Jennylyn Mercado moves into new house; reveals she’s dating

Learning from the past, Jennylyn Mercado stresses the importance of maintaining her privacy: “Kumbaga, natuto na ako sa mga pagkakamali ko. Sa ngayon, pamilya, gusto ko private; lovelife ko gusto ko tahimik. Wala naman akong boyfriend, nagdi-date pa lang.”


Lumipat na kahapon ng umaga si Jennylyn Mercado sa bagong bahay na ipinatayo niya sa isang village sa Quezon City, malapit din sa dating bahay na naibenta na niya.

Ayaw pa muna ni Jennylyn na sabihin kung saan ang bagong bahay dahil hindi pa raw naaayos ito nang husto. Kailangan na raw nilang lumipat dahil naibenta na niya ang dati niyang bahay at lilipatan na raw ito ng bagong may-ari.

Wala nga raw siya sa paglilipat dahil nasa shooting ito ng pelikulang English Only Please na entry nila ni Derek Ramsay sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn kamakalawa, sa taping ng bagong drama series niya sa GMA 7 na Second Chances at sinabi niyang todo-kayod daw siya para sa bagong bahay dahil ito na raw ang kaniyang dream house para sa kanyang anak at pamilya.

“Lumalaki na si Jazz at medyo malaki na rin ang pamilya namin. So, padami nang padami ang mga gamit namin,” pahayag nito.

LABOR OF LOVE. Matagal niyang pinaghandaan at pinag-ipunan ang naturang bahay dahil ito ay para sa kanyang anak at kay Mommy Lydia.

“Para rin kay Jazz yun e,” pakli niya.

“Ako naman hindi forever na nandito. Kumbaga, lalaki ang anak ko, magkakaroon ng sariling pamilya. I’m sure ’pag dumating ang tamang oras na yun, gusto ko talaga nasa magandang lugar siya. I just want the best for him.

“Kaya ko ginagawa ‘to, kaya ako nagtatrabaho. Kaya ako nagpupundar, kaya ako nag-iipon, kaya ako nag-i-invest para rin sa kanya,” patuloy ng aktres.

BUILDING FOR OTHER BUSINESSES. Sa susunod na buwan ay bubuksan naman ang three-story building na papaupahan ni Jennylyn sa Quezon City.

May mga kaibigan daw siyang partner sa mga bubuksan niyang negosyo sa naturang building.

“Sa baba meron spa, tapos merong coffee shop na may mga pastries na all-organic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos sa second floor, merong yoga at heat program na puro mga routines.

“Tapos sa third floor, merong zumba, mga dance class like hip hop, burlesque, jazz at iba pa,” kuwento ni Jennylyn.

PLANNING FOR HER FUTURE. Paniniwala ni Jennylyn, kailangan niyang magpundar, hindi lang para sa pamilya, kundi pati na rin sa future niya. Kung sakaling mag-settle down na raw siya, hindi raw siya dapat umasa sa lalaking mapapangasawa niya.

“Sa panahon ngayon, kailangan ang mga babae kaya na nilang tumayo sa sarili nilang paa. Hindi sila dapat umaasa kani-kanino, dapat strong talaga,” aniya.

MYSTERY DATE. Inamin na rin ni Jennylyn sa PEP na meron siyang nakaka-date sa ngayon pero ayaw niya talagang sabihin kung sino ito.

“Single naman ako, wala namang masama,” napapangiti niyang sagot.

“Open naman ako sa mga ganun, sa mga date-date.

“Sa ngayon, iba talaga ang focus ko, work and family,” dagdag pa niya.

KEEPING IT PRIVATE. Ilang beses naming kinulit si Jennylyn kung sino itong nakaka-date niya, pero ayaw niyang magbigay ng ideya. Ayaw niyang sagutin kung non-showbiz o kasama niya sa trabaho.

“I just wanna keep it private,” mabilis niyang sagot.

“Kumbaga, natuto na ako sa mga pagkakamali ko. Sa ngayon, pamilya, gusto ko private; lovelife ko, gusto ko tahimik.

“Wala naman akong boyfriend, nagdi-date pa lang.

“Sa ngayon, hindi pa ako ready sa commitment. Ang dami ko pang gustong gawin, ang dami ko pang inaasikaso, ang dami ko pang trabaho. Thank you, Lord!” dagdag pa niyang pahayag.

LESSON LEARNED. Natuto na siya sa mga nakaraan niyang relasyon na nalalaman ng lahat. Kaya sa ngayon ay sa kanya na lang daw at hindi na kailangang isapubliko.

“May mga bagay na kailangan meron pa ring privacy. Hindi lahat ng bagay sinasabi,” saad niya.

Nang biniro naming baka si Derek na partner niya sa English Only Please ang kanyang ka-date, namula ang aktres at natawa na lang siya at umiling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. Kaibigan ko lang talaga siya,” pagklaro ng Kapuso actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN