Paolo Bediones bent on pursuing culprit behind his viral videos

Life goes on for cybercrime victim Paolo Bediones, “Doon sa mga taong hindi nagbago ang tingin sa akin, malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Sa mga taong nagbago ang tingin sa akin, positibo o negatibo, ang pakiusap ko lang siguro ay kilalanin muna nila ako.”


“Hindi titigil ’yan until you make an example of someone.”

Ito ang paliwanag ni Paolo Bediones tungkol sa patuloy na paghahanap niya sa taong nagpakalat ng kanyang mga private sex video sa Internet.

“We’re still trying to pursue kung anuman yung kumalat,” sabi ni Paolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk sa pagbubukas ng fast food business venture niya, ang Hoolala Korean Chicken House, sa Escriva Drive, Ortigas Center, noong Biyernes, November 8.

Business partners ni Paolo sa naturang fast food store ang kapwa TV host niyang si Grace Lee at ang talent manager na si Arnold Vegafria

Patuloy ng Demolition Job host, “ Alam naman natin na ang teknolohiya natin dito ay mabagal at wala pang kakayahan o kulang sa kakayahan.

“Pero pinapaalam ko lang dun sa mga nagkalat at sa mga balak magpakalat ng iba pa na biktima... Itong recent past, may ilan na naman...

“Siyempre, katuwang ng mga kapatid ko sa media, dapat tulung-tulong tayo para mahinto na ang ganitong klase ng pang-aabuso, pang-aapi na nangyayari sa mga inosenteng tao.”

Kahit may kabagalan ang takbo ng paghahanap sa taong nagpakalat, tila hindi naman nawawalan ng pag-asa si Paolo.

Aniya, “Alam mo, nasa sarili mong pasensiya, nasa sarili mong pagpupursigi ’yan.

“Kasi yung iba, after a while, kapag nag-move on na sila, tigil na yung effort.

“Pero ako, hindi ako titigil. I will still pursue it.

“I will still seek help from people na maaaring makatulong sa akin.

“May mga lumalapit pa rin hanggang ngayon, offering their services.

“Hanggang sa naniniwala ako na you have to make one person an example.

“One person lang ang makulong, one person lang ang makasuhan, one person lang ang ma-fine para matigil ang ganitong klaseng behavior.”

Bukod sa sariling desisyon na ipagpatuloy ang kaso, idiniin din ni Paolo na mas makabubuti kung pati ang mga sangay ng gobyerno ay mas maghihigpit sa ganitong klase ng kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran niya, “’Tulad ng lahat ng bagay, bago matakot at kaba ang mga tao, dapat may ngipin ang batas. ’Yon ang layunin natin.

“Sana yung mga mambabatas at mga kinauukulan ay mas lagyan pa nila ng ngipin ang batas.

“Hindi naman puwede na basta may kasulatan.

"Dapat may makulong, dapat may ma-fine, dapat may makasuhan.”



IT DID HURT. Aminado na ilang linggo ring dinamdam ni Paolo ang eskandalong kinasangkutan niya.

“Mga two weeks, at hindi ko talaga ipinaalam ’yon.

“Kapag tinatanong ako ng mga tao kung kumusta na, sinasabi ko lang, ’I’m okay.’

“Sinasabi ko lang na okay na ako, pero hindi ako okay.

"Kasi ayaw ko rin maging burden sa iba, ako na lang.”

Gayunman, naniniwala si Paolo na isa itong pagsubok sa buhay niya.

Pahayag niya, “Naniniwala naman ako na yung mga pagsubok na ibinigay ng Diyos sa ’yo ay yung mga bagay-bagay na alam niyang malalampasan mo.

"Sa tulong Niya, sa tulong ng mga taong malapit sa ’yo.

“If you ask me kung ano ang dahilan, siguro kinailangan ko lang ng sort of wake-up call para maging aware sa mga bagay-bagay sa paligid.

"And more importantly, para mas ma-appreciate yung mga bagay na nangyari sa akin.”

Dagdag pa ng Rescue 5 host, “Let’s just say I learned a very painful lesson.

“If I didn’t learn that lesson, talagang deserve na mangyari sa akin ulit ’yon.”



LIFE GOES ON. Bagamat nawala sa pang-araw-araw na news program ng TV5, ang Aksyon Tonite, patuloy naman ang pagiging host ni Paolo sa iba pang public affairs show ng network—Demolition Job at Rescue 5.

Noong November 3, nakatakda rin maging bahagi si Paolo ng morning show na Good Morning Club. Subalit hindi raw ito natuloy dahil nawalan siya ng boses. Ngayong araw sana siya magsisimula sa naturang show.

Dahil sa pangyayari, tinanong ng PEP kung sa tingin niya ay maaapektuhan nito ang kanyang trabaho bilang public affairs program host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Alam mo, both good and bad ang naging epekto nito.

“Ang sabi nga nila, any publicity is still publicity. Mas lalo pang nakilala at lalo pang nagkainteres ang mga tao.

“Yung bad doon, nagkaroon sila ng interes sa hindi kanais-nais na bagay.

“Nevertheless, with regard to my career, it didn’t affect naman.”

Pagdating sa kanyang kredibilidad, sabi ni Paolo, “Sa nakikita ko naman, parang hindi naman.

"Perfect timing din ang pagre-reinvent sa sarili.

“Ito, pumasok na tayo sa restaurant business, mayroon tayong high-end restaurant, mayroon tayong fast food.”

Kaugnay ng pangyayari, alam ni Paolo na iba-iba ang naging tingin sa kanya ng mga tao.

Kaya aniya sa huli, “Doon sa mga taong hindi nagbago ang tingin sa akin, malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

“Sa mga taong nagbago ang tingin sa akin, positibo o negatibo, ang pakiusap ko lang siguro ay kilalanin muna nila ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN