Biggest Loser winner Larry Martin guilty of accessory charge in 2012 murder case

Biggest Loser Pinoy Edition first grand winner Larry Martin faces three months to three years of imprisonment for being an accessory to a murder crime in Naga City two years ago.


Arestado na si Larry Martin, 39, na nahatulang guilty bilang accessory to the crime sa kasong pagpatay kay Rommel Licmuan.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo online site, dinakip ang first grand winner ng The Biggest Pinoy Loser Edition sa kanyang bahay sa Barangay Sto. Domingo, Milaor, Camarines Sur, bandang 12:45 P.M. kahapon, November 11.

Nahatulan si Martin ng tatlong buwan hanggang tatlong taong pagkakakulong sa Naga City Jail, base sa desisyon ni Judge Leo Intia ng Naga City Regional Trial Court, noong October 8.

Si Galvan, na kasalukuyang nakaditena sa Naga City Jail, ay nahatulan ng walo hanggang labing-apat na taong pagkakakulong.

Matatandaang September 7, 2012 nang masangkot sa gulo ang pinsan ni Larry na si Faustino Galvan at ang court sheriff na si Rommel Licmuan, matapos bastusin diumano ng huli ang kasintahan ng pangunahing akusado.

Sinuntok ni Galvan sa likod ng ulo si Licmuan, na naging sanhi ng dalawang linggong pagka-comatose ng biktima hanggang sa ito ay bawian ng buhay.

Read: Biggest Loser winner Larry Martin ready to face murder raps

Base sa imbestigasyon, napatunayang si Martin ang may-ari at siyang nagmaneho ng sasakyang ginamit ni Galvan sa pagtakas, noong nangyari ang insidente.

Parehong naaresto ang magpinsang Galvan at Martin noon, ngunit pansamantalang nakalaya ang huli matapos magbayad ng piyansa.

Noong October 10 ay naghain si Martin ng application for probation upang pababain ang kanyang sentensiya.

Ngunit sa huli ay ibanusura ng Naga City RTC ang apela ng reality show winner.

Bukod sa pagkakakulong ay pinagbabayad din sina Martin at Galvan ng mahigit P3.4 million bilang danyos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN