Alexa Ilacad gets ’kilig’ with Nash Aguas; but still has to wait four more years before she can accept suitors

Where do Alexa Ilacad and Nash Aguas stand with each other? Alexa says, "Ang sa amin lang po talaga, ini-enjoy lang namin ang friendship namin. Yung work, yung crush-crush, ini-enjoy lang."


Sa loob lang ng halos isang taon mula nang i-launch ang bagong batch ng LUV U barkada, malaki ang naging pagbabago sa anyo ni Alexa Ilacad.

Malaman at bilugan ang mukha niya noong launch nila, pero nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng LUV U sa ABS-CBN noong Lunes, November 10, kapansin-pansin ang malaking ipinayat nito at pagbu-bloom.

Nagda-diet na raw kasi siyang talaga.

Saad ni Alexa, “Ako po talaga, nagda-diet. At si Nash po, payat.

"’Tapos sa TV, nag-a-add ka pa. Si Nash, kahit na mag-add sa TV, payat pa rin.

"Nakakahiya naman na ako ang ka-loveteam niya, ’tapos mas malaki pa ako.”

Natatawang kuwento pa ng 14-year-old Kapamilya talent, “Sinukat nga po kami para sa fitting!

"Yung waistline ni Nash, kunwari 27, sobrang kinakabahan ako.

"Kasi alam ko, mas malaki sa akin. Hindi talaga ako huminga.

“’Tapos sabi sa akin, ’In fairness, mas maliit ka ng isang inch.’

"Kaya sabi ko, ’Hala, hindi puwede. Kung siya 27, kailangan ako, halimbawa, 23.’"

Kailangan bang conscious na siya sa diet niya gayong sa edad niya sana ay relax lang siya?

Paliwanag ni Alexa, “E, kahit gusto ko pong mag-enjoy, ito po talaga ang gusto ko. I want to be an actress talaga.

"Kung yun po ang kailangan kong gawin para maging isang artista, gagawin ko po.

“Hindi naman siya sobrang hirap, tiis-tiis lang.

"At saka, tinutulungan din naman po ako ni Mommy.

"Bawal pa pong mag-gym pero nagwo-workout po ako sa house. Nagpo-pole dancing kapag may time.

"Yung kain ko po sa bahay, konti lang. Minsan lang, ang sarap kumain!" natawa niyang sabi.

FOUR MORE YEARS. Narinig din namin kay Alexa ang madalas na linya ng female teen stars na hindi pa sila puwedeng magpaligaw hanggang hindi pa sila umaabot ng 18 years old.

Sabi naman ni Alexa, “Hindi pa po talaga puwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-promise po ako kina Mama at Papa na kapag 18 pa lang po ako magpapaligaw.”

Ibig sabihin, apat na taon niyang paghihintayin si Nash?

Natawa si Alexa dahil noong nasa Goin’ Bulilit pa sila ay pareho na silang may crush sa isa’t isa.

Hindi pa nga ba nanliligaw si Nash sa kanya?

Sagot niya, “Wala pa po.

"Masyado pa rin po kaming focused sa work para mas bigyang pansin pa yung mga bagay na ganyan.

"Kaya pa naman pong maghintay.”

Sinabi ni Nash yun?

“Sabi namin!” natawang sagot niya.

Dugtong ni Alexa, “Hindi naman po siya nanliligaw or anything.

"Ang sa amin lang po talaga, ini-enjoy lang namin ang friendship namin.

"Yung work, yung crush-crush, ini-enjoy lang.

“Happy-happy lang dapat, hindi muna ginagawang serious yung ganun.”

Paano kung manligaw si Nash ng iba, magseselos siya?

“Opo, ‘di ba, kapag gusto mo ang isang tao at manligaw sa iba, siyempre, mahe-hurt ka, masa-sad ka.

"Siyempre, gusto mo na ikaw yun pagdating sa future.

"Pero wala naman po akong planong pigilan siya.

“Kung yun ang gusto niya, di sige lang.

"Hindi pa naman tayo para madiktahan kita kung ano ang gagawin mo.

"Yun po… kung ano ang trip niya sa buhay, yun lang.”

CURBED ATTRACTION. Diretsuhan naman naming tinanong si Alexa kung hindi ba sila nade-develop ni Nash bilang magka-loveteam sa LUV U na kilig-kiligan ang madalas nilang eksena.

Pag-amin niya, “Nade-develop po, pero alam naman po namin ang limitation namin.

"Siyempre, kahit ayaw naming ma-develop, hindi rin mapigilan minsan.

“Yun nga po, araw-araw kayong magkasama, ganoon pa ang ginagawa niyo.

"Sweet-sweetan, nakakakilig, ganyan.”

Kinikilig din siya kahit off-cam?

“Opo naman,” nakangiti niyang pag-amin.

“Hindi rin naman po kami magwu-work kung hindi kami kinikilig sa isa’t isa.”

Kaya niyang pigilan ang kilig ng apat na taon?

“Pipigilan!” natatawang sagot ni Alexa. “Pipigilan din niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INCREASING FANBASE. Sa loob ng isang taon na pagiging magka-loveteam nila ni Nash, sinabi n Alexa na dumami ang followers nila at fans.

“Dumami po talaga ang mga supporters namin.

"Yung mga kinikilig sa amin, nagtu-tweet. At napapansin po namin yun.

“Noong unang nagsisimula pa lang kami, si Nash, nandoon na po siya. Ako po, nagsisimula pa lang.

"Pero nakita ko po yung journey namin na sobrang layo na po ng narating namin.

“Pero siyempre, hindi pa po kami satisfied. We want to work more.

"Pero sobrang natutuwa po kami dahil sobrang laki po ng pagbabago doon sa before.

"Siguro po noon, kunwari magmu-mall shows kami, marami rin ang titili, kinikilig.

"Pero, hindi po sobra na katulad ng nakikita namin ngayon.

“Sobrang laki po ng change ng humanga sa amin noon sa ngayon.”

NEW TELESERYE. Dahil nakita na may malakas silang following, binigyan sila agad ng ABS-CBN ng kanilang sariling teleserye.

Sina Alexa at Nash ang mga bida sa bagong teleseryeng Bagito.

Pero bago ang Bagito, ang remake ng Inday Bote ang napabalitang gagawin nila.

Hindi ba siya nanghinayang sa hindi pagkakatuloy ng Inday Bote?

Sagot ni Alexa, “Kinausap po kami ni Sir Deo [Endrinal], sabi po nila, may ipe-present daw silang new project.

"’Tapos habang pini-present nila, sabi po nila, na-shelved ang Inday Bote.

“May ibibigay raw po silang bago, teleserye naman po na drama na talaga.

"And sobra, dahil gusto talaga naming mag-drama ni Nash.

"Yung sa Inday Bote, nalungkot din po kasi alam po naming sobrang saya ng process ng paggawa.

"Kasama rin po sana namin ang Gimme 5, pero mas natuwa kami kasi ang ganda ng project na ibinigay sa amin.

“Hindi namin iniexpect na mabibigyan kami ng ganoong klaseng soap.”

Wala pa raw sinasabi sa kanila kung kailan ipapalabas ang Bagito, pero matagal na rin daw silang nagte-taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung kuwento po kasi ng Bagito, mai-in love po siya [Nash] sa isang college student, ako naman po, best friend niya.

"Kung mapapanood po nila, marami pong moral ang story.”



TEXTERS’ CHOICE. Sa nangyayari ngayon sa career ni Alexa, nabibilisan ba siya o okey lang sa kanya?

“Okey lang po ako, game naman po ako,” nakangiti niyang sabi.

Sa LUV U, may online at text voting sila sa Mr. & Ms. LUV U.

Bigla nga raw ginawang totohanan ang online at text voting ang contest nila na sila-sila ang maglalaban at doon nakadepende kung sino ang mananalo.

Bilang sila ni Nash ang parang frontliner ng show nila, confident ba siya na mananalo sila ni Nash laban kina Sharlene San Pedro at Jairus Aquino at iba pa?

“Hindi naman po confident kasi totoo pong voting ito. Nagulat nga po ako.

"Pero okey lang naman po sa akin kahit sino.

"Hindi ko naman po siya tini-treat na totoong competition.

“Siguro for fun na lang, ayoko rin na parang sabihan ang mga fans na ’Uuy, boto niyo kami.’

"Kung gusto nila kaming iboto, sige lang, salamat.

"Meron pang ASAP, nagbo-vote rin sila dun. So, ayoko naman silang hangarin.

“Magdarasal na lang ako kung sino manalo. Okey lang po,” pagtatapos ni Alexa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN