Mariel Rodriguez on having a baby with husband Robin Padilla: “Hindi pa siguro.”

Sa mahigit apat na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, sinabi ni Mariel Rodriguez na gusto rin naman sana niyang magkaanak na kay Robin Padilla. Pero may mga bagay raw siyang natuklasan kung saan masasabi niyang baka hindi pa siya handang maging ina.


Halos limang taon na ang pagsasama nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla bilang mag-asawa ngunit hindi pa rin sila nagkaroon ng baby.

Noong mga unang taon ng kanilang pagsasama, sinasabi nilang ie-enjoy muna nila ang isa’t isa.

Ngayon ba ay hindi pa rin sila handang magkaanak?

Sagot ni Mariel, “Hindi pa siguro... pero siguro.

“Kasi may mga times na nag-iisip ako na, ‘Sige na nga. Gusto ko.’

“’Tapos may mga times na, katulad niyan, yung isang ate ko nanganak.

"So, hinawakan ko yung bagong baby, inamoy ko, ang bango nung baby. ’A, parang gusto ko!’

“Right nung araw na yun, sinabi ng ate ko na samahan ko yung isa niyang anak, may ballet, so pinuntahan ko sa bahay, sinundo ko.

"E, nag-tantrums. Hindi ko alam ano’ng gagawin ko.

"Ay, sabi ’ata ni Lord, ‘A, gusto mo ba talaga?’

“So, after nun, sabi ko, ’Ayoko na po ulit.’

“Kasi one day, that same day, so parang feeling ko, ’di ko pa alam, hindi ko pa alam ano’ng gagawin ko kapag nag-tantrums.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel sa set visit ng media sa Talentadong Pinoy taping kahapon, November 10, sa TV5 Novaliches.



TALENTADONG PINOY. Labis daw na ini-enjoy ni Mariel ang kanyang hosting job sa Talentadong Pinoy, lalo’t kasama niya rito ang asawang si Robin Padilla.

Saad niya, “Masaya kasi nagkaroon kami ng magandang work division.

"Yung nahimay yung trabaho, yung alam mo yung role mo.

"At naaliw ako kasi isang magandang blessing si Tuesday [Vargas], ang bilis ng utak niya, iba rin talaga ang magaling.

“Matalino si Tuesday, e, hindi lang siya komedyante, matalino siyang komedyante.

“Si Robin, nakakatuwa siya, kasi alam mong game siya at, feeling ko, parang nung pumasok siya sa Talentadong Pinoy, talentadong Pinoy siya.

“Pero ngayon, parang Robin na Robin na siya. Alam mo yun, iba rin yung markado na iniiwan ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun pala yung sinasabi nila. Ganun pala yun."

Mas lalo ba siyang gumaling sa paghu-host dahil magandang kabatuhan si Tuesday at ang main host ng Talentadong Pinoy na si Robin?

Natatawang tugon ni Mariel, “A, siguro hindi naman magandang sabihin na magaling ako.

"Siguro ano, mas nagiging kumportable at nari-relax pa nga ako, e, kasi alam mo magagaling ang mga kasama ko.

“At ang magaling naman talaga dito, at the end of the day, ay ang mga talentadong Pinoy.”

ROBIN’S BIRTHDAY. Sa November 23 ang ika-45 na kaarawan ni Robin. Paano kaya nila ipagdiriwang ang kaarawan nito?

Sabi ni Mariel, “Wala e, ayaw niya, e. Ayaw ni Robin.

“Meron nga akong mga plano, e.”

Kuwento ng 30-year-old TV host-actress, marami siyang naiisip na konsepto at mga gustong mangyari sa darating na kaarawan ng asawa.

Balak pa nga raw niyang magkaroon ng Katipunan party, KKK, lahat daw naka-Filipiniana

Pero nung sinabi na raw niya kay Robin, “Ayaw niya. Ayaw niyang mag-party. Ayaw niya ng ganun.

"Ang sabi niya, ang gagawan daw namin ng party ay si Andres Bonifacio.

“Sabi ko, ‘Ewan ko ba diyan sa mga gusto mo.’

“Siyempre siya ang masusunod dahil yun ang gusto niya, ‘di ba?

"Alangan namang ipilit ko, e, yun ang gusto niya."

Hindi ba siya nawi-weirduhan sa pagiging devoted na tagahanga ni Robin sa bayaning si Andres Bonifacio?

Sabi ni Mariel, “Hindi. Si Robin talaga… ’buti sana kung yung taong pinaniniwalaan niya, wala lang.

"Sana kung imaginary lang si Andres, e, di mawi-weirduhan ako.”

Sinabi ni Robin na nagkaroon siya ng kaalaman tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio noong taong 1995, panahong nagtatago siya sa batas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN