KC Concepcion recalls happy memories with Mommy Elaine; shares her lola’s greatest legacy

“I wanna thank Mita so much for being my comfort zone. She always gave me so much advice. Kahit hindi ko pa alam yung nangyayari, alam na niya yung problema. Titingnan lang niya ako, alam na niya. She was so witty. She was so funny. And I can only hope that everyone experience the love I experienced with her,” said KC Concepcion during the necrological service for the late Elaine Gamboa-Cuneta, held at Sanctuario de San Antonio last night, November 10.


“Sa lahat ng ginagawa ni Mita, ginagawa niya yun lahat like there’s no tomorrow.”

Ganito inilarawan ni KC Concepcion ang positibong disposisyon at pagmamahal sa pamilya ng kanyang yumaong lola na si Elaine Gamboa-Cuneta, 79.

Bagamat halatang mugto ang mata sa pag-iyak, pilit nagpakatatag ang 29-year-old Kapamilya actress habang masayang binalikan ang magandang alaala niya sa kanyang "Mamita."

GENEROSITY AND CLOSE FAMILY TIES. Una na rito ang pagkahilig ni Mommy Elaine sa pagluluto ng tila pang-fiesta na mga handa sa kanilang family get-togethers.

“Magaling po siya magluto.

"There was a time, the whole family of 20—mga sisters niya, tita at tito—would come to Dasma [family house in Dasmariñas Village, Makati City] every weekend. Home-cooked yun.

“So, nung buhay pa po si Tatay [former Mayor Pablo Cuneta], si Tatay yung nagtatali ng morcon, si Mita yung gumagawa.

"And they would spent the whole morning and afternoon in the kitchen, and walang ginawa kundi magluto nang magluto para sa 20 people.

“And regular po yun. Yung dining room for 20, lagi pong puno. Pero wala pong umaalis dun na disappointed.

“From every conversation, to laughter, to games... lahat po busog na busog,” lahad ni KC.

Si KC ang ikalawa sa panghuling nagbigay ng eulogy para sa necrological service ni Mommy Elaine na ginanap sa Santuario de San Antonio Parish, sa Makati City, kagabi, November 10.

Patuloy na kuwento ni KC, madalas ay dumadayo pa ang kanyang lola sa probinsiya upang mamili ng fresh fish and meat, kahit na noong panahong wheelchair-bound na ito.

“In the last few months, even this year, bumiyahe pa siya ng Pangasinan para lang bumili ng bangus, kasi the best daw dun ang bangus.

“And growing up, she would go to Tagaytay para bumili ng meat.

“And ipinapakita niya yun sa mga apo and sa akin po na, ’Ganito mamili sa palengke, ganito yung fresh na meat,’” pagbabalik-tanaw pa ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanga rin ang 29-year-old actress/singer/host sa magandang pakikitungo ng kanyang lola sa kahit sinong tao, lalo na sa staff nito.

Sa katunayan, parehong tumagal ng mahigit 30 taon ang secretary at mayordoma na kabilang sa household staff ng yumaong si Mommy Elaine.

Sabi pa ni KC, “And witness ako sa bahay sa Dasma kung paano niya turuan yung household niya kung paano gawin yung mga bagay.

“If she wanted to polish silver, lahat silang girls nakaupo sa table at kasama niyang nagpa-polish ng silver niya sa bahay.

“Hindi mo siya makikita na nag-uutos lang. Gagawin niya yun lahat kasama ng mga katulong niya.”

Ibinahagi rin ni KC na mahilig sa adventures ang kanyang lola kasama ng mga kapamilya nito.

“My mom [Sharon Cuneta] would always say, aalis sila, pupunta sila sa beach, and si Tatay, hindi sila pinapayagan to swim.

“’Pag tulog si Tatay, pinapag-swimming niya [Elaine] sila Mama because she wanted them to experience it and not be scared of anything,” kuwento niya.

SUPER LOLA. Ayon pa kay KC, nanatiling matapang at positibo ang disposisyon sa buhay ng kanyang lola noong panahong na-confine ito sa ospital.

“Until a month before she died, she was still singing to me.

“She would sing and laugh and make kuwento so many things to me and her private nurse of eleven years.”

Tinawag din ni KC si Elaine bilang "super lola" dahil pilit nitong pinaglabanan ang karamdaman, hanggang sa namayapa ang huli noong November 5.

"She survived 40 over 10 for her first operation, her blood pressure.

"The doctor said make her a t-shirt na ’super lola’ ang title. Dahil siya yung isa sa strongest patients they’ve ever had in that hospital.

"She was a strong woman and really an inspiration the way she lived her life."

Sa huli, nagpasalamat si KC sa walang katumbas na pagmamahal na ibinuhos sa kanya ni Mommy Elaine, na itinuturing ng aktres bilang lola, best friend, at soulmate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wanna thank Mita so much for being my comfort zone na nagturo sa akin kung paano ayusin sarili ko.

“She always gave me so much advice.

"Kahit hindi ko pa alam yung nangyayari, alam na niya yung problema. Titingnan lang niya ako, alam na niya.

“She was so witty. She was so funny.

"And I can only hope that everyone experience the love I experienced with her," saad ng Kapamilya actress.

PROGRAM. Nag-umpisa ang necrological service ng pasado alas-otso ng gabi at natapos ng pasado alas-onse ng gabi ng November 10.

Bukod kay KC, ilan pa sa mga nagbigay ng madamdaming eulogy ay sina Sharon Cuneta at Senator Tito Sotto in behalf of his wife Helen Gamboa-Sotto, na kapatid ni Mommy Elaine.

Kabilang din sa nagbigay ng eulogy ang nakababatang kapatid ni Mommy Elaine na si Vernon Gamboa, ang mga pamangkin niyang sina Apples Sotto at Kirby.

Nagkaroon din ng partisipasyon sa ginanap na Necrological Mass sina Ciara Sotto, Lani Misalucha, at Dulce na kumanta ng "Love Affair," "Muli," at "Maalaala Mo Kaya," respectively.

Kabilang sa showbiz personalities na nakiramay sa naulilang pamilya ni Mommy Elaine ay sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Maricel Laxa, Caridad Sanchez, at ABS-CBN executive Linggit Tan.

Naroon din si Paulo Avelino na matagal nang nauugnay kay KC Concepcion.

Habang ginaganap ang necrological service ay nanatiling nakatayo sa left side ng chapel si Paulo, malapit sa kinauupuan ng ibang pinsan ni KC, kabilang na si Ciara.

Si KC naman ay nakaupo sa front row sa right side ng chapel kasama nina Sharon, Secretary Francis “Kiko” Pangilinan, Frankie, at Miel.

Bandang alas-dose ng tanghali ngayong araw, November 11, magkakaroon ng isa pang misa sa Sanctuario de San Antonio Parish bago ihatid sa kanyang huling hantungan si Mommy Elaine sa Manila Memorial Park.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN