Rachelle Ann Go laughs off report that she has a boyfriend in London

Sa kabila ng kanyang hectic schedule ay ini-enjoy ni Rachelle Ann go ang kanyang pananatili sa London, kung saan kasama siya sa West End production ng hit musical na Miss Saigon.


LONDON, UK. Pagkatapos makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark Bautista pagkatapos naming manood ng rock musical na Here Lies Love last Monday night, November 10 (London time), the following night, November 11, ay si Rachelle Ann Go naman ang nakausap namin pagkatapos manood ng Miss Saigon sa Prince Edward Theatre sa West End.

Kahit pagod dahil nag-two shows sila that Tuesday, magiliw pa rin kaming in-accommodate ni Rachelle for an interview sa may stage door ng Prince Edward Theatre, kung saan maraming fans na nagpapa-picture at nagpapa-autograph na sa kanya right after the show.

Gusto sanang sumama sa amin ni Rachelle for late dinner-chikahan, kaya lang ay pagod na talaga siya.

And the next day ay kailangan niyang gumising nang maaga dahil may rehearsals sila for The Royal Variety Performance.

Excited si Rachelle dahil yearly event ‘yon ng Royal Family at dadalo ang mga dugong bughaw ng Britanya, sa pangunguna ni Queen Elizabeth II.

Ang sabi niya sa amin ay hindi niya sigurado kung darating sina Prince William and Princess Kate, pero ayon sa isang online news na nabasa namin ay kumpirmadong dadalo ang Duke and Duchess of Cambridge for the first time sa Royal Variety Performance.

This year’s venue is the Palladium Theatre and as we write this, Thursday morning (London time, na 8 hours behind Manila time), ay gaganapin pa lang ang nasabing royal event.

Ito ang dahilan kaya nagkaroon ng matinee show ang Miss Saigon last Tuesday, instead of the usual Thursday, dahil kabilang sa performers ang cast ng Miss Saigon.

According to Rachelle, “Last Night of the World” na duet nina Eva Noblezada at Alistair Brammer (who play Kim & Chris) at “The American Dream” na aawitin ni Jon Jon Briones (who plays The Engineer) ang Miss Saigon numbers.

Wala raw siyang gagawin dahil hindi siya kasama sa mga kakanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Uupo lang siya sa loob ng cadillac at aura-aura lang siya roon while wearing a blonde wig and fur coat, habang si Jon Jon ang mag-isang humahataw sa pagkanta.

“Ganun lang, hindi ako pagpapawisan!” natatawang sabi ni Rachelle, who plays the Vietnamese bar girl Gigi Van Tranh in the West End revival of Miss Saigon.



FUTURE PLANS. Masaya si Rachelle nang makausap namin dahil katatapos lang niyang magbakasyon with her family na pinuntahan siya rito sa London.

Kakaalis lang ng pamilya niya na one week niya ring naka-bonding dito. Nagpunta sila ng Paris at kung saan-saan pa namasyal.

Kababalik lang ni Rachelle noong Lunes.

Kahit paano ay nakakapagbakasyon ang Kapuso singer dahil allowed daw silang mag-holiday for 33 days, so iniisa-isa niya ‘yon.

Three weeks ago ay umuwi siya ng Pilipinas nang imbitahan siyang kumanta sa opening ng H&M store sa Mega Fashion Hall, pero tatlong araw lang siya sa Manila at bumalik siya agad dito.

Ano na ang plano ni Rachelle kapag natapos na ang one-year contract niya with Miss Saigon in May 2015?

“Hindi ko pa alam, e. Hindi pa rin ako nakakausap ng company, kaya tingnan natin,” nakangiting sagot niya.

Dadalhin ba sa Broadway in New York ang West End revival ng Miss Saigon?

Aniya, “I don’t know. Meron akong narinig na dadalhin sa Broadway.

"Pero hindi ko alam kung ano’ng mangyayari, kung dadalhin din kami, kung same cast, I don’t know."

Nakasubok na ba siyang mag-audition for other London musicals gaya ng kaibigan niyang si Mark Bautista?

Ayon kay Rachelle, “Hindi pa, e. Kasi, sobrang busy. ’Tapos, dumating nga yung family ko.

“So, medyo yun muna yung focus ko. Ang dami pang iniisip, e.

“At saka sa May pa naman kami matatapos, so medyo mahaba-haba pa siya.”



RUMORED BOYFRIEND. Inusisa ng PEP si Rachelle tungkol sa balitang mayroon na umano siyang boyfriend dito sa London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, e, nabalitaan ko rin, e!” ang natatawang reaksiyon niya.

Totoo bang kasama niya sa show at nasa ensemble ng Miss Saigon ang nasabing guy?

“Oo nga, e, maraming manliligaw. Maraming manliligaw?!

“O, e, ano’ng magagawa ko? Ha! Ha! Ha! Hindi, ano ba ‘yan?!

“Ay naku, alam niyo naman ang mga isyu, ang daming isyu!” natatawa pa ring pakli niya.

Ano bang totoo? Meron nga ba siyang masugid na manliligaw dito sa London?

“Oo, marami. Marami, o!” tawa na naman niya.

At meron na ba siyang napupusuan?

“Well, busy, e! Ang haba ng buhok, ano? Ha! Ha! Ha! Joke lang!

“Hindi, Dyusko! Yung trabaho ko naman, eight shows a week.

“At saka ini-enjoy-enjoy lang muna, ‘di ba? Yeah…” napapangiting sabi ng dalaga, na patuloy na umaani ng papuri sa kanyang mahusay na pagganap bilang Gigi sa Miss Saigon.



GREAT TIMING. Nabanggit ng PEP kay Rachelle na nakausap namin si Mark the night before.

Ang ganda ng timing na habang nandito siya for Miss Saigon ay nag-London din si Mark para naman sa Here Lies Love.

Recently lang nanood si Shin ng Here Lies Love at ang daming kinilig sa picture nila ni Mark na kuha pagkatapos niyang manood sa National Theatre.

“Oo nga, nag-post ako sa Instagram, ang dami namang kinilig, nakakatawa naman!” reaksiyon ni Rachelle.

Once upon a time ay niligawan din siya ni Mark, pero ang masuwerteng sinagot ni Rachelle ay ang isa pang Bautista—si Christian Bautista at hindi si Mark.

Sabi namin kay Rachelle, nang usisain namin si Mark about her, ang hirit nito agad sa amin ay siya na lang daw ang tanungin namin ‘pag nakausap namin siya pagkatapos manood ng Miss Saigon.

Ang dating nito sa amin ay tila nagpapahiwatig si Mark na totoong may natagpuan nang pag-ibig si Rachelle dito sa London, samantalang si Mark ay wala pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun? Ay, tatawagan ko nga mamaya ‘yan si Mark! Ano ‘to?!” natatawang biro ng 28-anyos na dalaga.

So, mali ba ang intindi namin sa sinabing ‘yon ni Mark?

“Oo, mali.”

As in very much single pa rin siya rito?

“Oo naman.”

At mukhang wala pa siyang panahon for love?

“Oo, darating ‘yan! Malay mo, ‘di ba?

“Pagdating ko ng Pilipinas, malay niyo, may kasama na ako. May kasama na ako, o!! Joke lang!

“O kaya, kasal na ako!” tawa na naman niya.

Talaga? May ganun?

“Ang bilis niyong maniwala, ay naku!” malutong na halakhak ni Rachelle.

Pagkatapos naming magtsikahan ay sinamahan namin ang Miss Saigon star na maglakad papunta sa tube station dahil mag-isa lang siyang uuwi, at sasakay siya ng subway pauwi sa kanyang flat dito sa London.

“Magte-tren lang ako. Mahal mag-taxi, e!” tawa ni Rachelle, na ini-enjoy ang bagong adventure ng buhay niya rito sa London.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN