Karla Estrada assures income of son Daniel Padilla is properly handled

Karla Estrada on son Daniel Padilla’s income from showbiz: "Bukas naman sa kanya, kung saan napupunta. Hindi naman ako materyoso, hindi naman ako sugarol, wala naman kaming bisyong dalawa. Ang bisyo namin ay mag-travel lang talaga."


Sinisigurado ni Karla Estrada na hindi magkakaroon ng problema kung ang pag-uusapan ay tungkol sa perang pinaghirapan ng kanyang sikat na panganay na anak na si Daniel Padilla.

Alam daw ni Daniel kung saan napupunta ang mga kinikita nito, kung ano ang kanilang pinagkakagastusan, at kung para saan nakalaan ang mga ito.

Sabi ni Karla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, "Plantsado naman ang lahat, pero hindi pare-pareho, kasi hindi naman fixed ang kita.

"Bukas naman sa kanya, kung saan napupunta.

"Hindi naman ako materyoso, hindi naman ako sugarol, wala naman kaming bisyong dalawa.

"Ang bisyo namin ay mag-travel lang talaga."

Patuloy ng actress-singer, "Si DJ [palayaw ni Daniel], hindi ’yan humihingi ng pera.

"Hindi siya yung, ’Ma, pahingi ng pera.’ Hindi siya ganun.

"Bigla ka na lang pakikitaan ng car sa phone, ‘tapos sasabihin ko, ’Lumayu-layo ka diyan, kung anu-ano na naman ang ginu-Google mo.’

"Mahilig lang siya sa sasakyan, yun lang, tipikal sa lalaki."

Hindi naman daw siya yung tipo ng isang ina na kuripot sa anak at hindi naman niya ito tinitipid sa kung anumang gusto nitong bilhin.

Aniya, "Hindi naman ako ganun sa anak ko.

"Kung, halimbawa, may show ’yan abroad, binibigyan ko ’yan ng sarili niyang pera.

"Hindi mo kailangang pigilan kasi pinaghirapan niya yun, e.

"Andun ka lang para isaayos ang lahat, at saway-sawayin siya kapag nag-o-over.

"At saka, wala talaga siyang ibang gusto, sasakyan lang."

Nakausap ng PEP si Karla sa Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan na ginanap sa Quezon Memorial Circle noong November 7.

Sa naturang event ay tumanggap ang mag-inang Karla at Daniel ng certificate of recognition dahil sa kanilang kontribusyon sa mga naging biktima ng super tyhpoon Yolanda noong nakaraang taon.

Ang pagkilalang ito ay mula sa Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI) sa pangunguna ng communications director nito, ang film producer-actor na si Carlo Maceda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



KARLA’S OLD FILMS. Kasunod nito ay napag-usapan namin ang tungkol sa mga dating pelikulang ginawa ni Karla.

Kung matatandaan, isa si Karla sa sumikat na sexy actress noong eary 1990s.

Ano ang reaksiyon ni Daniel tuwing napapanood nito ang sexy films niya noon?

Natatawang saad ng 39-year-old singer-actress,"Ayun, diring-diri siya!

"Wala, hindi niya kayang panoorin. Siyempre, iba tayo nun, e."

Bilang isang beteranang aktres, tinuturuan din ba niya si Daniel ng acting techniques?

Isa si Karla sa mga naging paboritong sexy actress noon ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano dahil sa husay nitong umarte.

Tugon niya, “Hindi, ayaw niya, kasi luma na raw ang acting technique ko.

"Pero kahit ako, ayaw ko siyang turuan nang turuan kasi mawawala ang naturalesa niya, yung sa pagiging independent."



LOVE ADVICE. Sa larangan ng pag-ibig, ano naman ang itinuturo niya sa kanyang binatang anak?

Sabi ni Karla, "Basta, ang lagi ko sa kanyang sinasabi na, ’Hindi tama ang magkaroon ng anak sa iba’t ibang ama, sa iba’t ibang lalaki.

"’Pero, anak, ginawa ko lang ang para sa akin ay tama, at ’pag ’di na ako masaya, I move on, I move out.

"’Lalayo ang aking bigkis sapagkat maiksi lang ako.’

"So, hindi ko alam kung paano niya tini-take yun, ha!

“Hindi mo naman kasi talaga maituturo."

Si Daniel ay anak ni Karla sa dating karelasyon nitong si Rommel Padilla, na may anak din sa iba’t ibang babae.

Boto naman kaya siya kay Kathryn Bernardo kung sakaling magkatuluyan ang dalawa?

Sagot ni Karla, "Okey naman, mabait naman yung bata.

"Naging malaking inspirasyon siya kay DJ at saka nagku-compliment sila.

"Nung mangyari nga yung audio scandal na ‘yan, matapos yung paliwanagan, maririnig mo ang dalawa, naghahagikgikan na."

Speaking of audio scandal, maging ang tiyuhin ni Daniel na si Robin Padilla ay ipinagtanggol ang young actor sa isyu, na mas magtataka raw siya kung sa kapwa lalaki magkagusto si Daniel at hindi sa babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napapangiting sambit naman ni Karla, "Hindi ko naman din kakayanin kung bigla niyang… na gusto niyang magtayo ng parlor, ’di ba?

"Malamang nasa Tacloban na ako ngayon, nagtatago!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN