Maegan Aguilar beaten by live-in partner as a "parting gift"

Ayon sa Facebook post ng kaibigan ni Maegan Aguilar na si Maria Silorio, tinatapos na raw ng anak ni Freddie Aguilar ang relasyon nito sa live-in partner nitong nagngangalang Ali, kung saan may tatlo siyang anak.


Binugbog diumano si Maegan Aguilar ng kanyang live-in partner na si Ali kahapon, November 8.

Ito ay base sa Facebook post ng best friend ni Maegan na nagngangalang si Maria Silorio.

Saad pa ng status ni Maria: "My Bestfriend Maegan Comet Aguilar recieved this nasty beating as a ’parting gift’ from her live-in Partner when she firmly tried to end there relationship today.

"Ali’s an alcoholic that often reaches a violent black out state & beats up my friend & threatens her life.

"Hindi daw po agad2 nagpa blotter or nagsumbong c ate maegan sa brgy o pulis dahil ayaw nya pong lumabas itong parte ng buhay nya sa publiko.

"Pero ito pong huling insidente ay nagdulot po talaga ng kritikal na kalagayan sa kanya.

"Sa ngayon po mukhang dislocated ang right arm ni ate maegan at kitang kita din po na lamog sa bugbog at pasa ang likod at hips nya dahil sa pagtilapon sa kanya ni kuya ali ng magpumilit itong umuwi sa condo ni ate kaninang 2:45am.

"#AteMegsToldMe #ToPostthis #OnPublic"

Kalakip ng Facebook post na ito ang anim na larawan kung saan makikitang may neckbrace si Maegan habang nakasakay sa stretcher.

Narito ang ilan sa mga larawang nai-post ni Maria sa kanyang Facebook account:

‪

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Maria, sa pamamagitan ng Facebook messaging, para sa karagdagang detalye sa masaklap na nangyari sa kanyang kaibigang si Maegan.

Si Maegan ay anak ng legendary folk singer na si Freddie Aguilar.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya ang mag-ama noong May 204 dahil sa pagpapalayas diumano ni Freddie kay Maegan, kasama ang live-in partner nito at ang kanilang mga anak, sa pamamahay ng "Anak" singer.

Read: Maegan Aguilar denounces dad Freddie Aguilar: "Nagsisisi ako na tatay ko siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN