Andrea Torres tries to gain a few pounds after drastic weight loss

Andrea Torres on her weight loss: “Dati po akong 115 [pounds], naging 105 na. Pero stop na ito, hindi na ako nagpapapayat, nagpapataba naman po ako ngayon. Kumakain ako, healthy lang.”


Dahil gumaganap siya bilang isang tao na kapag gabi ay nagiging isang awok (baboy-damo) sa Ang Lihim ni Annasandra, tinanong namin si Andrea Torres: Ano ang gagawin niya kung sa tunay na buhay ay malalaman niya na ang boyfriend niya ay isang awok?

Iiwanan ba niya ito?

“Knowing me, sobrang ano ako e, ’pag na-in love, in love talaga!

“Feeling ko hindi ganun kadaling iwanan.

“Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero hindi ganung kadaling iwanan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa taping ng Ang Lihim ni Annasandra noong Biyernes, November 7 sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.

“Basta huwag niya akong kakainin,” ang natatawa pang sinabi ni Andrea. “Huwag niya akong sasaktan.

“Hindi, mahirap yun siyempre, ’pag may ganoong factor o sitwasyon.

“Totoo, ’pag na-in love ka kasi, ang hirap magdesisyon nun, ’di ba?

“Parang ’pag normal na tao, ’pag may na-find out kang something na secret niya, hindi naman ganung kadaling kumalas.”

Sa Ang Lihim ni Annasandra, dahil sa tunay na pag-ibig ni William (Mikael Daez) kay Annasandra (Andrea) ay naging tao na ito.

Hindi na ba siya magiging awok?

“Puwede pa,” ang may pambibiting sagot sa amin ni Andrea.

“Basta marami pa pong pasabog na eksena!”

Marami raw pagdurusa si Andrea sa taping ng GMA fantaserye.

“Ang dami kong pasa po, ’pag [kinukulong] sa cage nung mga eksena na awok ako.”

LOSING WEIGHT. At dahil pumayat si Andrea ngayon, lumiit rin ang dibdib niya.

“Si Mikael inaasar ako kasi lumiit daw,” ang tumatawa pang kuwento ni Andrea sa amin.

"’It’s not the same,’ daw ang nang-aasar na sinabi ni Mikael kay Andrea. ’Hindi ka na si Andrea!’

Paano siya pumayat?

Sagot niya, “Ano po, exercise and diet.

“Dati po kasi exercise lang, walang diet. Ngayon po pareho.”

Nagpapayat daw siya dahil nagmumukha siyang mataba sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa SAS [Sunday All Stars] at saka sa Bubble Gang, medyo…

“Dati po akong 115 [pounds], naging 105 na.

“Pero stop na ito, hindi na ako nagpapapayat, nagpapataba naman po ako ngayon.

“Kumakain ako, healthy lang. Pero iyon, kailangan na po itong fill-up-an, itong katawan ko,” saad niya.

CHOICE FOR NEXT LEADING MAN. Tatlong beses nang naging leading man ni Andrea si Mikael; sa Sana ay Ikaw na Nga, With a Smile, at dito nga sa Ang Lihim ni Annasandra.

Kung papipiliin siya ng susunod niyang makakapareha, sino ang gugustuhin niya?

Ani Andrea, “Si Alden [Richards]. Nagkasama na po kami sa Wagas ’tapos feeling ko lang may chemistry [kami].”

Sa mga male actors naman na hindi pa niya nakakatrabaho?

“Si Dennis Trillo!” mabilis niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN