Enzo Pineda on posing nude for art’s sake: “If you believe in it na hindi naman bastusin, lalabas naman talaga yun, e.”

Enzo Pineda says he would have no qualms posing nude as long as the concept is tasteful: “Sa point ng buhay ko, siguro hindi pa pero ako naa-appreciate ko siya as an art lalo na sa States, yung mga athletes na may mga pose sila na parang nude na parang... I like it, I like it.”


Bilang si Nate, ang may pagkamaangas na star player at campus heartthrob ang papel ni Enzo Pineda sa More Than Words.

Tinanong namin si Enzo kung sa tunay na buhay ba ay bad boy siya.

“Ah, hindi!

“Bad or naughty? Hindi, may ganun,” sabay-tawa ni Enzo.

“Para sa akin, ako naman, pinalaki naman ako ng parents ko na maging ganito, prim and proper and stuff like that pero ako, I believe that there’s this alter-ego sa sarili ko.

“So at least nalalabas ko sa show na ito.”

Tuwing kailan ba lumalabas ang pagka-bad boy niya?

“Ewan ko, kapag napuno,” at muling natawa si Enzo.

Nakausap namin si Enzo sa GMA Network Center noong October 28 sa presscon ng More Than Words na upcoming light-hearted drama series ng GMA.

Ang More Than Words ay pinagbibidahan nina Janine Gutierrez (bilang Ikay/Katy Perez) at Elmo Magalona (bilang Hiro/Juan Sebastian Santillan III).

Nasa More Than Words din sina Jaclyn Jose bilang Precy; Gardo Versoza bilang Victor; Yayo Aguila bilang Marissa; Stephanie Sol bilang Belle; Mikoy Morales bilang Chester; Mayton Eugenio bilang Chelsea; at Coleen Perez bilang Molly.

Balik-tambalan naman dito ang sikat na loveteam noong ’80s na sina Leni Santos (bilang Rose) at Rey ‘PJ’ Abellana (bilang Emil).

Ang More Than Words ay sa direksyon ni Andoy Ranay.

Ipapalabas na ito sa November 17 pagkatapos ng 24 Oras.

EXHIBITIONIST? Si Enzo, bilang hunk male star, ay maraming larawan na sexy at kita ang kanyang matipunong pangangatawan.

Tuloy, ang iniisip ng iba ay may pagka-exhibitionist siya.

Aminado ba siya dito?

“Ahhh, exhibitionist? Siguro kumportable lang ako,” pagklaro niya.

Kumportable o proud?

“Proud and comfortable.

“’Tsaka, well kahit ako, sa bahay naman ganun din naman ako, relaks lang ako pag nasa kuwarto ako.”

Naka-briefs lang siya kapag nasa sarili niyang kuwarto at siya lang mag-isa?

“Boxer shorts lang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So parang it’s not something new to me.”

“Ang tagal ko na ring naging part ng Bench Body so siguro naman ano, sanay na ako. ’Tsaka sa mga pictorial pa lang,” dagdag pa niya.

OPEN TO NUDITY AS ART. Kung kakailanganin siyang maghubad para sa isang indie movie, papayag ba siya?

“Siguro ano, hindi muna,” at natawa si Enzo.

“Marami pa akong kailangang patunayan lalo na sa acting and I think nudity is... depende, depende talaga, e.

“But I’m not saying that I’m an exhibitionist pero whenever I watch movies or see mga pictorials na ganun, I see it as art, e.”

Kaya bukas ang isip niya sa nudity?

Lahad pa niya, “Sa point ng buhay ko, siguro hindi pa, pero ako naa-appreciate ko siya as an art lalo na sa States, yung mga athletes na may mga pose sila na parang nude na parang... I like it, I like it.

“Sporty, classy, ’tsaka if you believe in it na hindi naman bastusin, lalabas naman talaga yun, e.”

So kaya niya kapag ganoong concept ng photo shoot?

Ani Enzo, “Tingin ko, kaya ko naman.

“Pero I think medyo marami pa akong... ’tsaka na siguro ’yon, hindi naman yun masyadong importante ngayon.”

Kapag in-offer-an siya ng matino at artistic na proyekto na may nudity?

Tugon niya, “Pag-iisipan ko!

“Puwede, puwede naman. Pero siguro, magiging malaking challenge iyon para sa akin.

“I mean yung nudity is something, well, yung briefs sa akin okay lang pero more than that, pag-iisipan ko muna.

“Challenging, e.”

SLEEPING IN THE RAW. Naranasan na ba niyang matulog ng hubu’t hubad?

“Secret,” at tumawa si Enzo.

Normal naman sa isang lalaki na gawin iyon.

“Lahat naman yata, nagawa na,” at muling tumawa si Enzo.

Maraming beses na o minsan lang niya nagawa?

“Depende sa sitwasyon,” at muli siyang tumawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag masaya!”

Kaya nga, mahigit isang beses na niyang ginawa?

“Secret, sa akin na lang yun,” natatawa niyang sagot.

OBJECT OF FANTASY? Ano ang nararamdaman niya kapag nalalaman niyang pinagpapantasyahan siya ng mga kababaihan at mga bading?

“Para sa akin natutuwa naman ako. Sabi ko, well, I honestly don’t feel it naman talaga. Basta wala lang, kumportable lang ako sa sarili ko.

“And hindi ko naman ginagawa rin para mang-akit pero I just have fun with it.

“So happy lang ako na may mga ganun na feedback and for a Bench Body endorser I think it’s a compliment, e.

“Pangit naman kung wala namang may gusto sa ’yo.

“Naka-underwear ka na nga, wala pang mangyayari, wala pang ganap, ’di ba?” at muli siyang natawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN