Newcomer Sandino Martin says full frontal nudity in Esprit de Corps is his first and last

Rooted in theater, Sandino Martin will be singing and dancing with the Ballet Philippines after doing heavy drama in two indie films.


Nagtapos ng Theater Arts sa University of the Philippines si Sandino Martin bago siya pumalaot sa propesyunal na pagganap sa entablado at kinalaunan sa mga independent film, mainstream movie, at telebisyon.

Ang pinakahuli niyang pelikula ay ang Esprit de Corps, ang pinakabagong indie film ng premyadong writer-director na si Kanakan Balintagos (Aureaus Solito).

Matagumpay ang ginanap na dalawang gala premiere ng Esprit de Corps noong Lunes ng gabi, November 10, sa Trinoma Cinema 7 at Glorietta 4 Cinema 1.

Ang pelikula ay tungkol sa mga kadete ng military organization among students, higit na nakilala bilang R.O.T.C. (Reserved Officers Training Command) na sinimulan noong 1970s, sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Hindi maiiwasang maging daring ang mga lalaking aktor na nagbida, sa pangunguna ni Sandino.

"Daring in the sense of being more open-minded, yes," pagtukoy ni Sandino sa obserbasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na higit na mapangahas ang ginawa niya dito kung saan mayroon siyang nude exposure.

Sa mga unang buwan din ng kasalukuyang taon ay napanood si Sandino sa Unfriend, isang experimental indie film na may mabigat na kuwento at temang nauukol sa gay friendship, sa direksiyon ni Jay Altarejos.

Ang pelikula ay nagkaroon ng world premiere sa prestihiyosong Berlin International Film Festival noong Pebrero.


Unfriend ang unang major appearance ni Sandino sa pelikula.

At sabi niya, "Sexuality-wise, at saka when it comes to sex scenes, mas hardcore porn yun."

Pero sa Esprit de Corps, higit na naging mapangahas ang aktor sa pagbibigay-laya sa kanyang sining.

Sa punto ng nudity, naiibang Sandino naman ang mapapanood dito.

Katuwiran ng baguhang aktor, "Kaya rin ako napa-oo [sa Esprit], that’s why I said yes because my character is portraying purity.

"I just wanted people to see not the nudity but the intentions. And the poetic side of the scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tsaka, kung ano yung nakita niyo, yun na ’yon!" nangiti siya pagkasabi nito.

FIRST AND LAST. Mauulit pa ba ni Sandino ang ginawang pagpu-frontal nudity sa Esprit deCorps sa mga susunod niyang pagganap?

"No more. This should be the first and last," tuwirang sambit niya.

"Because I love the script when I first read it, I said yes to it.

"I talked to my manager [Ricky Gallardo] and I said yes!

"I love the character of Abel. I love everything about the film.

"I love the film, the production staff, our cinematographer... so, given those opportunities to work with them, I will always say yes to it!"

BIGGER PROSPECTS. After his impressive appearances in Unfriend and Esprit de Corps, Sandino appears to be headed for some interesting projects in 2015.

"I will be doing Manhid for next year with Ballet Philippines at the CCP [Cultural Center of the Philippines].

"That will be in February. It’s a musical.

"I will be dancing and singing. I will be playing the lead.

"It’s like X-Men… the local X-Men. Masaya siya."

He further related, "I’m working out a film to be shot in Singapore.

"Soft planning pa lang siya, e. Nakilala ko itong mga taong ito [prospective producers] sa Berlin.

"Nagku-conceptualize pa lang sila."

Katulad ng ibang aktor na nagiging matagumpay sa indie cinema, ipinagpapalagay na si Sandino ay nakatakda ring mag-cross over, fulltime, sa mainstream show business.

Ganito nga ba ang direksiyon ng pagiging artista ni Sandino?

Sagot niya, "Well, hindi ko naman pinu-push, pero I’m just doing what I want and what I love, which is acting.

"So, whatever blessing na darating, I would be very happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN