Roxanne Cabañero slowly bounces back after junked rape complaint vs Vhong Navarro

Ayon kay Roxanne Cabañero, unti-unti nang nanunumbalik ang confidence niya pagkatapos maibasura ang reklamong panggagahasa na isinampa niya laban kay Vhong Navarro. Nakakalabas na rin daw siya ng bahay na walang iniisip na takot o batikos mula sa publiko.


Unti-unti na raw bumabangon ang aspiring beauty queen na si Roxanne Cabañero mula sa kontrobersiyang kinasasadlakan nito kaugnay ng paghain ng reklamong panggagahasa laban sa actor/dancer/TV host na si Vhong Navarro.

Saad niya, “I’m good. Very happy so far with the improvement of my situation.”

Ang tinutukoy ni Roxanne na "improvement" ay ang unti-unti niyang pagbalik sa dating sitwasyon, kung saan normal lang ang takbo ng kanyang buhay.

Simula kasi nang sampahan niya ng reklamo si Vhong, hindi na raw siya natahimik dahil sa dami ng panlalait na natanggap mula sa bashers.

Saad ng 24-year-old na si Roxanne, “Wala na masyado [bashing]. No more negative comments.

"So, I’m recuperating... nasa process na ako na confident again.

“Wala nang takot na parang whenever you go out, wala nang ganung feeling.

"So, ‘pag lalabas ako ng bahay, it’s like nung last year na parang walang problem.

"Walang… no threats at all. So, it’s okay."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa intimate birthday celebration ng abugadong si Atty. Ferdinand Topacio, noong Biyernes, November 7, sa poolside ng Skyway Twin Towers, sa Pasig City.



MOVING FORWARD. Matatandaang ibinasura ng Pasig Prosecutor’s Office noong September 8 ang reklamong rape na inihain ni Roxanne laban kay Vhong dahil sa kuwestiyonable at hindi magkatugmang mga dahilan na nakasaad sa kanyang sinumpaang salaysay.

Read: Roxanne Cabañero rape complaint against Vhong Navarro junked

Saad ni Roxanne, “Dismissed na siya. Magpe-petition for review.

“But honestly, ang haba ng process, e, sobrang haba ng process, but we’ll see.

“My lawyers are encouraging me to re-file it, it’s for the best and I said, ‘Okay.’

“Kasi nung na-dismiss siya, nawalan ako ng pag-asa, e.

"Honestly, na-depress ako, like, ‘Wow!’ But it happens, nangyayari ‘yan.

“And so just keep the faith and move forward.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEW BFF. Sa plano niyang pagmu-move on mula sa kabanatang ito ng kanyang buhay, ibig ba niyang sabihin ay dahan-dahan na rin niyang kinakalimutan ang anumang nangyari sa kanya noon?

Tugon ni Roxanne, “Uhm, the thing about me coming out to file the case is for me to move on.

"Kailangan ko siyang harapin, e, so I did that for myself.

“And then, honestly, right now, I really feel good about it and then I’m in the process of healing na.

"And so far, sana makamit ko yung hustisya ko, ‘di ba?

“We’ll never know. Hindi ko masabi for now.

“And then, let’s just hope for the best.

"And sa huling parte ng chapter ng story na ‘to, sana lahat maging okay, ako maging okay.

"Ang sa akin lang naman, hustisya.”

Ipapasa-Diyos na lang ba niya ang mga pangyayaring ito?

Sagot ni Roxanne, “Ipasa-Diyos? I’ve been doing that ever since.

"Pero iba kasi yung nasa loob mo, iba siya.

"So, yes, we’ll never know.

"Kasi kung ang Diyos nagpapatawad, bakit hindi naman tayo, ‘di ba?”

Ngayong unti-unti na raw nanunumbalik ang katahimikan sa buhay niya, laking pasasalamat ni Roxanne sa kanyang mga kapamilya, boyfriend, mga kaibigan, at abugado na hindi nang-iwan sa kanya.

Dagdag pa niya, “And then I found a new friend in Deniece Cornejo, she’s really nice.

"And then, hopefully, sana makamit ko na ulit yung confidence ko, so open na ako to have that trust ever.

"Kasi ngayon, I’m closed and guarded, e."

(In photo: The new BFF, Roxanne and Deniece. Photo by Arniel C. Serato.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN