victims: “Gusto kong maging inspirasyon sa iba...”

Karla Estrada and son Daniel Padilla encourage the youth to come up with their own charity initiatives: “Gusto ko na sundan ng iba yung ganitong ginagawa naming mag-ina. Lalo sa mga kabataan, ma-realize nila na ang generosity talaga is number one para sa pagiging successful ng isang tao.”


Kabilang ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla sa mga binigyan ng award sa Handumanan: Pasasalamat Sa Mga Bayani ng Haiyan free concert na ginanap sa Quezon City Memorial Circle kagabi, Biyernes, November 7.

Ito ay bilang pagkilala sa ginawa nilang pagtulong sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda o Haiyan noong isang taon.

“Kahit hindi na ako magkaroon ng ibang award, okey na ito,” pahayag ni Karla nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“At least na-recoginze yung generosity sa puso naming mag-ina. Iyon naman talaga ang importante sa akin.”

CHARITY INITIATIVE. Tubong Leyte si Karla, ang lugar na pinakanapuruhan ng pananalasa ng bagyong Yolanda noong isang taon. At sila ng anak niyang si Daniel ang kauna-unahang nakapagpadala ng dalawang truck ng relief goods doon.

Paggunita niya, “Friday morning yung Yolanda nag-landfall. Thursday night, nagtu-tweet na ako sa mga fans ng anak ko at ng KathNiel na maglikom na kami ng maitutulong.

“Talagang in-advance ko na because nabi-visualize ko nang… well, kahit maliit na bagyo, kailangan mo pa ring tumulong, right?

“So ang pinakamasarap na feeling na nagawa ko talaga is yung naiuwi ko si Daniel doon nang libre for a free concert; na nagulat ako na ang dami pa ring taong pumunta.”

SETTING A GOOD EXAMPLE. Likas na raw kay Karla ang kusang loob na pagtulong sa mga pagkakataon na may magagawa siya para sa mga higit na nangangailangan.

Sabi niya, “Gusto kong maging inspirasyon sa iba na… gayahin ka ba. At hindi naman kasi ito pagyayabang, e.

“Gusto ko na sundan ng iba yung ganitong ginagawa naming mag-ina. Lalo sa mga kabataan, ma-realize nila na ang generosity talaga is number one para sa pagiging successful ng isang tao.

“Kasi ang Diyos, dahil alam niyang hindi ka madamot… ibubuhos niya sa ’yo ang kanyang blessings.

“At si Daniel naturally, walang nag-convince na tumulong siya. Nagkusa rin talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although ang problema lang sa kanya is schedule. Kalaban na kalaban ’yon.

“So… natural din sa kanya yung pagtulong. Kasi bata pa siya, nakikita niya na ginagawa ko, e.

“At yung ginagawa naming ganito na pagtulong, tuluy-tuloy lang. Hindi magtatapos.

“Kasi kapag tinapos mo, tatapusin din ang pagbibigay sa ’yo ng blessings!” natawang biro ni Karla.

“Marami pa kaming pagtulong na gagawin. Meron nga kaming grupo na kung tawagin ay Sangkay.

“Sangkay means friend. Binuo ko ang grupo na ito kasi ang dami nating kaibigan at kabarkada. Doon ako lumaki at ang dami kong classmates na parang… huwag na tayong maghintay.

“Tutal kung nakakakain tayo sa isang restaurant at gumagastos tayo ng tatlong libo, yung tatlong libong iyon, 800 na mga bata na ang makakakain sa feeding mo.

“’Di ba? So nag-a-allot ako talaga ng pera every weekend. At nung nakaraang buwan, uwi ako nang uwi para sa feeding programs namin,” patuloy niyang kuwento.

NO POLITICAL PLANS. Sa pagiging bukas-palad niya ngayon sa kawanggawa at pagtulong, maaaring may mag-isip na baka nagbabalak siyang pumasok sa politika.

“Oo nga. Nakakatuwa pero talagang kayang-kaya kong sabihin na… hindi!” nangiting reaksiyon ni Karla.

“Hindi ko kaya na… kunwari katulad nitong ginagawa naming, feeding. Then after, inuman kami.

“Hindi ko kayang ipagpalit yung freedom na gano’n. Kung nakaupo ako bilang public servant, hindi ko na magagawa iyon.

“Alisin na natin yung mga ganyan na… hindi ba puwedeng tumulong lang?”

Pero wala nga bang mga humihikayat sa kanya na pumasok sa politics?

Ulit niya, “Well… alam naman nilang ayoko.”

E, kung si Daniel ang hikayatin balang araw na tumakbo sa isang posisyon sa gobyerno?

Ani Karla, “Ay kung si Daniel ay merong damdamin para diyan, bakit hindi? ’Di ba?”

May mga kaanak din si Karla na namatay noong kasagsagan ng bagyong Yolanda. Ang iba sa mga ito ay hindi na raw nila nakita ang bangkay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya tayo nandito ngayon, ginugunita natin ang nangyari at ang mga naging biktima. In memory, ’di ba?

“Pero ang message kung ako ang tatanungin, dapat talaga huwag nating ibale-wala yung climate change. Importante ‘yon.

“From there, matututo tayo. Kasi mangyayari ulit, e. At nakakatakot, ’di ba?” saad din niya.

ADVICE TO DANIEL. Si Daniel ang sinasabing pinakasikat na young actor sa ngayon. Ano ba ang ups and downs ng pagiging ina ng number one teen idol ng bansa?

“Siyempre lagi kong sinasabi sa kanya, hindi lahat ng nakangiti sa ‘yo, gusto ka. Sa estado niya ngayon, ang daming gustong masira siya.

“Sabi ko, ’Anak, masakit na katotohanan ‘yan. Pero kailangan mong mag-ingat.’

“Katulad nga no’ng… nabiktima ka sa loob mismo ng bahay mo,” pagtukoy niya sa kontrobersiyal na audio recording kay Daniel kausap ang isang kaibigan na na-upload sa Internet.

“Hindi siya lumalabas, e. Wala siyang gimik.

“Wala siyang time. Ang time na lang niya ay makasama yung mga kapatid niya… kami.

“And then mag-basketball na lang. Mag-invite ng friends.

“Well, sa akin kung kailangan niyang madapa at masubsob na literal para matuto, walang problema sa akin ‘yon dahil lalaki naman siya, e.

“Ang importante sa akin… yung marunong kang manindigan. Mali man o tama,” payo niya sa anak.

Hiningan namin ng update si Karla tungkol doon sa demandang pinaplano nila laban sa may pakana ng audio recording kay Daniel?

“Hindi ako ang nag-aasikaso no’n. Si Rommel [Padilla, tatay ni Daniel].

“Yung lawyer nina Rommel ang nag-aayos.”

RIVALRY AMONG FANS. Sa ngayon, tumitindi ang rivalry sa pagitan ng KathNiel loveteam at ng JaDine na tandem naman nina James Reid at Nadine Lustre. Pati ang fans ng magkabilang kampo ay laging nagkakabangayan na.

Ano ang saloobin ni Karla hinggil dito?

“Siyempre naaawa ako doon sa dalawang pair. Kasi sa totoo lang, hindi naman sila ‘yon, e,” pagtukoy niya sa mga magkaribal na kampo na sila-sila mismong nagkakaroon ng clash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga tao sa paligid nila. Kaya dapat tigilan na natin.

“Hindi ba masaya yung… basta masaya lang? ’Di ba?

“Kung sino yung gusto nating unang makaangat, e di bongga. Because your time will come.

“Just be patient. Gano’n lang.

“Kaya para do’n sa mga nagpapasabong… aba, e huwag na ninyong idamay ang mga bata sa malungkot ninyong childhood.”

Kagaya rin ba siya ng ibang magulang na may nararamdamang takot para sa binatang anak na baka makabuntis agad?

“Siyempre lahat naman. Lahat naman,” mabilis niyang pagsang-ayon.

Lalo si Daniel na mula sa lahi ng mga Padilla na may tatak bilang matinik pagdating sa babae.

“Pero lagi kong sinasabi… yung Padilla kasi apelyido lang ‘yan, e. Lahat naman ng lalake talagang ang weakness nila, babae. ’Di ba?

“So… so far, so good. He’s doing great, magbi-bente na siya.

“Nalagpasan niya yung sumpa ko. Nineteen ako when I had him,” lahad niya.

BIRTHDAY WISH. Sa November 21 ang 40th birthday ni Karla. Meron ba siyang wish?

Sagot niya, “Siyempre good health. Para mas masaya. Mas marami pang pagsasama with the kids.”

Kasabihang life begins at 40, ’di ba?

“Oo nga. Ramdam ko nga, e,” tawa ulit ni Karla.

“Ayoko namang mag-party talaga. Pero sabi ni Daniel… ’sige na, 40 ka na.’”

LOVELIFE. Happy naman daw si Karla sa kanyang lovelife ngayon.

“Steady naman.

“Siyempre meron din akong ka-loveteam. Parang KathNiel!” biro pa niya.

Live-in sila?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, hindi po!

“Okey lang naman siya. Isa siyang contractor.

“Guwapo? Hindi ko kasi alam sa inyo kung ano ‘yong guwapo, e.”

Anong sabi ni Daniel sa pagkakaroon niya ng lovelife?

“Okey lang siya. Alam naman niyang kayang-kaya ng nanay niya, e!” tawa ulit niya.

Nangangarap pa ba siyang ikasal? Okey na ba sa kanya basta may lovelife siya?

Pag-amin niya, “Siyempre pangarap natin, ’di ba? Kaya lang kung wala, perfect lang. Walang problema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nila ito napag-uusapan ng special someone niya ngayon?

“Huwag na ‘yon! Nakakahiya,” tawa na naman niya.

ACTING CAREER ON HOLD. Ano naman ang update sa kanyang acting career? Kailan siya ulit gagaw ng project?

Aniya, “Huwag muna. Kasi kailangan nating asikasuhin si Daniel.

“Sa schedules pa lang niya hindi na ako magkanda-ugaga. At saka meron tayong mga maliliit na negosyong aasikasuhin so iyon na lang muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN