Neil Coleta on being typecast in gay roles: “Hindi naman ako bading, ha!”

Siyam na buwan na raw single ang Kapamilya actor na si Neil Coleta. Mula raw sa showbiz ang dati niyang girlfriend for two years, pero tumanggi ang aktor na pangalanan ito.


Nagsimulang mabigyan ng magandang role ang 22-year-old actor na si Neil Coleta sa TV5 noong 2008 via Lipgloss, isang youth-oriented show ng Kapatid network.

Pero mas lalong tumingkad ang kanyang career sa isang iced tea endorsement na naging daan upang mabigyan siya ng malalaking projects sa ABS-CBN.

Taong 2011 nang lumipat siya sa Kapamilya network.

Sabi ni Neil sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre sobrang thankful, lalo na kay Sir Deo [Deo T. Edrinal], kasi simula noong nag-start ako, DTE unit ako lagi, e.

“Nakalimang shows na ako—100 Days To Heaven, Aryana, Growing Up, Juan dela Cruz, at Dyesebel.

“Pero yung Juan dela Cruz yung pinakaano ko... yun yung pinaka-naging break ko.

"Mas nakilala ako dun kasi tandem kami ni Coco Martin, e."

Nakausap ng PEP si Neil sa idinaos na 1stAi-Ai Badminton Cup noong November 8, na ginanap sa Asuncion Badminton Center, sa San Juan City.

GAY ROLES. Matapos ang Dyesebel, pahinga muna sa TV at kasalukuyang may ginagawang movie si Neil.

Sabi pa niya, “Napanood niyo ba yung I Do Bidoo Bidoo?

"Gay role ako dun, ’tapos dito sa new film, gay role din."

Sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo, ginampanan ni Neil ang role ni Brent, isang closeted gay man na may lihim na pag-ibig sa best friend niyang si Sam Concepcion.

Dagdag pa niya, “Pero nilihis ko naman, kasi nanalo ako ng award dun sa I Do Bidoo Bidoo na Best New Movie Actor.

“Dito sa new movie, gay role ulit, pero hindi naman sobrang closet.

"Para sa Cinema One Originals. Pagbibidahan ito nina JM de Guzman at Edgar Allan Guzman."

Ayaw pang banggitin ni Neil kung ano ang title ng movie dahil bawal pa raw.

Tanong ng PEP kung bakit gay roles lagi ang nai-offer sa kanya sa mga pelikula.

Natatawang tugon nito, “Hindi ko nga alam, e! Hindi naman ako bading, ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kasi naibibigay ko naman ang gusto ng producer at nagtiwala rin sila.

“Masarap din kasing paglaruan, e, yung kanya-kanyang character.

"Siyempre nasanay ang tao na comedy, this time gusto ko iba naman."

SINGLE FOR NINE MONTHS. Pagdating naman sa pag-ibig, nabanggit nitong hiwalay na siya sa kanyang girlfriend for two years.

Saad pa niya, “Single ako ngayon, nine months na. Ayoko nang sabihin ang pangalan, pero showbiz siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN