Zanjoe Marudo denies breakup rumor with girlfriend Bea Alonzo

Pagtatanggol ni Zanjoe Marudo sa sarili kaugnay ng balitang nagli-link sa kanya sa ibang babae, "Alam naman niya [Bea Alonzo] yun kung gaano ako ka-loyal sa kanya. Parang sa tagal ko naman dito, never akong gumawa talaga ng kalokohan. Kahit itanong natin sa mga babae dito sa industriya, wala akong number nila. Hindi naman sa nagmamalinis ako, hindi ako yung tipo ng ganun."


Itinanggi ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo ang balitang hiwalay na diumano sila ng kasintahang si Bea Alonzo.

Noon pa naman ay sinasabi ng dalawa na kawalan ng oras sa isa’t isa ang kanilang problema dahil parehong hectic ang kanilang schedule.

Pero ilang beses na ring lumabas ang mga kuwento na nagkukuwestiyon sa katapatan ni Zanjoe kay Bea.

Kung dati ay dinadaan sa blind items, may mga pagkakataong pinangalanan na rin ang aktor na nakikipagkita raw sa ibang mga babae.

Pero pagtanggi ni Zanjoe, “Wala naman, hindi totoo yun.

“Walang ganung nangyari sa relasyon namin, masaya kami.

“Tsismis lang yun. May mga tao siguro na gustong maghiwalay kami kaya gumagawa ng ganung isyu.”

Muli ring pinabulaanan ni Zanjoe ang usap-usapang nag-uugnay sa kanya sa ibang mga babae.

Saad niya, “Alam naman niya [Bea] yun kung gaano ako ka-loyal sa kanya.

“Parang sa tagal ko naman dito, never akong gumawa talaga ng kalokohan.

"Kahit itanong natin sa mga babae dito sa industriya, wala akong number nila.

“Hindi naman sa nagmamalinis ako, hindi ako yung tipo ng ganun.

“Hindi naman ako guwapo, hindi naman ako habulin ng mga tsiks, so bakit naman ako magiging ganun ang ugali ko.

“Hindi ko naman sinasabi na lahat ng guwapo, e, ganun, ha…”

Katulad ni Bea, inamin ni Zanjoe na oras talaga para sa isa’t isa ang problema nila dahil sa dami ng kanilang ginagawang mga proyekto.

“Actually, kasama na yun sa relasyon, e, yung time.

“Kasi yung nangyari sa amin, pagkatapos ng teleserye niya na halos nag-e-every day sila, bigla naman akong nagsimula ng halos every day din.

“Yun ang naging pinaka naging problema lang.

“Kasi naman sa relasyon, kahit wala kayong pinag-aawayan o kahit wala kayong problema, dahi hindi niyo lang nakikita ang isa’t isa, ang bilis nang uminit ng ulo mo kasi nami-miss mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos walang time, ’tapos nabubuwisit ka na dahil ‘di talaga puwede, yung ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Zanjoe sa contract signing niya para sa Star Cinema kahapon, November 12, sa opisina ng movie arm ng ABS-CBN.



TOO BUSY FOR A VACATION. Mahilig sina Bea at Zanjoe na mag-out of the country sa tuwing may panahon sila.

Pero ngayong Pasko, ayon kay Zanjoe, ay mukhang malabo silang makalabas ng bansa dahil na rin sa kani-kanilang mga trabaho.

“Wala pa kasi tinatantiya pa namin kung papayagan ba ako o kung papayagan ba siya dun sa movie na gagawin niya.

“Tinatantiya pa namin yung days na puwede kaming umalis.

“Taun-taon naman ginagawa namin yun, ngayon hindi kami ganun ka-free.

“Dati kasi, ‘pag pinapaalam namin, pinapayagan kami.

“Pero ngayon, medyo malabo pa dahil, yun nga, may taping ako, may movie siyang ginagawa.”

Sa pagpirma muli ni Zanjoe ng kontrata sa Star Cinema, kasabay sina Julia Barretto at Coleen Garcia, isang pelikula na pagtatambalan nila ni Angelica Panganiban ang gagawin niya.

“Ngayon nag-sign uli ako ng bagong contract sa Star Cinema, two years.

“Ang next na gagawin ko with Angelica Panganiban, ang title niya is Size Matters.

“’Di ba, dati, sinasabi nila ’size does not matter’? Ngayon, size matters.”

Sabi pa niya tungkol kay Angelica, “Ang tagal ko na siyang katrabaho… almost seven years.

“Sa Banana Split, parang magkasama kami halos anim na taon na.

“Nagkatrabaho na kami sa One More Try, sa drama naman, ‘tapos comedy.

“’Tapos heto, mukhang comedy na naman ang gagawin namin.

“Nakaka-excite kasi kumportbale na kami sa isa’t isa. Alam na namin ang bawat bitaw, bato, yung bawat timing.

"So, nakaka-excite na gagawin naman namin sa pelikula."

Abala rin ngayon si Zanjoe sa taping ng kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Dream Dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN