Ai-Ai delas Alas reveals she had Bell’s palsy

Ai-Ai delas Alas has turned 50 yesterday, November 11. Her birthday wish? “Ay, wala na po akong mahihiling sa Panginoon kung hindi pasasalamat sa naibigay Niya sa akin sa buhay ko. Natututo naman po ako at lahat naman ng blessing from it,” she says.


Inamin ni Ai-Ai delas Alas na nagkaroon siya ng sakit na Bell’s Palsy ngunit inilihim niya ito noon.

Ginawa ng komedyana ang pag-amin sa press conference ng pelikula nila nina Kim Chiu at Xian Lim, ang Past Tense, kahapon, November 11, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sabi ni Ai-Ai, “Matagal po, two weeks akong hindi nakapag-shoot.

“Pero, praise God, ang Bell’s Palsy ko, matagal yun, pero two weeks lang ang ibinigay sa akin ni Lord.

“Para makapagpahinga siguro ako sa mga naglabasang balita.”

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang pagputok ng balita tungkol sa relasyon nila ng 20-year-old boyfriend niyang si Gerald Sibayan.

Read: FIRST READ ON PEP. La Salle badminton player Gerald Sibayan confirms relationship with Ai-Ai delas Alas

Ano ang naging dahilan ng kanyang pagkakaroon ng Bell’s Palsy? Dahil ba sa stress?

Tugon ni Ai-Ai, “Meron, pero more on init-lamig, e.

“Yung mainit, ‘tapos bigla kang papasok sa malamig. Actually, doctor na ang nagsabi nun.

“Akala ko, pang-mataba lang yung sinasabi ng mga matatanda na, ‘Uy, bawal yung ganyan.’ Totoo pala yun.

“Bawal ang mainit at malamig, doon nagti-trigger ang Bell’s Palsy.”

Ayon sa webmd.com, ang Bell’s palsy ay "a paralysis or weakness of the muscles on one side of your face. Damage to the facial nerve that controls muscles on one side of the face causes that side of your face to droop. The nerve damage may also affect your sense of taste and how you make tears and saliva. This condition comes on suddenly, often overnight, and usually gets better on its own within a few weeks."



BIRTHDAY GIRL. Kasabay ng presscon ng Past Tense kahapon ay ang selebrasyon ng 50th birthday ni Ai-Ai.

Kaya naman may inihanda ang Star Cinema na VTR messages sa kanya ng ilang Kapamilya stars na malapit sa kanya at mga nakasama niya sa ilang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa lahat ng mga bumati sa kanya, naging emosyunal si Ai-Ai sa napanood na pagbati ng talent manager at matalik niyang kaibigan na si Boy Abunda.

Ayon kay Ai-Ai, “Siyempre, nagulat ako kay Boy, kay Ama.

“Nagulat talaga ako kasi kanina, nagtawagan kami.

“’Tapos, napanood ko, nagulat talaga ako. Kasi, na-stress ako.

“Hindi lang nila alam, pero stressed na stressed ako at sobrang nag-freak out talaga ko.

“Ngayon na okey na okey na siya, maganda na siya ulit, thank you, God, thank you Lord at okey na siya.

“Masaya kami ngayong taong ito.”

Kagaya ng alam ng karamihan, galing din sa sakit si Boy at kailan lamang siya nagbalik sa kanyang trabaho.

Ano pa ba ang puwede niyang hilingin sa Diyos ngayong kaarawan niya?

Sagot ni Ai-Ai, “Ay, wala na po akong mahihiling sa Panginoon kung hindi pasasalamat sa naibigay Niya sa akin sa buhay ko.

“Natututo naman po ako at lahat naman ng blessing from it.”

Nasa aura nga ni Ai-Ai na masaya siya ngayon. Pero ano nga ba ang nagpapasaya sa kanya ngayon?

Tugon niya, “Yung totoo, sinabi ko na sa sarili ko na chill na lang ako. Na ie-enjoy ko lahat ng pinagpaguran ko.”



AI-AI LOVES KIM. Ikalawang pagsasama na nina Ai-Ai at Kim Chiu ang Past Tense.

Una na silang nagkasama sa teleseryeng My Binondo Girl noong 2011.

Hayagang sinasabi ni Ai-Ai na mahal na mahal niya si Kim.

“Siyempre, baby Kim will always be in my heart.

“Mahal na mahal ko ‘to. Totoo ‘yan.

“At nakakatawa talaga ‘to, marami ‘tong pasabog.

“Ngayon ko lang nga nalaman na kaya pala nagti-trending itong mga Past Tense, Past Tense, Trending Philippines, Trending Worldwide, yun pala, ang mga fans nila, retweet nang retweet, ganun.

“So, ganun karami ang fans nila.

“Kaya mahal ko sila para mahal din ako ng fans nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may iba nang loveteam, mamahalin ko rin sila.

“Pero ngayon, sila muna, kasi sila yung napakaraming faney [fans]!” tawa niya.

THE PAST. Dahil Past Tense ang titulo ng pelikula nila, sino ang gusto niyang balikan—yung mahal siya o yung minahal niya na lalaki?

Sagot ni Ai-Ai, “Ako, wala na, wala na akong babalikan. Sinarado ko na. That’s enough!”

Paano nagiging madali sa kanyang kalimutang ang nakaraan at mag-move on?

“Ako po, not easy, pero hindi ko po ipinapakita sa tao.

“Ang ginagawa ko lang po, I pray and try to move on.

“Because life is so short and be happy, ganyan lang.”

Ano ang nangyari sa kanyang past na gusto niyang tuldukan?

“Well, dati kasi, may angst ako na hindi ako naging flight stewardess. Seryoso.

“’Tapos ngayong nakasakay ako sa eroplano at sila ang nagsi-serve, ‘Ay, maganda rin pala na naging artista ako, hindi ako ang flight stewardess!’

“Kasi, kung hindi, hindi ako yung tulog, ako yung nagsisilbi.

“At least ngayon, ako yung tulog sa eroplano. Although, puyat din ako as artista.

“Maganda ang damit niya, maganda rin naman ang damit ko, ‘di ba?

“Mababaw lang,” sabi niya.

At siya na rin ang nagdugtong na, “Pero kung yung gusto niyo ay tungkol sa lovelife ko, tinuldukan ko na yun at kinalimutan ko na.

"At ayokong balikan na ikinasal po ako ng 29 days.

“So, I hope, in the future, maging 29 years naman ang marriage ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN