Mark Bautista overwhelmed by praise from Lea Salonga for his performance in Here Lies Love

Mark Bautista on Lea Salonga’s glowing remarks about his performance in Here Lies Love: "Sobrang thankful ako sa kanya, kasi malaking tulong talaga yung ginawa niya. Kasi, sa kanya mismo, sa standards niya, parang okey pala ako."


LONDON, UNITED KINGDOM. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark Bautista pagkatapos naming manood ng rock musical na Here Lies Love noong Lunes ng gabi, November 10 (London time), sa Dorfman Theatre ng National Theatre dito sa London.

Gumaganap si Mark bilang Ferdinand Marcos sa nasabing musical na tungkol sa makulay na buhay ni dating Philippine First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

Kasalukuyang umaani ng mga papuri si Mark sa kanyang performance bilang Marcos.

Isang major Pinoy pride moment para sa amin ang mapanood siya in his international theater debut.

Ano ang pakiramdam ni Mark with all the positive reviews that he’s been getting sa Here Lies Love?

“Nakakataba ng puso. Pero ang iniisip ko ngayon, para akong nasa isang circus na tumatawid ng rope. Bawal umupo, bawal mahulog, dapat stable lagi, dapat naka-balance lagi,” masayang bulalas ni Mark nang makausap siya ng PEP over later dinner pagkatapos ng show, sa isang Chinese resto na walking distance lang from the National Theatre.

Pagpapatuloy niya, “Ganun na lang iniisip ko.

“Hindi ko puwedeng ipasok sa ulo ko [ang mga papuri]. Kasi, mahirap na.

“Pero sobrang naa-appreciate ko lahat.

“Especially sa Twitter na nababasa mo yung mga Briton, yung mga English people, na parang na-appreciate nila yung show.

“Sabi ko, ‘Wow, nakakataba ng puso talaga!’”



LEA SALONGA. Isa sa sobrang nag-rave kay Mark after watching Here Lies Love here in London ay si Ms. Lea Salonga.

Nanood si Lea habang nandito recently ang Pinay international musical actress para sa European tour nito with Il Divo.

Last Sunday, November 9, sa interview ni Kris Aquino with Lea sa The Buzz ay umaapaw ang magagandang salita ng original Miss Saigon star para kay Mark.

Sabi ni Lea sa naturang interview: “This one I have to talk about because we know Mark as a singer.

“He’s been on this channel, he’s been on the other channel also, we see him in concerts, we hear his records, we see him perform on TV, but that’s the best I’ve ever seen him. Ever!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was different. Talagang yung kakayahan niya bilang isang performer, lumabas talaga.

“I saw him after the show, [I told him], ‘Hindi pa kita nakitang humirit ng ganyan until this night.’

“Yung pride, talagang ang galing-galing! Ang galing-galing niya! Ang galing!” mataginting na bulalas ng Pinay Broadway diva.

Mark posted on Twitter and Facebook the video link of the said interview of Lea at nagpasalamat siya sa mga papuri nito sa kanya.

Even in her regular column sa isang major broadsheet ay isinulat din ni Lea ang kanyang review sa Here Lies Love.

According to Lea, si Mark bilang Marcos ay “equal parts charming, charismatic, sexy, ambitious and strong.”

Dugtong pa niya, “Truth be told, I have not seen a performance of his in Manila anywhere near as great as his performance here.

“I always knew he was very good. Here, he is excellent.

“His singing is consistent, as it always has been, but his diction has vastly improved and his acting and storytelling skills are put to good use.

“I believe he is living up to his full potential, thanks to this show, and I’m confident that even more opportunities will turn up for him.

“Bravo to you, Mark! It filled me with much joy and pride watching you.”

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Mark ang picture nila ni Lea pagkatapos nitong manood ng Here Lies Love at ang caption dito ng singer-actor:

“Always a pleasure (and a pressure) to have her in the audience... Thank you, Ms. Lea Salonga for watching the show!”


RAVE REVIEWS. Nang makausap ng PEP si Mark ay overwhelmed pa rin siya sa todo-papuri sa kanya ni Lea.

Sabi niya, nagulat siya nang makarating sa kanya ang rave review ni Lea, na una niyang nakita sa Twitter.

Sinabi rin ito sa kanya ng co-star niya sa Here Lies Love na si Dean John-Wilson (gumaganap na Ninoy Aquino) at may nag-tag sa kanya sa Twitter ng link to Lea’s interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Mark, “Nakakatuwa, kasi parang sobra… alam mo, ‘pag pinupuri ka, ang iniisip ko palagi, you’re only as good as your last performance.

“So, parang hindi ko masyadong nilalagay sa isip ko.

“Pero ‘pag si Lea ang nagsasabi, parang ayokong maniwala, pero alam kong she meant it, ‘di ba?

“Sobrang thankful ako sa kanya, kasi malaking tulong talaga yung ginawa niya.

“Kasi, sa kanya mismo, sa standards niya, parang okey pala ako.

“Sabi niya [sa The Buzz], ‘This I have to talk about…’ Nakakatuwa!

“’Tapos, nung pinanood ko yung The Buzz, hindi pala tinanong ni Kris, sinabi niya [Lea] lang.

“’Tapos, parang shucks, ang haba pa ng explanation niya!”

Ayon pa kay Mark, ngayon ay ang dami nang mga Pinoy na nanonood ng Here Lies Love, samantalang for the past few weeks ay mangilan-ngilan lang na kababayan natin ang nakikita niya sa audience.

Feeling niya, malaking bagay yung rave review na ‘yon ni Lea that’s why he’s very thankful.



HIT MUSICAL. Masasabing isang hit ang Here Lies Love dito sa London. Soldout na ang tickets nito hanggang sa end ng run nito sa January 8, 2015.

May bali-balitang from the National Theatre ay ililipat ito sa West End.

Sabi sa amin ni Mark, normally, ang mga hit National Theatre productions ay dinadala sa West End katulad ng War Horse and others.

But as of now, silang mga nasa cast ay nag-aabang lang ng news dahil ang sabi sa kanila, by the end of November sila babalitaan kung ano’ng susunod na mangyayari.

If ever ay gustong mag-West End ni Mark.

At dahil nandito na rin siya sa London ay ibinalita niya sa amin na nag-audition siya for another musical.

Pero tumanggi siyang sabihin kung ano ‘yon at kung anong nangyari sa kanyang audition.

“Nag-audition ako. Kasi, gusto kong mag-explore pa ng maraming bagay, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magre-ready lang ako, para at least, kung anuman ang mangyari, ‘di ba?”



DATING. Kinumusta rin ng PEP ang personal life ni Mark. Nagagawa niya bang makipag-date dito sa London?

Ang natatawang sagot niya ay baka babawi na lang siya pagkatapos ng Here Lies Love sa January.

Aminado siyang kapag dito ka nakatira ay ang daming temptasyon, pero alam din niyang dapat ay walang distraction dahil nandito siya para magtrabaho.

“Kasi ito [Here Lies Love], feeling ko, make or break [ito para sa akin] or something. Alam mo ‘yon?

“Parang kailangan may patunayan pa ako rito,” seryosong sabi ng 31-year-old singer.

Maraming nagsasabing ang “hot” ng dating niya sa show bilang Marcos.

Merong eksenang shirtless siya sa stage at naka-shorts lang at merong isa pa na nagsuot siya ng sexy trunks, pero nakamaskara siya.

May mga nagpi-flirt ba sa kanya rito?

Nakangiting sagot ni Mark, sa Twitter niya lang nababasa ang mga ganung bagay.

May mga nagtu-tweet sa kanya ng,“Please marry me!” at kung anu-ano pa, na hindi naman daw niya sineseryoso.

Pa-winter na rito sa London at palamig na nang palamig. Paano na ang kanyang mga malalamig na gabi?

“May warmer. May heater!” tawa ni Mark, na sobrang nami-miss na ang Pilipinas, pero ine-enjoy ang kanyang three-month theater stint dito sa London.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN