Carlo Maceda says concert for Yolanda victims and unsung heroes a success

"Naging masaya ang paggunita sa unang anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda," says organizer Carlo Maceda about the Handumanan: Pasasalamat Sa Mga Bayani Ng Haiyan free concert. “We want to turn this [tragedy] into a learning experience. And yun nga, nabigyan namin ng recognition o award yung mga unsung heroes na agad-agad ay nandoon para makatulong habang humahagupit ang bagyo at maging pagkatapos nito."


Naging matagumpay ang Handumanan: Pasasalamat Sa Mga Bayani Ng Haiyan free concert na ginanap noong November 7, Biyernes, sa Quezon City Memorial Circle.

Dagsa ang mga taong nakibahagi sa event na ito na binuo ng Haiyan Disaster Governance Initiative, sa pangunguna ng actor-director-producer na si Carlo Maceda.

Bukod sa thanksgiving concert, kung saan maraming sikat na banda ang nagbigay ng libreng pagtatanghal, naging highlight nito ang pagbibigay-parangal sa ilang personalidad na malaki ang naitulong sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Kasama sa mga pinarangalan ang Kapamilya young actor na si Daniel Padilla at ina nitong si Karla Estrada, na gaya ni Carlo ay taga-Leyte rin.

Pinarangalan din si Anderson Cooper ng CNN.

Isang taon na ang nakararaan matapos ang matinding trahedyang idinulot ng pananalasa ng bagyong Yolanda, na nakilala rin sa international name na Haiyan.

Ito ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan na tumama sa kalupaan, kumitil ng libu-libong buhay, sumira sa milyun-milyong ari-arian at istruktura sa ilang lugar sa kabisayaan kung saan ang Leyte nga ang pinaka napuruhan.

HOW IT STARTED. “Three weeks naming in-organize ang event na ito,” pahayag ni Carlo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng concert.

“Naisip kong magkaroon ng ganito dahil puro negative ang kadalasang naririnig natin.

“’Tapos yung anak ko, nagtatanong, ’What’s Haiyan, what’s Yolanda, why are they fighting?’” pagtukoy niya sa mga naging isyu tungkol sa mga donasyon, relief goods, at sa mga overpriced at hindi pulidong pagkakagawa ng temporary housing.

“Ang sama ng naging effect sa mga bata.

"So, sabi ko, why don’t we do something positive?

“At naniniwala ako na malaki ang role ng mga artista, mga basketball player, mga soccer player ngayon.

“Ako nga, hindi ako malaking artista, e. Alam ko ang role ko—I just need to help my friends na artista to find channels where they can also help others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m trying to form a group.

"Like, kami ngayon na mga taga-Tacloban, mga ano kami, Waray… we came up with this idea, we invited our friends to help promote it.

“Grabe, ang daming tao! Natutuwa ako na ang dami talagang nakiisa.”

FROM PERSONAL TO MULTI-SECTORAL. Halos lahat yata ng sektor ay naroon.

Bukod sa mga nagpunta para manood ng free concert at awarding ng Handumanan, may mga volunteer na estudyante at ilang mga organisasyon na tumulong.

Sabi ni Carlo, “Itong pagtulong sa kapwa, dapat seryoso pero masaya.

"Kasi ang nangyari, tulong kami nang tulong, ’tapos yung mga donations nasisira at hindi mo alam kung saan napupunta.

“That frustrates everybody. Especially me, kasi may mga kamag-anak din ako na kailangan ng tulong.

“So, it became personal. So I started… sabi ko, ibenta ko na ang isang kotse ko.

“Pero sabi ng isang kaibigan ko, ’Huwag, tulungan kita.’ ’Tapos nagtulungan kami, nabuo namin ito.

“Tapos yung mga kaibigan kong may banda, tumulong sila. Hindi sila humingi ng talent fee.

“Basta raw para sa magandang cause, hindi nila kailangan ng talent fee. They just wanna see people enjoy,” pagtukoy niya sa mga kaibigan niyang banda na nagbigay ng libreng performances, gaya nina Kitchie Nadal, South Border, Banda Ni Kleggy, at Imago.

LEARNING EXPERIENCE. Natutuwa raw talaga sila na makitang napasaya nila ang lahat ng taong nagpunta.

Patuloy pa ni Carlo, “We want to turn this [tragedy] into a learning experience.

“And yun nga, nabigyan namin ng recognition o award yung mga unsung heroes na agad-agad ay nandoon para makatulong habang humahagupit ang bagyo at maging pagkatapos nito.

“Bukod kina Daniel, Carla, at Anderson Cooper, kasama rin si Tado,” pagtukoy niya sa komedyanteng nasawi sa isang bus accident sa Mt. Province.

“Merong posthumous award si Tado. Kasi maraming aktibistang nag-nominate sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka from the industry, maraming nagsasabi na si Tado talaga ay napakamatulungin na tao. Yun nga lang, nung February, namatay siya.

“Nung nangyari yung Yolanda, isa siya sa mga artista na unang nagyaya sa akin pumunta doon.

"Na sabi niya, kahit may mga problema kami, mas malaki ang problema nung mga naging biktima.

“Meron ding kasamang dalawang local news personalities: si Atom Araullo and Jessica Soho.

“Yung naging criteria sa pagpili ng bibigyan namin ng award, siyempre yung… who were visible during the storm, na tumutulong talaga.

“And si Atom nga, everybody was saying he was so brave. Kasi puwedeng mamatay din siya dahil it was really a big storm.

“Also si Jessica Soho, always reporting. Kaya ang lahat ng mga tao well-informed.

“’Tapos si Andersoon Cooper nga for making it international news. Na people from abroad, lalo na yung mga Filipinos, they were informed.

“Nagsama-sama lahat at tumulong. At iyon ang gusto naming i-promote.

“Kasi kapag next time magkaroon ulit ng sakuna... baka walang tumulong.

“Ayaw nating mangyari ’yon. Dahil kapag may disaster, kailangan talaga sama-sama at nagtutulungan.

“At ang isa pa ngang balak namin... nag-usap-usap na kaming mga artista at itong grupo nga na ito, we’ll start an information drive na caravan.

“We’ll go to different regions. Kasi ang problema nun sa Yolanda, maraming bata ang hindi marunong lumangoy.

“E, kung si Dingdong Dantes ang magtuturo sa inyo na lumangoy? Siyempre mag-aaral ka.

“Kung si Sarah Geronimo ang magsasabi kung paano umiwas sa earthquake? Mas effective ang communication.

“Huwag lang parating commercial. Let’s do our part as endorsers to educate and advocate.

“And itong ganitong thanksgiving concert, yearly na rin naming gagawin. Lalo at naging successful nga.

“Naiyak nga ako na maraming sumuporta at nakiisa. Kasi iniisip ko wala namang may kilala sa akin dahil matagal na akong hindi nag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naisip ko, baka walang tumulong. Baka langawin.

“E, nung makita ko na maraming tao, labis ang tuwa at pasasalamat ko.”

Pagpu-produce ng mga educational films ang kinalilinyahan ngayon ni Carlo.

“Yung mga mahirap intindihin na subjects, like Noli Me Tangere, ginawa naming pelikula para yung mga bata, engaged manood.

“Ginagawa ko yung bagong way of teaching,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN