Sharon Cuneta, KC Concepcion express their grief over Mommy Elaine’s death

Ipinost ni KC Concepcion sa kanyang Instagram account ang larawang ito, kung saan masaya silang nakangiti ng kanyang “Mamita” na si Mommy Elaine Gamboa-Cuneta, na pumanaw noong November 5. Ipinahayag ng mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion ang pagdadalamhati nila sa pagpanaw ni Mommy Elaine Cuneta at kung gaano nila ito kamahal.


Nag-post ng madamdaming mensahe ang mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion kaugnay ng pagpanaw ni Mommy Elaine Gamboa-Cuneta, ina ng Megastar at lola ni KC.

Pumanaw si Mommy Elaine noong November 5, Miyerkules, matapos ang dalawang buwang pananatali sa ospital.

Si KC mismo ang nagkumpirma ng pagyao ng kanyang lola sa pamamagitan ng Instagram.

Read: Sharon Cuneta’s mother Elaine Cuneta dies; KC Concepcion mourns death of grandmom

Sa post ni Sharon sa kanyang Instagram account (@sharoncuneta) ngayong araw, November 10, Lunes, isang tula ang nakasulat tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina at kung gaano niya ito nami-miss.

Ang maiksing caption ni Sharon sa nasabing post: “I love and miss you so much…”

Noong September 28 naman, naglagay ng isang mahabang post si Sharon sa kanyang Facebook account na naglalahad ng pinagdaanan niyang stress at ng kanyang ina dahil sa pagkaka-ospital ng huli.



MAMITA. Sa picture na ipinost ni KC sa kanyang Instagram account (@thisiskcconcepcion) nitong Linggo, November 9, magkasama sila ng kanyang “Mamita” (tawag ni KC sa lola) na may dedicated message.

Inilahad ng actress-TV host ang mga masayang ginagawa nilang mag-lola at ang pagiging supportive ng kanyang Mamita sa mga gusto niyang gawin.

Ani KC: “Mita Elaine, you were my best friend, my biggest fan, my soulmate. I’m looking forward to the day we can embrace, hold hands, talk, see and be with each other again. I want to hear all about your stories in heaven. How beautiful it is, how good the food is there, how you enjoy the company of everyone around you there. How wonderful and "robust" and handsome and good God is. How much fun your spontaneous adventures are, and how happy you are that you can do anything you want again, make "lakwatsa" in your most beautiful clothes, shoes & jewelry. I love you so much and I can’t wait see your smile & beautiful eyes again. You allowed me to fly, because you knew I could. You taught me so much. Your love is a gift. I hope I continue to fly high so you can be proud. Mita, thank you for being the best. #SuperLola”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mita Elaine, you were my best friend, my biggest fan, my soulmate. I’m looking forward to the day we can embrace, hold hands, talk, see and be with each other again. I want to hear all about your stories in heaven. How beautiful it is, how good the food is there, how you enjoy the company of everyone around you there. How wonderful and "robust" and handsome and good God is. How much fun your spontaneous adventures are, and how happy you are that you can do anything you want again, make "lakwatsa" in your most beautiful clothes, shoes & jewelry. I love you so much and I can’t wait see your smile & beautiful eyes again. You allowed me to fly, because you knew I could. You taught me so much. Your love is a gift. I hope I continue to fly high so you can be proud. Mita, thank you for being the best. #SuperLola 🙏💝✨

A photo posted by This is KC CONCEPCION (@thisiskcconcepcion) onNov 11, 2014 at 1:11am PST

Nakatakdang gawin mamayang gabi ang necrological service para kay Mommy Elaine sa sa Santuario de San Antonio, sa Forbes Park, Makati City, kung saan nakaburol ang kanyang mga labi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN