Myrtle Sarrosa says Brian Llamanzares will be her first boyfriend, if ever

Naniniwala raw sina Myrtle Sarrosa at Brian Llamanzares sa proseso ng ligawan kaya hindi nila minamadali ang mag-level up na sa kanilang relasyon.


No boyfriend since birth.

‘Yan ang rebelasyon ni Myrtle Sarrosa nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday celebration ni Atty. Ferdinand Topacio noong Biyernes, November 7.

Kaya naman ayaw raw niyang madaliin ang tungkol sa ligawan na namamagitan sa kanila ni Brian Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe.

Paliwanag ng 19-year-old actress-cosplayer, “Kasi ayaw naming minamadali.

"Ngayon kasi, madalas, after one week, mag-syota na yung mga tao.

“Kami, naniniwala kami sa process na dapat may courtship na stage.

"Kasi hindi pa ako nagka-boyfriend. Siya ang first, if ever.”

Bukod sa super-bait daw ng panganay na anak ni Senator Poe, guwapo rin daw ito.

MARCH 31, 2014. Kinilig naman ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Big Winner nang matanong kung paano sila nagkakilala ni Brian.

Aniya, “Alam niyo yung cafeteria sa ABS-CBN? Kasi nandun ako sa cafeteria, ’tapos bigla kong… kasi nagmamadali ako nun, bigla kong nasagi yung isang plato.

“Nabasag yun at lahat ng tao sa cafeteria, nakatingin sa akin.

"So, ako naman, ‘Oh, my gosh!’

“’Tapos nung paalis na ako, nakatingin siya [Brian] sa akin. Nag-i-smile siya sa akin.

"Pagkatapos nun, parang nag-wave siya sa akin.

“’Tapos nung nag-hi siya sa akin, nag-ano din ako, nag-hi din ako sa kanya. ’Tapos naglapitan kami, ’tapos nag-usap.”

March 31 daw yun at akala niya, joke ang pagyayaya ni Brian ng date sa kanya kinabukasan, April 1.

Kuwento pa ng November 2014 FHM cover girl, “The following day, niyaya niya ako mag-date.

"Akala ko nga joke kasi April 1, so sabi ko, ‘Joke ba ‘to?’

“’Tapos, after nun, sabi ko, ‘Sige.’”

MY FIRST, MY LAST. Nakilala na ng Kapamilya talent si Senator Grace, ang lola ni Brian na si Susan Roces, pati na ang ama ng binata.

Pero diin ni Myrtle, “Hindi pa kami.”

May pag-asa bang sagutin niya si Brian?

Nakangiting sagot nito, “Oo naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kami, nag-aantay pa kami ng tamang panahon.”

Gusto ba niya na yung first boyfriend niya, yun na rin yung last?

Sagot ni Myrtle, “Yes, naniniwala ako sa ganun.

“Kasi ayoko nung nakilala mo siya ngayon, ’tapos boyfriend mo na siya bukas, ’tapos kadalasan one month lang.

“Parang ayaw ko ng ganung klaseng relation.

"Mas gusto ko yung ganun na makilala mo siya as friends ’tapos magdi-develop kayo.

"Mas gusto ko yung ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN