Senator Bong Revilla gets surprise visit from former grade school principal

Senator Bong Revilla cried when he saw his surprise visitor at Camp Crame—his former grade school principal, now 84 years old, who insisted on visiting him to offer him prayers and support.


Nabigyan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon noong nakaraang linggo na makapasok sa Custodial Center ng Camp Crame sa Quezon City kunsaan nadalaw namin sina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada na naka-detain doon.

SURPRISE VISITOR. Noong araw na yun ay dumalaw din si Sister Mary Edward, ang 84-year-old na principal ni Senator Bong sa Good Shepherd School.

Doon nagtapos ng elementary si Senator Bong, at tandang-tanda pa nito na takot na takot daw siya at mga kaklase niya kay Sister Mary dahil napakahigpit daw nito. Napakasungit daw ng tingin nila sa kanilang principal.

Kaya malaking gulat niya nang dumating ito kasama ang iba pang madreng nag-aalaga sa kanya.

Mahina na si Sister Mary at halos hirap nang makalakad, pero nagpilit daw itong samahan siya upang dalawin si Senator Bong.

“Matagal na kitang gustong dalawin. Kaya lang baka hindi ako papasukin,” bati niya sa senador na nagsimula nang tumulo ang mga luha.

Pawang pasasalamat lang ang nasabi ni Bong dahil hindi na niya napigilang maiyak.

Ipinakilala niya si Senator Jinggoy at nagkumustahan sila.

PRAYERS FOR BONG. Paulit-ulit na sinasabi ni Sister Mary na lagi niyang ipinagdasal si Senator Bong na malagpasan niya ang pagsubok na ito.

“Marami kaming nagdadasal sa ‘yo. Pati kay Lani, sa mga anak mo, ipinagdasal ka namin.

“Makakalabas ka dito,” pahayag ng madre kay Senator Bong na hindi na nakasagot dahil tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha.

Sinabi ni Bong sa kanyang principal na yun naman ang ipinagdarasal niya, na lumabas lang ang katotohanan at mapatunayang mali ang mga ibinibintang sa kanya.

Halos isang oras din silang nagkausap at hanggang sa pag-alis nito ay sinasabi ni Sister Mary kay Bong na tuloy lang ang pagdarasal, makakalabas daw ito at ibibigay ng Diyos ang hinihiling niya.

WORSENING HEALTH CONDITION. Kinabukasan ay dumalo si Senator Bong sa hearing sa Sandiganbayan kahit medyo masama ang pakiramdam nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiniling ng legal counsel ng senador na payagan siya ng korte na magpa-check-up sa St. Luke’s Global City para ipagamot ang kanyang lumalalang migraine at hypertension.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN